PARANG magnanakaw ang kilos ni Rodlyn habang nakalabas ang ulo niya sa puwang ng pinto ng kanyang kuwarto. And there, she froze in a moment when she saw Xaniel asleep on her sofa. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang kuwarto. Katatapos niya lang mag-ayos ng sarili at dahil masyado pang maaga ay simpleng tshirt at pants muna ang sinuot niya. At kanina pa rin niya tinatanong ang sarili kung bakit nasa bahay niya ang guwapong binata.
Maliliit ang hakbang niya hanggang sa makalapit siya sa natutulog na Adonis sa kanyang bahay. Gusto naman niyang maawa sa itsura ni Xaniel. Nakaupo ito sa sofa habang nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa. Mukhng hindi ito komportable sa pagkakaupo nito sa sofa.
Pero hindi naman iyon ang mas pinagtuunan niya ng pansin, kundi ang mukha nitong kahit halatang puyat ay hindi nakabawas sa angking kagwapuhan ng binata.
Nakatagilid ang mukha ni Xaniel kaya hindi niya masyadong mapagmasdan ang mukha nito. Hindi naman niya namalayang halos unti-unti niyang nailalapit ang mukha sa natutulog na binata. May nagtutulak sa kanyang na mas lalong pagmasdan ang mukha ng binata. Handa na ang kamay niyang hawiin ang buhok nito ngunit bigla namang gumalaw ang binata dahilan upang bumagsak ang kamay niya sa headrest ng sofa. At mas nagpataranta sa kanya nang gumalaw rin ang tuhod ng binata dahilan upang masagi nito ang tuhod niya. Hindi niya alam kung saan kakapit huwag lang sa anumang parte ng katawan ni Xaniel, ngunit sa sobrang pagkataranta, bumagsak ang kamay niya sa dibdib nito. Mabilis niyang inalis ang kamay sa dibdib ng binata ngunit nakalimutan niyang nakadantay na siya dito at wala siyang kakapitan. She felt even more embarrassed when Xaniel opened his eyes and she fell on his body. And the time stopped when her lips crashed on his lips while they were looking at each other's eyes.
Parang napasong mabilis na napatayo si Rodlyn. Hindi niya masalubong ang mga mata ni Xaniel. Kung saan-saan dumadako ang paningin niya. Tumikhim siya upang mawala ang hiyang nararamdaman. And when she looked at Xaniel, he has this playful smile on his lips.
Mariin niyang naipikit ang mga mata at nang muli siyang dumilat, sinalubong niya ang mga mata ng binata na wari'y hindi siya nito nahuli.
"B-Baka gusto mong maidlip muna sa kuwarto ko? M-Mukhang puyat ka pa, e," alok niya rito. Pinilit niyang hindi mangarag ngunit walang pakisama ang puso niya.
Napapitlag pa siya nang biglang tumayo si Xaniel. "I really wanted to sleep even just a minute. Maaga pa naman. It's just 5:30 in the morning."
Tumango-tango na lamang siya rito. Ang totoo, hindi na niya alam kung anong puwedeng sabihin sa harapan ng binata na hindi siya magmumukhang kiss-stealer.
"Idlip lang ako," ani Xaniel at nilagpasan na siya nito.
Napabuga naman siya ng malalim na buntong-hininga nang marinig niya mula sa kanyang likuran ang pagsara ng pinto ng kanyang kuwarto. Mariin niyang naipikit ang mga mata upang pakalmahin ang pusong kanina pa nagwawala. At nang siya'y muling dumilat, isang pigil na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
They kissed! Gustong sumigaw ng kanyang puso sa tuwa pero pinigilan niya dahik baka marinig siya ni Xaniel na kasaluyang nasa kuwarto niya.
Akmang dadalhin niya sana ang mga daliri sa labing nadampian ng mga labi ni Xaniel nang maalala niya ang katotohanang ngayon niya lang na-realize.
Xaniel is in my room!
Bakas ang gulat at takot sa kanyang mukha nang lingunin niya ang pinto ng sarado niyang kuwarto.
Shit! 'Yung portrait niya nasa kuwarto ko!
Halos isahing hakbang niya ang layo niya sa pinto ng kanyang kuwarton. Abot-langit ang kaba niya nang mahawakan niya ang doorknob. And when she opened the door, her eyes were widely open while looking at the back of Xaniel, obviously, staring at the portrait on her wall.
"Magpapaliwanag ako!" agad niyang agaw sa atensyon ni Xaniel na humarap sa kanya pagkabukas palang niya ng pinto ng kuwarto. "I will explain." Halos pigil niya ang paghinga habang nakatingin sa mga mata ng binata.
"OKAY."
That's all he can say after Rodlyn said that she would explain. Honestly, Xaniel didn't know what to feel about seeing his own portrait inside that room owned by the woman he is actually trying to court. Hindi niya tuloy alam kung matutuwa ba o maiilang. Sa ilang araw na pagpaparamdam at pagbabakod kay Rodlyn, he didn't expect to find a portrait of him she actually owned.
"Ah... Ano... Kase... Ano... 'Yan kasi ano..." Rodlyn couldn't compose her words.
At naiintindihan niya kung bakit ito nangangarag sa harapan niya. He even acted like nothing happened earlier even he froze the moment their lips met. Mahirap talaga magpigil ng kilig at danas niya iyon.
Muli niyang tiningnan ang portrait. "This was actually the first day of Xaniels Bar and Grill?" He remembered that scene. Katatapos lang ng ribbon cutting para sa opening ng branch niya sa Esplanade.
Nang tingnan niya ulit si Rodlyn, halata ang pagkataranta sa mukha at kilos nito. Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso at nangangatal ang mga labi. At ayaw niyang nakakaramdam ng takot ang dalaga tuwing kaharap siya. What he did is he walked towards her and hugged her.
Kung anuman ang ibig sabihin ng pagkakaroon ni Rodlyn ng portrait niya sa kuwarto nito ay iisa lang ang gusto niyang panghawakan.
"Be my girl."
Naramdaman niya ang gulat sa reaksyon ni Rodlyn. Bigla itong kumalas sa yakap niya. Hinuli naman niya ang mga mata nito.
"A-Anong sinabi mo?" tanong ng dalaga.
He cupped her face and he didn't let her looked away at him. "Isa lang ang gusto ko ngayon. Iyon ay ang maging akin ka."
She didn't reply. Halata ang gulat sa mukha nito.
Hindi na niya hinintay ang sagot nito. He held her waist, guiding her towards the closed door. Pinned her on the wall, cupped her face and claimed her lips. Kanina pa niya talaga gustong angkinin ang labi ng dalaga nang maaksidenteng dumampi ang labi nito sa kanya habang nakaidlip siya sa sofa. And the moment he felt her lips on his, he forcely stopped himself from claiming her again. Pero mukhang hindi na talaga papapipigil ang puso niya sa nararamdaman para sa dalaga. Hindi na niya kayang pigilan ang sinisigaw ng kanyang puso. Tatlong araw rin siyang nagtiis na hindi makita ang babae. Ngunit hindi niya rin nakayanan. Hinayaan niya lang ang sarili na dalhin siya ng mga paa niya sa lugar kung saan niya makikita ang babaeng gumulo ng panaginip niya habang nasa Pilipinas pa siya.
At mas lalong lumago ang pakiramdam na iyon nang tumambad sa kanya ang sariling larawan sa kuwartong iyon. That moment he realized, it's not a one way trip. Everything will be a give and take. And when Rodlyn, finally, kissed him back, everything is worth it all.
BINABASA MO ANG
When My Heart Got Crazy About You [Completed]
Storie d'amore2. When My Heart Got Crazy About You How will she make his heart melt from a frozen winter? Or will he ever be survived from a broken promise that changed his life? Will ever there be a spark that could trigger his life into a burning heart? DS: Dec...