Chapter 15

68 1 0
                                    

*Friday*

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana or sadyang mabilis lang talaga ang ikot ng mundo ni Chance. From North Pole kasi agad-agad eh naka South Pole na naman siya.

Pagkatapos ng ipinagbubunyi kong kiss niya saken in less than a day eh nagmistulang hindi na naman ako nage-exist sa mundo niya. Pero si Gero, hindi ko alam kung sadyang makulit nalang ba talaga siya or wala lang siyang magawa.

"Why did you allowed Cas to kiss you?"

Paulit-ulit niyang tinatanong saken yan samantalang hindi naman big deal yun. Siya rin naman hinakalikan ako sa ulo, naghoholding hands pa kame. Eh bakit kaya hindi niya itanong sa sarili niya kung bakit ko siya hinahayaang gawin yun????

"Raffy!!!!!Nag-review ka ba?!?!" - medyo high-pitched si Lucila habang ang aga-aga pa. First subject kasi namen, Theology, nauna na ako dito sa room namen kasi may quiz kame. Pero si Lucila....

"Bwahahaaha....anyare sayo??? Jethro Effect ba yan?" - mukha kasi siyang Kung Fu Panda ngayon sa paningin ko.....ung ang puti lang niya tapos pagtingin mo sa mga mata niya sobrang itim hahaha.

"Che!!!Ano nagreview ka ba??" - tanong niya ulet.

"Hindi ako nagrereview. Nagbabasa lang. Essay lang naman yung exam natin so madaling bolahin yun."

"Ah essay ba? Buti naman...." - mukhang bumabalik na sa normal yung paghinga niya. Tumatakbo kasi siya kanina kaya hingal na hingal siya.

"Seriously??? Did you just forgot or sadyang absent-minded ka sa class at puro si Jethro nasa isip mo??" - nakakaloka tong babaeng toh...sinabi naman samen ni prof na essay type ung quiz namen kaya kung nagbabasa or nakikinig naman daw kame sakanya eh hindi kame mahihirapan.

"Sinabi ba??"

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Lucila ngayon, kung nilayasan na ba siya ng katalinuhan niya dahil puro nalang lalake ang laman or sadyang tanga lang siya ngayon. -_-!

"Oo...hindi ka ba nakikinig?? Alam mong may quiz pero di mo narinig na essay type?"

"Hindi eh...." - sagot niya saken while scanning the pages of her book. Magaleng!!! Clap, clap, clap....para bang may internal scanner ang utak niya at mags-store agad sa memory niya ung laman ng bawat pages. If I know, memory full na siya kay Jethro palang.

"Pft!!!Don't worry, kapag hindi ka nakapasa, may midterm pa naman saka finals." - I said while tapping her back

"Ano ka ba scholar ako...hindi pwedeng bumagsak huhuhu."

"Aba babae!!! E di sana naisip mo yan bago ka lumandi at nakipagpuyatan kay Jethro!!!!!"

"Wweehhh!!! Yabang nito..."

Unti-unti ng dumadating yung ibang students...si Lucila nagc-cram pa din...nakakatawa siyang panoorin kasi tarantang-taranta talaga siya....I was just laughing to myself. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sakanya or tuluyan ko nalang siyang tatawanan. ^_^¦¦¦

"Ay si Raffy..." -estudyanteng hindi ko kilala...seryoso??? Masyado siyang trying hard ibulong yung sinabi niya...kasi dinig na dinig ko kaya -_- . Pero nagpanggap akong hindi ko siya narinig kasi baka mapahiya siya kaya nakayuko pa rin ako, pretending na nagbabasa.

"Maganda pala talaga siya noh?" - girl 2 (Walang dudang maganda ako noh >_<)

"Saka parang mabait naman ah. Hindi naman siguro masungit?" - girl 3 (Well depende yan sa kausap ko)

"Tingin niyo ba susunduin yan ni Gero kung masungit siya? E pinakaayaw nun sa babaeng maarte." - girl 4 (O_o ooohhh???kilala nila si Gero?)

"Sana maging friend din natin siya noh? Swerte naman ni Lucila." - girl 1

FINDING CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon