"May gusto ka kay Geometry Metro 'no?" Naalala ko ang lahat at ang mga nangyari sa buong buhay ko sa South Orwell. Kailanman, ngayon ko lang narinig ang tanong na iyon. Napalingon ako kay Ever na kasalukuyang nakangisi sa akin. Napatingin ako sa paligid ng Right Wing sa labis na kaba, buti hindi narinig nila Venn ang tanong niya. Baka first day na first day namin ay asarin na naman nila ako.
"I love your outfit today," pag-iiba ko ng topic. Sumulyap ako sa damit niya at pagbalik ko sa tingin niya. "Black boots, black high-waisted skirt and black shirt," sabi ko nang diretso. Ngumiti ako kaya ganun din siya.
"I love your.." Napatingin siya sa suot ko at sinimulan sa suot kong sapatos. "Black shoes.." Her eyes went higher. "Black pants and.." She's reading the quote on my pastel red shirt.
"We vibes," natatawang sabi ko kaya napatango siya. I mentioned what was written on it as she faced me again with a wide smile.
"Inaano mo ako! Dinidistract!" sigaw niya at lalong lumapit sa akin. "Aminin mo nga." Hinila niya ako palapit sa kanya dahil si Dom at Venn ay nag-uusap sa tabi ko.
"May gusto ka kay Geo?" bulong niya kaya ningitian ko na lang siya. Hindi ko siya sinagot dahil pagsulyap ko sa harapan ay nandoon na si Vertex, naglalakad palapit sa amin.
"Hmmp!" Nairita siya dahil hindi ko nasagot ang tanong niya. Sakto kasing malapit na sa amin si Vertex kaya pabiro ko siyang binigay sa kanya. Mabuti nalang ay nasalo niya agad si Ever kaya napahighik ako. Kaso hindi ko naman ineexpect na matatapilok siya dahil sa heels niya. Mas lalo tuloy siyang napayakap sa dibdib ni Vertex.
"Good morning, Ever Greene," bati niya. Kaya lang, irap lang ang natanggap niya.
"Alam niyo, ang landi niyo." I saw Side walking towards us. Bitbit niya ang gitara niya sa lalagyan nito at nakipag-apir kina Venn. Lumapit din sa akin si Side at pinisil-pisil braso ko. Ginantihan ko rin siya ng pisil sa pisngi kaya napa-aray siya.
"Asan na 'yung iba?" tanong ni Divide na kararating sa Right Wing.
"Si Geo lang naman ang kulang dito. Mukhang naligaw," natatawang sagot ni Dom. Bigla silang napatingin sa akin kaya inosente ko silang tiningnan. Sa mga tingin nila ay parang aasarin na naman ako. Hinugot ko ang hininga ko at ihahanda ang sarili ko sa mga matatanggap kong asar.
"Nagchat na ako sa group chat." Mabuti na lang lumipat ang tingin nila kay Vertex na nagsalita. Kukunin ko sana ang phone ko para tingnan ang group chat namin pero hindi natuloy nang makita kong kanya-kanya silang kinuha ang mga phone nila. Naalala ko pang pangalan ko ang pangalan doon. Mga malalakas talaga ang trip nila eh.
"Sorry na. Hehehe." Bumalik ako kay Side at hinilot ko saglit ang pisnging hawak-hawak niya.
"Anong sorry? Jowa dapat katapat diyan!" Kinunutan ko siya ng noo kaya tumawa na lang siya. Grabeng biro 'yun. Kung totoo 'yun, wala akong maibibigay kasi si Ever lang ang kaibigan kong babae.
BINABASA MO ANG
Saturday in Minutes
General FictionSouth Orwell Series #2 Living with a vivid memory, Saturday Sundays just wanted to live peacefully and alone. But after meeting Minute Rogers, a playful, jolly, and blabby varsity player, she's ready to face everything she needs to encounter just to...