Episode 5: Berde

21 1 0
                                    

Dalawang signs na ang natutupad. Tatlo na lang at masasabi ko talaga na siya ang soulmate ko. Si Alex na ba ang soulmate ko? Siya na ba? Sana siya na nga.

Nung una ko siyang makita alam kong may spark na eh. Parang may something na nga eh. Nafo-fall na ata ako.

"Sign no.3

-nakasuot ng paborito kong kulay na green."

Ang third sign sana naka green siya... Pero WAIT! Oh my gosh! Adamson nga pala siya. Hindi pwede to. Ang green ay Lasalita na kagaya ko. Blue naman sa Adamson.

5:30PM

Mall of Asia

Maagang natapos ang klase ko kaya lumuwas ako papuntang Manila. Marami kasing mapupuntahan dun. Sumakay ako ng bus na may nakalagay na Pasay Baclaran hanggang sa naisipan kong mag MOA. Maaga pa naman eh. Ayoko pang umuwi. Bumili muna ako ng maiinom. Habang naglalakad ako bigla akong may nakabangga. Ang clumsy ko kasi eh tapos natapunan ko pa siya sa damit.

"Alex? Anong ginagawa mo dito?" ngumiti siya sa akin habang pinupunasan niya yung damit niya.

"Pauwi narin ako. Kumain lang ako at may binili lang sa National." sa pagkagulat ko sa kanya muntikan ko nang makalimutan magsorry.

"Sorry nga pala ha. Paano na yan Alex?"

"Huwag kang mag-alala. OK lang." nakakahiya naman sa kanya. Tinitigan ko yung damit niya, yung nabasang part ng damit niya. Oh my gosh! The third sign...... FAILED :'( Naka blue shirt siya. Sabi ko na nga ba eh. Nalungkot naman ako. So hindi siya si Soulmate?

"Paula, OK ka lang?" Nakatulala na pala ako.

"Huwag mo nang isipin yun may dala naman akong extrang shirt." binuksan niya yung bag niya at kinuha yung t-shirt na dala niya.

SANA GREEN. SANA GREEN.

"Favorite ko kasi yung yellow. Nakakaputi kasi tignan." Nilabas niya yung yellow shirt niya.

"Oh pano Paula. Mauna na ako ha."

"Sige Alex. Pasensya na ulit ha."

Ano ba yan tadhana, tatlong sign na nga lang eh di mo pa ako pinagbigyan.

9:00PM

BAHAY

"Ate Paula, ano sagot dito? Anong kulay ang lalabas kapag pinaghalo ang Blue at Yellow?"

"Green."

Sign no.3

-Nakasuot ng paborito kong kulay na green. [Check]

----

Itutuloy :)

Signs :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon