Chapter 12

72 1 0
                                    

"Let's eat." - sabi ni Domineering Cas habang pina-park niya si Bumblebee dito sa tapat ng Red Ribbon.  I'm sure naman na alam niyang nandito sila Lucila at Jethro.

"Wala ako sa mood kumain. Pupunta nalang ako sa National (National Bookstore).  Dun nalang ako tatambay para makaiwas sa away." -sagot ko sakanya sabay baba ng kotse niya nung nakapag-park na siya ng maayos. Sa sobrang inis ko nilakasan ko ng todo yung pagsara sa pinto ng kotse niya.

Bwiset na malditang 3rd year yun.  Ampanget na nga baduy pa manamit tapos sakanya pa kakampi si Chance.  Oh edi sakanya na.  Bwiset!!!! >_<

"Raffy...don't be a brat."- sabi ni Chance sabay hawak sa siko ko para pigilan ako sa pagwa-walk out.

Ako pa ang brat??? Lahat nalang yata ng mali sa paningin niya eh nasaken na.

"I'm not being a brat!!! Naiinis lang ako. Siguro talagang slow poke lang ako kasi hindi ako makaintindi."

"Ttsss....you're smart, okay? Kumain na tayo wag ka magpapalipas ng gutom.". And in just a snap, nagbago ulet ang mood ni Chance, parang may mabait siyang aura bigla.

Hindi na niya ako hinintay sumagot, hinila na niya agad ako pabalik sa Red Ribbon.  Pagpasok namen sa loob parang may meeting ang drag racers.  Kahit hindi ko sila kilala, lahat sila lumingon sa direksyon namen ni Chance.  Siyempre nakahiwalay ng table si Jethro at Lucila.  Pero na recognize ko yung grupo nila panget saka yung isang lalaki na kinausap ni Gero noon sa Starbucks, pati na rin yung lalaking nakita namen sa Trinoma na nagsabing "Bago mo?" kay Gero.

Dahil wala si Gero gusto ko ng umalis...feeling ko kasi pagtitripan nila ako.  Patakbo na sana ako palabas ng Red Ribbon pero hinila ako ni Chance.

"Where are you going?" - medyo inis na naman ung boses niya pero nung napansin naman niyang mukhang worried ang mukha ko eh huminahon din naman siya agad.

"You don't need to worry about them.  Now let's go, please? I'm hungry." - assurance niya saken.

Tumingin muna ulet ako sa grupo ng mga lalaki pero hindi naman na sila nakatingin samen, bumalik na sila sa kung ano man ung ginagawa nila bago kame pumasok ni Chance dito.

Since mukha namang wala silang balak na masama ngayong araw na toh, at kawawa naman si Chance dahil mukhang gutom na nga.  Sige na, go na.

Hinawakan niya ako ng maayos sa kamay saka kame dumiretso papunta sa counter. Kung pwede lang sana na mawala ang inis ko sa paghawak niya sa kamay ko malamang naka ngiti na ako ngayon.

Pero wala kasi yung malanding part ng sarili ko at nababalutan ako ng inis ngayon sa malditang 3rd year na yun, kaya kahit na he's caressing my hands eh hindi pa rin ako kumakalma.

Wala pa rin talaga ako sa mood kumain.

So yung normal na dami ng kain ko kapag stressed ako eh napalitan ngayon ng super diet mode.  Nagorder lang ako ng blueberry cheesecake and a glass of water.  Oo matamis pa rin naman yan pero atleast 1 slice lang ang inorder ko at hindi isang buong cake ang lalantakan ko.

Umupo kame sa tabi nila Lucila.

"Hi Raffy ^_______^" sabi ni Jethro na mukhang may diperensiya sa utak sa pagkakangiti niyang sobrang lapad.  Imagine yung isang gwapo na astig tingnan, mala-frat at mukhang kinatatakutan, eh parang batang nagpapa-cute ngayon, ewan ko nalang kung hindi mo isiping baliw yun.

Umupo na muna ako bago siya kinausap.

"Ikaw na bahala kay Lucila okay? Wag mong masyadong bigyan ng sakit ng ulo ha. Scholar kasi siya eh, baka hindi makapg-concentrate sa studies kakaisip sayo." ^_^

FINDING CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon