Episode 6: Fall

20 1 0
                                    

Tatlong signs na. Dalawa na lang. Si Alex na siguro ang soulmate ko, parang na fo-fall na nga rin yata ako eh. Mahal ko na rin yata siya. Love at first sight ba ito? Siguro nga. 

10AM Lasal Dasma

Nakita ko si Alex sa gate. May kasama siyang lalaki nag-uusap silang dalawa. Lalapit ba ko? Ay kaso nahihiya ako eh. 

Palayo na sana ako.... kaso may biglang tumawag sa akin. 

"Paula!" nakangiti si Alex habang kumakaway. OMG! Kinikilig na naman ako. Ngumiti ako at lumapit.

Habang naglalakad tinitignan ko siya. Ang ganda ng mga mata niya pati ng ngiti niya. Ang tangos pa ng ilong niya. Ang gwapo niya talaga. Parang teleserye lang sa TV. Ang sarap sa pakiramdam.

Hanggang sa may nangyari.....

"Paula, Okay ka lang?" dinilat ko ang mga mata ko. Nakangiti parin ako hanggang sa matauhan ako. Hindi ko namalayan na nakahiga na pala ako sa daanan. Medyo nahihilo. 

"Ano nangyari Alex?"

"Nabangga ka nung dumaan na lalaki tapos napahiga ka. Wala bang masakit sayo?" Ganun pala ang nangyari. Nakakahiya naman. 

"Pauwi ka na ba Paula?" 

"Oo Alex."

"Hatid na kita." 

Hala ano isasagot ko. "Nako Alex wag na, nakakahiya naman."

"Wag ka nang tumanggi baka kung ano pang mangyari sayo." 

Matapos ang pangyayaring yon nagtetext na kami, madalas ko na rin siya nakikita sa school. Ewan ko ba kung bakit sa punta ng punta dun. Pero ayus lang atleast nakikita ko siya. Minsan naman nagyayaya siyang lumabas parang "DATE." Feeling ko talaga there's something eh. Halata naman diba? Masaya akong kasama siya, kahit hindi ako sigurado. Paano kung ako lang ang nag-iisip na may something sa aming dalawa. Paano kung ma-fall na nga ako tapos hindi niya naman pala ako magustuhan? Pero ang mga signs na sinulat ko, natutupad naman. Dalawa na nga lang diba bago ko masabing siya na nga ang soulmate ko. Pero sana si Alex na. 

Halos 2 months na rin simula nung makilala ko siya. Simula nun naging sobrang saya na ko, naging maliwanag na ang buhay ko. Parang nagkakaron ako ng pag-asa, akala ko kasi hindi ko na siya makikilala. 

-----

Itutuloy :)

Signs :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon