Alex, bakit mo to ginagawa? Ano bang napapala mo? Paano kapag nalaman niya ang totoo?
Simula nung nakilala ko si Paula parang naging mas masaya ako, parang nagkaron ng excitement ang buhay ko. Ilang beses narin kami nagkita. Yung una sa gate ng Lasal, pangalawa sa terminal ng jeep, pangatlo sa MOA. Kinuha ko na rin yung number niya kaya lagi din kaming magkatext. Masaya ako.
"Alex, sigurado ka ba dyan? Mukhang tinamaan ka na kay Paula ha." Tanong sa akin ni Josh.
"Ewan ko nga pare eh, masaya ako kapag nakikita ko siya." Napatawa si Josh.
"Sus, ganyan din sinabi mo dati... nung nakilala mo si Janice." Natigilan ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Josh, wag na nating pagusapan yun." Biglang bumalik sa alaala ko si Janice. Yung pinapangarap kong babae. Yung babaeng una kong minahal pero iniwan lang ako.
"Uuwi na daw siya next month. Ano nang gagawin mo Alex? Paano kapag nalaman ni Paula na may girlfriend ka?" Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko alam ang gagawin. Ang alam ko lang masaya ako kapag kasama ko si Paula.
"Bahala ka Alex!"
Halos 2 months na rin simula nung magkakilala kami ni Paula. Tatlong signs na rin ang natutupad ko. Yung Falcon tapos yung sa payong tapos yung t-shirt na green. Dalawa na lang. Dati hindi ako naniniwala sa soulmate pero nung nakilala ko siya binago niya ako. Siya na rin ba ang soulmate ko? Sana siya na.
"Kelan mo sasabihin ang totoo? Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo? Paano kung walang soulmates? Paano kung hindi totoo ang lahat?"
"Wala akong pakielam."
After 1 month.
NAIA. 7PM.
"Alex." Niyakap ako ni Janice.
"I miss you so much Alex. I love you."
------
Itutuloy :)