HALOS hindi pansin ni Rodlyn ang mga nagwawalang tao sa dance floor. Sa nag-iisang tao lamang ang tuon ng mga mata niya at habangbuhay niyang pagsasawain, ay hindi, hindi ata siya magsasawang pagmasdan ang guwapong mukha ni Xaniel Moratalla, her long time crush. Halos hindi mapoknat ang mga nakaw na tingin niya sa binata habang abala itong tinitipa ang yakap na electric guitar na nandoon sa gitna ng stage ng Xaniels Bar and Grill. Tuwing Friday night ay sinisigurado niyang nandoon siya sa nasabing lugar para magnakaw na naman ng tingin sa binata. Kahit na medyo rock ang tinutugtog ng banda ni Xaniel ay isang malamyos na kanta naman ang dumadaloy papasok sa kanyang tainga habang baliw na nakangiti at nakatitig sa binata. Hanggang sa matapos ang kanta ay para siyang tuod doon at hindi pa rin maalis ang tingin kay Xaniel kahit pababa na ito ng stage.
"Rod to Earth!"
Para naman siyang nakabalik sa tunay na mundo nang may humawak sa balikat niya at pihitin siya paharap dito. She groaned when she saw Crystal chuckled. "Crystal!" impit na sigaw niya rito.
"What?" painosenteng tanong ng pinsan.
Hindi niya ito pinansin bagkus ay binalik niya ang tingin sa gilid ng stage kung saan bumaba si Xaniel pero hindi na mahagilap ng mga mata niya ang binata. She screamed in annoyance. Pinutol ni Crystal ang pagpapantasya niya sa binata. Nagdadabog siyang bumalik sa puwesto nila ni Crystal kanina bago tumugtog ang banda ni Xaniel. Nakasimangot siya nang sumunod sa kanya ang pinsan na naupo na rin sa katapat niyang upuan.
"You know I can help you to see him everyday kaya huwag ka ng sumimangot d'yan," ani Crystal. Sumimsim ito sa wine glass nitong may paborito nitong inumin, Margarita.
She smirked. "You know why I can't do that. Anong alam ko sa publishing house? I'm just an artist. Brush and canvass ang buhay ko," walang ganang sagot niya.
"Hep! Hep!" pigil nito sa iba pa niyang sasabihin. "Huwag mo akong ma-just-just! My god, girl! Naiinggit nga ako sa'yo, e. You are so creative! Kahit nga lapis hindi kami bati, mag-paint pa kaya!"
Napabuntong-hininga siya. Crystal is right. Still, she loves what she is doing. Mula pagkabata ay buhay na niya ang pagpipinta at handa niyang ipagpalit ang anumang bagay para sa passion niya in arts. Arts is what she lives for. Sa ngayon, ito ang bumubuhay sa kanya kaya hindi niya kayang talikuran ang hilig na iyon. Well, she's been known in some side of Singapore to be one of the best artists in the country kaya laging puno ang e-mail notifications niya ng mga inquiries na gustong mag-rent ng serbisyo niya. Minsan ay malalaking art galleries and museums ang tumatawag sa kanya para magpagawa sa kanya. Minsan pa ngang may nag-alok sa kanya na magpinta out of the country so she just grabbed the opportunity. Malaki talaga ang pasalamat niya sa mga kamay niyang biniyayaan ng kapangyarihang gumawa ng de kalidad na paintings.
"So, are you going to grab my offer?" naniningkit ang mga mata Crystal. "In just one recommendation letter to Katrina Belarmino and voila! You'll be part of DBS Creative Team and then you will have the chance to see Xaniel everyday! Hindi iyong ginugulo mo ako every Friday night!"
May pag-aalilangan sa mga mata niya. "Paano kung hindi niya ako pansinin?"
"E, di' burahin mo na 'yang paghanga mo sa kanya! You're not a good stalker, you know? Hindi ka risk-taker." Crystal rolled her eyes on her. "Paano ka mapapansin kung mahina loob mo? Mamaya niyan may mauna sa'yo, ikaw din."
Nakikita palang niya sa isip na may ibang babaeng umaaligid kay Xaniel ay para na siyang binuhusan ng maraming pintura at winawasak mismo sa harap niya ang mga cavass niya. Hindi naman niya alam kung bakit sobrang sakit ng sinabi ni Crystal na parang tinutusok siya sa kanyang dibdib. Magkakaroon ng ibang girlfriend si Xaniel nang hindi man lang ako napapansin!
BINABASA MO ANG
When My Heart Got Crazy About You [Completed]
Romance2. When My Heart Got Crazy About You How will she make his heart melt from a frozen winter? Or will he ever be survived from a broken promise that changed his life? Will ever there be a spark that could trigger his life into a burning heart? DS: Dec...