Episode 4: Payong

28 1 0
                                    

Thank God talaga nakita ko na yung wallet ko. Thank You rin kay Alex.

Sana siya na.

Kinuha ko yung wallet ko. Hinanap ko yung papel na pinagsulatan ko nang mga signs. Nandun pa rin siya. Sana hindi niya kinalkal to. Hindi naman siguro.

Nagkatotoo na yung sign no.1. Yung Falcon sa Dasma. Sana siya na yung matagal ko nang hinahanap.

"Sign no.2

-payong na kulay green."

Makikita ko pa kaya siya? Matutupad pa ba ang sign no.2? Hayy.

After 10 days.

Pauwi na ako biglang umulan ng malakas. Malas talaga. Naiwan ko pa yung payong sa bahay. Mag jeep na nga lang ako.

Tumakbo na ako papuntang terminal at nagpatila muna saglit sa gilid.

"Paula?" tumingin ako sa likod ko.

Si ALEX!!!!

"Hello! Anong ginagawa mo dito?"

"May dinaanan lang ako dyan. Pauwi ka na ba?"

"Ah oo. Pauwi na rin ako." tumingin ako sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Tadhana, ibigay mo na sa akin to!

"Gusto mo sabay na tayo? Mag jeep ako, ikaw?" tinago ko yung kilig ko.

"Sakto, mag jeep ako ngayon." bigla siyang nagsalita.

"Wala ka bang payong?" Basang basa ka na kasi oh."

"Wala Alex eh, Ikaw?"

SANA MERON! SANA MERON!

"Ay wala rin eh. Bili nalang tayo ng payong."

Pumunta kami sa mga nagtitinda ng payong.

"Paula ano mas maganda? Color blue o green?" tinanong niya ako.

"Ikaw bahala."

SANA GREEN! SANA GREEN!

"Blue nalang para Adamson." Nalungkot naman ako. So hindi siya si Soulmate.

"Halika na Paula." Pinilit kong ngumiti. Nang buksan na niya yung payong nakarinig kami ng pagkasira.

"Ay nasira agad. Sandali lang ha."

Bumalik siya sa nagtitinda ng payong. Ibinalik niya yung blue na payong at pinalitan niya ng kulay green. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

ANG SIGN NO.2!!!

Lumapit siya sa akin. "Halika, alis na tayo."

Sign no.2

*Payong na kulay green [Check]

-----

Itutuloy :)

Signs :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon