Chapter 13

86 1 0
                                    

Feeling ko makakapag relax na ako until the weekend. For the past two days kasi, wala pa namang pinapadalang resbak si Malditang 3rd year saken. Mukhang hindi rin naman niya ako nireport sa Dean kasi hindi pa ako pinatawag. So I guess safe na ako sa ginawa kong pagtataray sa student's locker room. Kasalanan din naman kasi niya yun noh.

Si Chance, ayun...kung hindi ako magte-text, hindi rin siya magte-text. Isang tanong, isang sagot...kahit na gano ka-jolly at kahaba pa yung text at reply ko, siya ang tipid-tipid pa rin. Ni hindi manlang sagarin yun allowable characters sa text kapag nagre-reply.

-_-

Si Lucila naman bukod sa pagiging abala bilang scholar eh abala din siya sa pakikipag text ke Jethro. Ang bilis nabuo ng love team nila ha. Hinatid lang siya sa Bulacan over the weekend ngayon either naglu-lunch out sila or dinner then saka siya ihahatid ni Jethro sa dorm. Wagas maka-effort si Kuya considering na sa UST siya pumapasok at hindi rin within Katipunan or Quezon City ang bahay niya.

"Raffy...labas daw tayo mamaya nila Jethro after classes? Hanggang 3pm lang naman tayo diba?" - aya saken ni Lucila

"Hoy Lucila...hindi mo ako chaperone okay? Saka na kita dadamayan kapag pinaiyak ka na ni Jethro." - walanghiyang toh, gawin daw ba akong yaya? Hampasin ko siya ng monopod ko eh.

"Engot!!! Kasama niya si Gero noh." - sagot niya saken. Feeling ko sumasama na ang ugali ni Lucila dahil saken, nahahawa na siya sa mga salita ko ╰_╯

"Aba malay ko ba, edi sana sinabi mo agad. Sige sasama ako." - pagkasabi ko niyan dali-dali niyang tinext kung sino man ang katext niya na para siyang mentality disabled kasi nakangiti mag-isa. Malamang si Jethro katext niyan.

"Lande!!! Kung makangiti wagas!!! Tapos pag katabi mo na para ka namang na-stroke!"

"Eeeehhhhhh nahihiya kasi ako sakanya eh" ∩__∩sagot niya saken na halata namang may kilig sa boses niya. Lakas maka-PBB teens. Kakakilala palang inlab na agad..tttsss.

"Nahihiya ka pa sa lagay na yan eh hinatid ka nga hanggang Bulacan?? Pinakilala mo na sa pamilya mo tapos nahihiya ka pa?? Ang harot mo ha!!!"

Hindi naman napipikon saken si Lucila kahit sinasabihan ko siya ng mean words. Hindi naman kasi Mariaclara ang peg niya eh. Kalog din siya katulad ko yun nga lang mas malala ako. Hahaha....

---------------

After our last class dumiretso na kame sa Lobby kasi nagtext na daw si Jethro na nandun na sila.

And....

wwooollllaaahhhh!!!!

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi sigurado akong pagtitinginan na naman kame ng mga inggiterang students, or matatawa ako sa kahambugan nila Gero.

Nakapark lang naman sa may Lobby yung kotse nilang magkaibigan habang nakasandal sila sa kotse ni Gero. Wagas ang mga ngiti nung nakita kame at wala akong masabi sa porma nila. Ang astig lang nilang tingnan. Dahil parehas silang matangkad, nagmumukha silang modelo ng damit.

Lumapit agad sila samen, si Jethro kinuha yung mga gamit ni Lucila while Gero held my hand naman. Nakasanayan ko na rin yan, kesehodang gising or tulog yung malanding ako eh okay lang saken.

Siguro kung si Chance, well baka nagbubunyi na ako at gising na gising agad ang malanding ako. Hahaha.

"See you at Trinoma." - Sabi ni Jethro habang pinagbubuksan ng pinto si Lucila. Infairness, mala-Rapunzel sa haba ng hair ang kaibigan ko ngayon. Wala naman akong masasabi sa way ng pagaasikaso sakanya ni Jethro eh. Prinsesang-prinsesa siya.

"Alright!" - Sagot naman ni Gero, sabay salute. Medyo nakaka-nerbyos ang kilos nilang dalawa ngayon. Ramdam na ramdam ko kasi ang pagiging badboys nila. You know, yung tipong gang members or mobsters.Yung bukod sa pagiging prinsesa ngayon ni Lucila eh parang may nagawa kameng mali at pinapatawag kame ng Mafia Boss nila.

FINDING CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon