Ngayon na ang araw. Isasauli ko na to. Tinawagan ko si Josh.
"Pare may kilala ka bang Paula Gonzales?"
"Sino yun pare?"
"Yung mayari ng wallet."
Kinukwento ko sa kanya yung nangyari nung gabing nahold-up ako. Na kung hindi dahil sa wallet na yun siguro napahamak at kung ano na ang nangyari sa akin.
Nagpatulong ako kay Josh.
"Sige Alex hanapin natin siya."
"Pero may isang problema. Hindi ako pwedeng pumasok sa school niyo."
"Sus, ako bahala sayo Alex."
"Ano plano mo?"
10:30AM
Lasal Dasma
"Hindi ba ako mahuhuli dito?"
"Hindi yan Alex."
Pinasuot niya sa akin yung uniform niya tapos gumawa ng pekeng ID.
"Alex, Tourism daw yung Paula."
Pinagtanong namin kung nasan si Paula pero di namin siya nakita. Baka wala silang klase.
"Papasok na lang ako Josh."
"Sige pare, bukas na lang natin hanapin."
Pumunta ako sa pinakamalapit na mall para magpalit ng damit. Sinuot ko yung Adamson shirt ko pati yung jacket namin.
Bumalik ako sa gate ng Lasal baka sakaling makita ko siya.
Tapos may nakita akong babae. Pinagmasdan ko siya. Nang tinignan ko yung picture sa wallet. Siya nga.
"Paula Gonzales?"
"Bakit po?"
"I'm Alex." Kinuha ko yung wallet sa bag ko.
"Sayo ba to?" Nagulat siya nung nakita niya yung wallet.
"Sa akin po yan." Tuwang tuwa siya at bigla niya akong nayakap.
"Salamat po." Naiiyak pa siya.
"Sinalba mo yung buhay ko." Sabi niya sa akin. Tumabi kami sa gilid.
"Mukhang kailangan mo yung pera dyan eh."
"Pambayad ko po kasi ng tubig at ilaw namin."
"Huwag mo na akong i-po. Bata pa ako." Napangiti siya.
"Alex, salamat talaga ha. May pasok ka pa ata."
"Oo eh. Sinauli ko lang yan."
Nagpaalam na ako sa kanya. Hinubad ko yung jacket ko. Napatingin siya sa damit ko. Bigla siyang nagsalita.
"Falcon." Napangiti siya.
"Bakit Paula?"
"Ah wala yun Alex. Salamat talaga ha."
Nakatingin pa rin siya sa T-shirt ko na may nakadrawing na Falcon. Naglakad na ako paalis tapos bigla siyang sumigaw.
"Salamat talaga Alex." Lumingon ako at ngumiti.
Pag sakay ko sa Jeep kinuha ko yung papel sa bag ko:
Sign no.1
*Kapag nakakita ako ng taga-Adamson dito sa Cavite siya ang magiging soulmate ko.
-----
Itutuloy :)
