Episode 9: Anghel

18 1 0
                                    

Last two signs na lang. Sana matupad na siya para malaman kong kami nga para sa isa't isa. Kung may monthsary lang ang pagkakaibigan pangatlong buwan na namin to ni Alex. Yun nga lang hindi ko na siya nakikita. Hindi na rin siya pumupunta sa school. Madalang na rin siya kung magtext. Siguro busy lang yun. 

Isang araw nakita ko si Josh. 

"Okay naman siya. Marami kasing ginagawa sa school nila eh." 

"Ah ganun ba? Salamat ha." Umalis na ako. 

Ano na kayang nangyari sa kanya? Namimis ko na siya. Yung mga ngiti niya, yung kakulitan niya, para kasi siyang anghel lagi niya kasi akong binabantayan pero busy siya ngayon. Okay lang. 

Ang lamig ngayon. Dcember na kasi eh. Ang saya ng mga tao halatang excited sa darating na Pasko. Dapat ako rin masaya pero may kulang eh. Si Alex. Halos isang buwan na kaming hindi nagkikita. 

"Ate Paula, hindi ka ba sasama sa amin?" pinuntahan ako ng kapatid ko sa kwarto."

"Magsisimba kami nila mommy."

"Sige kayo na lang. Masama pakiramdam ko eh." 

"Sige ate."

Ako na lang mag-isa sa bahay. Bigla akong may naalala, yung mga araw na magkasama kami. Yung mga lakad namin pag nagpupunta kami sa Mall. Yung mga araw na hinahatid niya ako sa bahay. Yung araw na may nagpapayong sa akin sa tuwing inaabutan ako ng malakas ng ulan. Yung pagsakay namin sa jeep. Kailan ko kaya siya ulit makikita?

Bumaba ako sa sala para kumain. Tapos may narinig akong kumakanta. Lumabas ako ng bahay. Mga nangangarolling. Mga matatada na. Nakakatuwa silang panoorin. Kumuha ako ng pera sa loob. Lumapit ako sa kanila at inabot ko yung pera. Tinapos nila yung buong kanta kahit papano nawawalayung pagiging malungkot ko. Papasok na ako sa bahay nang may tumawag sa akin...

"Paula." lumingon ako. May nakita akong papalapit.

"Alex?" ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin. 

"Pasensya ka na ha. May inayos lang ako sa school kaya medyo naging busy ako." 

"Okay lang yun Alex." pumasok kami sa loob. Sabay kaming kumain. Nagkwentuhan na rin. Tapos may narinig na naman akong mga nangangarolling. Mga batang nakacostume ng Anghel. Kumuha ulit ako ng pera sa walet ko at biglang may nahulog na papel:

"Sign no.4

--makakita ng anghel sa araw na magkasama kami."

-----

Itutuloy :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Signs :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon