May mga nangyayari sa buhay ng tao na minsan hindi mo inaasahan pero ito pala ang daan.
11:00PM
Pandacan, Manila
Ako na lang mag-isa. Wala ng katao tao sa paligid. Kailangan ko ng makauwi. Nakakaasar pa kasi walang taxi na dumadaan, may dumaan man may nakasakay naman. Ang malas ko naman. Makapag jeep na nga lang nang biglang may tumabi sa akin.
"Wag kang sisigaw.. Akin na wallet at cellphone mo." May dalawang lalaking tumutok ng baril sa likod ko. Nagsimula nang manginig ang buong katawan ko. Dali-dali kong inabot ang wallet at cellphone ko at bigla silang tumakbo palayo.
Ayos! Malas naman talaga! Paano ako makakauwi nito? Napaupo ako sa may gilid. Wala na yung cellphone ko, paano na ko hihingi ng tulong. Wala na rin ako perang pamasahe. Naiwan nalang sa akin yung bag ko! Nakakaasar!
Sa sobrang inis naibato ko yung bag at may narinig akong tunog ng barya. Kinuha ko ang bag ko at tinignan ang loob.
"Yung wallet na napulot ko."
Binuksan ko at nakakita ako ng pera. May nakita rin akong picture ng babae. Mukang pamilyar ang mukha niya.
"Peram muna ng pera mo ha. Babayaran ko rin promise."
Alas dos na ako nakauwi sa bahay.
Sa sobrang daming nangyari sa araw na to, dumeretso na agad ako sa kwarto ko at nahiga. Kinuha ko uli yung wallet. Pinagmamasdan ko yung picture at inaalala kung san ko siya nakita dati.
Simple lang siya.
"Thank You ha. Niligtas mo buhay ko, kung hindi dahil sa pera mo hindi ako makakauwi."
Tinignan ko yung iba pang laman nung wallet. Nakita ko yung ID niya. Paula Gonzales. May nakita rin akong papel yun nga lang unti unti nang napipikit yung dalawang mata ko.
"Alex, wake up anak." Dinilat ko ang mata ko.
"May pasok ka ngayon diba? Sige anak aalis na ako."
"Sige po Ma. Ingat."
Parang kanina lang kakapikit ko lang. Ang bilis ng oras. Nagmadali na akong kumilos. May exam pala kami ngayon. Niligpit ko na mga gamit ko tapos may nakita akong papel.
Signs (dapat magkatotoo ang limang signs para makilala ko ang soulmate ko.)
----
Itutuloy :)