Episode 1: Simula

89 1 0
                                    

Niloko mo lang pala ako? Pinaasa mo lang ako? Pinaasa na totoo ang lahat? Nagsinungaling ka sa akin. Sabi mo tadhana ang gumawa. Sabi mo gawa ng kapalaran to pero ayos lang sa akin yun. Nangyari na eh. Ang galing mo at napaniwala mo ako.

1 year ago.

Tanga tanga ko talaga. Nalaglag ko pa yata yung wallet ko. Napakalamalas ko talaga. Nandun pa naman yung pambayad namin sa ilaw at tubig. Patay ako sa magulang ko. Tanga mo talaga Paula. Ano na gagawin ko? Bumalik ako sa Lasal. Nagbabakasakaling makita ko yun. Tumakbo ako papunta sa Chapel kung saan ako huling pumunta. Nakabangga ko pa nga ang isang lalaki.

"Sorry po.."

Pumunta ako sa inupuan ko pero wala doon. Ano ng gagawin ko?

"Pare pwede bang pumasok dito? Paano pag nalaman nilang taga-Adamson ako."

"Alex, wag kang mag-alala, ako bahala sayo! Teka lang ha hintayin mo lang ako dito."

"Pare, bilisan mo ha gusto ko nang umalis."

Pumasok ako sa Chapel para walang makapansin sakin. Buti nalang wala masyadong tao. Umupo ako sa likod habang naghihintay. Tumingin ako sa paligid hanggang sa may napansin akong wallet malapit sa paanan ko. Kinuha ko yun nang biglang dumating na si Josh.

"Alex halika alis na tayo."

"Teka lang pare nasaan yung lost and found niyo dito?"

Naglakad na kami palabas ng Chapel.

"Kasi may napulot akong wallet."

"Ah ganun ba. Sige punta tayo."

Naglakad kami sa hallway.

"Alex labas na tayo. Bilis!"

May guard na papalapit sa amin.

"Paano tong wallet?"

"Tsaka mo na isauli yan pare. Baka mahuli ka pa dito."

Naglakad kami ng mabilis palabas. Sa pagmamadali nakabangga ko ang isang babae.

-----

Itutuloy :)

Signs :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon