Lahat tayo may nakaraan. May mga sikretong tinatago. May mga pangyayaring gustong kalimutan. Nakilala ko si Janice. Sabi ko sa sarili ko siya na ang babaeng papakasalan ko. Ang babaeng dahilan kung bakit ako nabuhay. Siya na ata ang kahati ng puso ko. Siya na siguro.
Sa tuwing matutulog ako sa gabi hindi ko maiwasang hindi humiling sa Diyos na sana bigyan niya ako ng pagkakataon na sana maging kami ni Janice. Hindi niya ako binigo at naging kami ni Janice. Nakilala ko siya sa isang party. Tatlong taon na rin ang nakakalipas. Pagkatapos ng gabing yon naging magkaibigan kami. Minsan lumalabas. Hanggang sa dumating yung araw na pinapangarap ko:
"Janice, can you be my girlfriend?" at sumagot siya.
"Yes Aex."
"I love you Janice."
"I love you too Alex."
Salamat sa Diyos. Tinupad niyo po ang kaisa-isang wish ko na mahalin ako ni Janice. Ito na ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. Salamat.
Sa unang taon naming magkarelasyon palagi kaming masaya, palagi rin kaming magkasama. Sobra naming mahal ang isa't isa. Sa susunod na taon may mga problemang dumarating sa aming dalawa. Hindi na rin kami madalas kung magkita dahil magkalayo kami. Sa Adamson ako pumapasok sa Ateneo naman siya.
"Sorry Alex kung di na tayo masyadong nagkikita naging busy kasi ako ngayong college. Start na rin ng exam week namin at pasahan ng mga project."
"Okay lang Janice. Naiintindihan ko naman yun."
Minsan may hindi pagkakasunduan sa amin pero siguro naman normal lang yun sa isang relasyon basta ang importante mahal namin ang isa't isa at hindi nawawala ang tiwala namin. Pero may nangyari.....
"I need to go Alex. Sa Denmark na ako mag-aaral. Doon na rin kami titira pero promise ko sayo na babalik ako at babalikan kita." Parang huminto ang tibok ng puso ko. Parang gusto kong isipin panaginip lang ang lahat.
"I love you Janice. Hihintayin kita."
Lord, babalik pa po ba si Janice? Mahal na mahal ko siya pero mahal pa rin kaya niya ako?
-----
Itutuloy :)