Chapter 14

82 1 0
                                    

"Ttttsssss.....are you guys done?" - Gero

"Meron kasi tayong kasamang mga bata eh. Masyadong parental guidance yang ginagawa ninyo." -Jethro

And I burst into laughter.... tinakpan ko rin naman agad ang bibig ko...siyempre my shoulders are still shaking kasi hindi ko talaga kayang pigilan ang pagtawa ko sa sinabi ni Jethro. *^▁^*Hahaha. Baka kasi mainsulto sila Chance kapag tumawa ako ng malakas habang ramdam ng buong kaluluwa ko na nage-enjoy sila sa paghahalikan.

After a few more seconds of lip-locking finally natapos na rin sila. I think I'm biting my lips so hard mapigilan lang ang pagtawa, ang sakit na nga ng pisngi ko kasi halos mawarak na kakangiti ko.

Hindi ko alam kung lasing na ba si Chance na nakalimutan na niya kung nasaan siya at nakalimot din na may mga kasama siya.

Siyempre si Phyton Angel naka doggy smile na naman. Yung feeling niyang waging-wagi siya at ang ganda-ganda niya sa mga oras na toh dahil hinalikan siya ni Chance.

"Ohh.. if you're done,we're leaving. May normal na date pa kasi kame eh." - sabi ni Jethro kaya natawa na naman ako. Hindi ko kasi sure kung nang-iinis lang ba siya o talagang naalibadbaran din siya sa nakita niya.

Tinawag na niya yung waiter to get the bill saka niya inabot yung credit card niya. Pppfffttt -_- buti pa siya may extension ng credit card ng parents niya. Ayaw kasi akong bigyan nila mommy dahil kahit may tiwala naman daw sila saken, mahirap na at baka matukso pa daw ako sa paggamit nun. Pero kunsabagay may point naman sila...baka everytime na stressed ako eh swipe here, swipe there, swipe anywhere,swipe everywhere ang mangyari sa card ko.

Nauna ng tumayo at lumabas sila Lucila, sa cashier area nalang daw kukunin ni Jethro yung card niya.

"Cas...we'll go first" - Paalam ni Gero kay Chance, tumango lang si Chance pero medyo salubong ang kilay. When he looked at me, nag-smile lang ako sakanya tapos nag thumbs up ako. Hindi ako sigurado kung bakit ko ginawa yun kasi parang nagchi-cheer pa ako na very good ang ginawa niya kay Phyton Angel at dapat eh i-push pa niya lalo yun. Hahaha...wala lang, hindi ako nakapagisip agad, basta nalang gumalaw yung kamay ko.

Tumayo na kame ni Gero para iwanan yung dalawa na mukhang meron pang unfinished business. Sa gitna ng kainitan sa Pilipinas eh mukhang mas mainit pa silang dalawa. Ang hot-hot lang talaga nila.

"Raffy!" - I heard Chance called me, siguro mga nakakasampung hakbang palang naman kame palayo from the table. So siyempre lilingon ako, si Chance yun eh. Baka nga kahit nasa gitna pa ako ng EDSA eh lilingon ako basta siya ang tumawag saken.

Yung hawak ni Gero sa balakang ko eh biglang napunta sa bewang ko nung humarap ako kay Chance, kaya yung kamay niya nasa harap na ng katawan ko.

Hinawakan ni Chance yung likod ng ulo ko saka inilapit sakanya. He kissed my forehead......na medyo napatagal ata kasi narinig ko si Gero

"Ehem!!!!!"

Saka na ako binitawan ni Chance. "See you princess" - sabi niya saken, while he stroked my cheeks with his finger.

"Take care of her." - he said while looking at Gero na medyo may tonong pag-uutos sa kaibigan niya.

Hindi ko alam kung sumagot ba si Gero or kung anoman ang reaction niya. Dahil nakaharap ako kay Chance, kitang-kita ko si Angel na namumula na ang mukha. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa iniinom nilang beer or dahil may itinatago siyang galit na sooner or later eh sasabog nalang siyang bigla.

"Ttsss...lasheng ka Chance? Hehehe sige na...nakasimangot na si Phyton, baka tuklawin ako bigla."

Sinabi ko sakanya yun ng hindi ko inaalis ang tingin ko kay Angel. This time ako naman ang nakangisi sakanya. Kung pwde ko lang sabihing nasa akin ang huling halakhak eh ginawa ko na. Feeling ko kasi ang cause ng pamumula niya ngayon eh ang marespetong halik na binigay saken ni Chance.

FINDING CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon