Part 20

747 17 0
                                    

PIGIL ni Rodlyn ang paghinga hanggang sa marating nila ang DBS Building. Pakiramdam niya ay nakipagkarera sila sa mga kabayo sa bilis ng pagpapatakbo ni Xaniel sa sasakyan.   Gulat na napalabas naman siya ng sasakyan nang padabog na sinara nito ang pinto ng driver side.

"Xaniel!" tawag niya rito nang magtuloy-tuloy lang itong naglakad papasok ng lobby ng DBS. Isa-isa namang bumati ang mga empleyado sa head ng Creative Department pero niisa sa mga ito ay hindi binati ng binata.

Hirap naman siyang habulin si Xaniel dahil sa suot na heels.

"Xaniel," tawag naman ni Lyndon na nakasalubong nila sa lobby. Ngunit nilagpasan lamang ito ng kaibigan na kinagulat nito.

Susundan pa sana niya ang kasintahan nang hawakan siya ni Lyndon sa braso na kinatigil niya sa paglalakad. Nasundan na lamang niya ng tingin ang kasintahan hanggang sa makasakay ito ng elevator. Bakas naman sa kanyang mukha ang pag-aalala nang tingnan niya ang CEO ng DBS.

"Anong nangyari?" takang tanong ni Lyndon. "Bakit nakabusangot ang mukha 'nun? Atsaka, bakit late na kayo?"

Sa dami ng tanong ni Lyndon ay hindi niya alam ang dapat unang sagutin. "S-Sir?"

"Saan kayo galing?" Mukhang napansin ni Lyndon ang pagkabalisa niya dahil nagpalipat-lipat ang tingin niya dito at sa elevator na sinakyan ni Xaniel.

"G-Galing kami sa Xaniels Restaurant."

Kumunot ang noo ni Lyndon sa sagot niya. "Tapos?"

"Na-meet ko ang kapatid niyang si Elshiah."

"Then?"

"Pinirmahan niya ang sandamakmak na papeles na binigay ni Elshiah."

"And?"

"Bago kami makaalis, sinabi ni Elshiah na darating ang mama nila sa susunod na linggo."

Nahalata niya ang pagkatulala ni Lyndon habang nakatingin sa kanya. Hindi naman niya maintindihan kung bakit tila nataranta ito nang talikuran siya at nagmamadaling napalapit sa pinto ng elevator at nagmamadaling pinindot ang up button. Napasundo na lamang siya dito nang pumasok na ito sa loob dalhin sila sa pang-apat na palapag ng gusali.

"Puntahan mo agad si Xaniel sa office niya," utos sa kanya ni Lyndon nang bumukas ang pinto ng elevator. "Susunod na lang kami."

Napatango-tango na lamang siya nang lagpasan siya ni Lyndon. Tinahanak naman niya ang pinto ng opisina ni Xaniel nang makapasok siya ng Creative Department.




"XANIEL."

Pakiramdam niya ay nahismasan siya sa boses ng babaeng tumawag sa kanyang pangalan. Ang nakakuyom niyang mga kamao ay unti-unting lumuwag at ang puso niya ay wari'y binalot ng malamyos na awitin na kanina lang ay nanggagalaiti sa galit.

Napalunok siya dahil sa nakikitang pag-aalala sa mga mata ni Rodlyn. Halos isahing hakbang naman niya ang pagitan nilang dalawa at walang pasintabing kinulong ang kasintahan sa kanyang mga bisig. Mas lalo namang napanatag ang kanyang damdamin nang maramdaman niya ang yakap ni Rodlyn sa kanya.

"I'm sorry," bulong niya dito.

"Anong nangyari?" tanong ni Rodlyn. "Bakit parang nakalimutan mo ko matapos nating makaalis ng restaurant?"

Parang kinurot ang puso niya sa tanong na iyon ng sariling kasintahan. Ganoon na katindi ang galit na kumain sa buo niyang pagkatao matapos nilang makausap ang kanyang kapatid?

"I'm sorry." He doesn't want to tell her. Or it is not yet the right time for her to know? Maybe. Hindi pa siya handang sabihin dito ang mga bagay na dapat nitong malaman. They are still starting. Ayaw niyang magsimula ang relasyon nila sa isang problema at matapos ng ganoon-ganoon lang.

"Ni hindi mo pinansin si Sir Lyndon nang tawagin ka niya sa lobby. Parang hindi ikaw si Xaniel na nakilala ko."

Gulat na napabitawa siya sa yakap. Takang napatitig siya sa mukha ng kasintahan. "Ha? Si Lyndon?"

Tumango-tango si Rodlyn. "Nakasalubong natin siya sa lobby pero hindi mo siya pinansin. Nagtuloy-tuloy ka lang sa paglalakad. Ni hindi nga kita nahabol."

Nakosensya siya sa lungkot na nakikita niya sa mga mata ni Rodlyn. And it makes him more disappointed to himself because he knows that sadness is because of him.

He cupped her face and gave her the most sweet smile he had. "I'm sorry. Don't worry too much. I'm okay. I'll talk to Lyndon later."

"Okay," tango ng kasintahan.

"Sabay tayong mag-lunch mamaya."

"Sige. Labas na rin ako. Late na nga tayo baka hindi pa ako makatapos sa gawain ngayon."

"Okay," aniya. And before Rodlyn went out of his office, he kissed her on her forehead and hugged her so tight.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon