Part 26 - Last Part

812 18 0
                                    

AGAD na niyakap ni Elshiah si Rodlyn nang pagbuksan sila nito ng pinto. Isang pigil na ngiti muna ang binigay sa kanya ng kanyang kapatid bago siya nito niyakap ng mahigpit.

"Thank you, Kuya."

Upon hearing Els calling him 'kuya' feels like he indeed the best brother in the world. Minsan lang siya nito tawagin sa ganoong paraan, at iyon ay tuwing masaya ito na makasama siya.

"I'm sorry, Els," sambit niya sa pagitan ng yakap. "Hindi ko ginusto na magtagal ito ng ganito."

Bumitaw ang kanyang kapatid sa yakap at hinawakan silang dalawa ni Rodlyn sa kamay. "It's okay. Basta mahalaga nandito ka, kayo. Mom is actually waiting in the dining area. She's too excited!"

Kinabahan naman siya sa balitang iyon g kanyang kapatid. Pakiramdam niya ay bigla siyang binihusan ngalamig na tubig. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nabalutan siya ng takot sa katotohanang haharapin niyang muli ang kanyang ina. Kung dati ay galit ang nararamdaman niya tuwing maaalala ang ina, ngayon naman ay pinaghalong kaba, takot at excitement ang bumubuo sa nararamdaman niya.

Bumaba naman ang kaba niya nang maramdaman niya ang kamay ni Rodlyn sa kanyang braso. Nakangiti ito sa kanya nang lingunin niya ito.

"You can do it."

Tumango-tango siya sa sinabi nito.

"Halina kayo!" yaya ni Elshiah.

Magkahawak-kamay nilang sinundan ni Rodlyn ang kanyang kapatid. Habang palapait nang palapit sila sa dining area ay ganoon naman kabilis ang kabog niya sa dibdib. Hindi niya alam kung anong unang sasabihin sa muling pagkikita nila ng kanyang ina.

"Mama! Kuya is here!"

And upon Els' yell, he looked at Rodlyn with nervousness on his eyes. Ngumiti sa kanya ang kasintahan at naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang kamay.

"Smile," ani Rodlyn. "Always smile, Xaniel."

Tumango-tangos siya sa paalala nito sa kanya. Mahigpit na niyakap niya ito upang humugot dito ng lakas. He even kissed her on her forehead. At pagbitaw nila sa isa't isa, isang tinig ang nagpagising sa kanya nang sambitin nito ang pangalan niya.

"Xaniel."

Halos tumigil ang ikot ng mundo niya nang masilayan niyang muli ang maamong mukha ng kanyang ina. Sa loob ng halos dalawapung taon, ngayon niya lang ulit tinitigan ang babaeng nagsilang sa kanya sa mundong ibabaw. Unti-unti namang nangilid ang mga luha at pigil niya ang sarili na umiyak sa harapan nito. He is a not kid anymore, his reason.

"I-Ikaw na ba iyan, anak?" basag ang boses ng kanyang ina dahil sa hikbing umalpas mula sa bibig nito. "Ang binata ko. Xaniel?"

Napalunok siya at pilit pinipigilan ang isang hikbi. Ngunit mukhang makulit ang kanyang mga luha nang nag-isahang bumagsak ang mga ito mula sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na magiging ganito siya ka-emsoyonal sa muling paghaharap nila ng kanyang ina.

"Xaniel? Anak?" Her mom immediately hugged him. "I'm sorry."

"M-Ma," basag ang boses niya. Binalik niya ang mahigpit na yakap sa kanyang ina. Isang yakap ng nangungulilang anak sa aruga ng isnag ina. Hindi niya lubos maisip na ganito kasarap mayakap ng isang ina. Hindi man niya maibalik ang ilang taon na nawala sa kanila pero agad niyang pinangako sa kanyang sarili na babawiin niya ang mga pagkakataon na dapat silang magkasama.

"I'm sorry," hinging-paumanhin niya dito. "Hindi ko alam kung paano babawi sa'yo. Hindi ko alam paano ka haharapin sa kabila ng mga nagawa ko."

Bumitaw ang kanyang ina at sinalubong ang kanyang mga mata. "Hindi na importante iyon. Ang mahalaga ay nandito ka na ulit. May mali rin ako. Hindi kita inintindi. Hindi ko hinanap ang pinanghuhugutan mo ng galit sa akin. Akala ko kapag pumayag akong sumama ka sa Tita Karen mo, mababalik ang dating relasyon natin. Nagkamali ako. Hinayaan kong lumayo ang loob mo sa akin."

"Gusto ko lang namang malaman kung paano na si Papa ngayong nagpakasal kang muli. Akala ko nakalimutan mo na si Papa. Akala ko pinaltan mo na siya. Akala ko wala na lang sa'yo si Papa sa biglaan mong pagpapakasal ulit," aniya habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi. "Nagalit ako kasi pakiramdam ko ang bilis mong makalimutan si Papa."

Mariing pinunasan ng kanyang ina ang mga luha niya. "Hinding-hindi mawawala ang ama mo sa puso ko. Mahal ko siya. Mahal ko kayo. Mananatiling pamilya ko kayo." Dama niya ang pagmamahal sa bawat salita ng kanyang ina. "Pero kailangan din nating mag-move-on. Hindi kailangang makulong tayo sa pagluluksa. Hindi man katulad nangyari na halos buwan lang, pero kailangan pa rin nating magpatuloy sa buhay. Nagkataon na maagang dumating sa buhay natin si Eli pero hindi ko nakalimutan ang ama mo. Maniwala ka."

Isa siyang anak na nagsusumbong sa ina dahil sa sakit na nararamdaman niya. Natanggal na ang tinik sa kanyang dibdib ngayong nakapag-usap na sila ng kanyang ina at nagkapatawaran na sila.

"Xaniel..."

Agad namang naagaw ang pansin niya ng isang matandang lalaki habang katabi nito ang kapatid niyang si Elshiah. His sister is looking at her with a wide smile.

Tinuyo niya ang luhang bumasa sa kanyang pisngi. Lumapit sa kanya ang ama ni Els at niyakap siya. Mariin niyang naipagdikit ang mga labi at binalik ang yakap sa ginoong naglakas-loob na makapasok sa buhay niya noon.

"I'm sorry for what happened before," anito nang bumitaw sa yakap. "Sana sa pagkakataong ito, magkalapit na tayong dalawa tulad ng pagiging close niyo ni Elshiah."

"Sorry din po..." Hindi niya alam kung anong itatawag sa ginoong nasa haraoan niya ngayon.

"Masaya ako na bumalik ka," ang ina naman niya na hindi mabitaw-bitawan ang kamay niya. "Miss na miss kita, anak."

"Ako rin po. Hindi ko alam na ganito na pala katindi ang pangungulila ko sa inyo," pag-amin. "I never imagined myself would cry infront of you."

"Kuya!" bigla siyang niyakap ni Elshiah. "Na-miss kitang tawaging kuya! Inalila mo kasi ako sa restaurant, e!"

Ginulo niya ang buhok nito. "Sorry. Dadalasan ko na ang pagpunta doon."

"And who's this beautiful woman beside you, by the way?" biglang tanong ng ama ni Els.

Nakita naman niya kung paanong manghang tinitigan ng kanyang ina si Rodlyn. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila palapit sa kanya. Dahil sa sobrang emosyon, saglit niyang nakalimutan na kasama niya ang kasintahan na ngayon ay kanya ng fiancè.

"Ma, Els..." Hindi niya alam ang itatawag sa ama ni Els at mukhang nakahalata naman ang ginoo.

"You can call me 'Tito' pero mas better kung 'Papa'." Inakbayan nito ang kanyang ina na kinangiti naman nito. "I know I can't replace your father but let me be your second one?"

"Pa," tawag niya dito. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ng mga kasama niya sa pagtawag niya sa ama ni Els ng 'Pa'. He looked at Rodlyn. Nakangiti rin ito sa kanya at dama niya na masaya ito para sa kanya. Binalik niya ang tingin sa kanyang pamilya na halatang naghihintay sa kanyang sasabihin.

"I want you to meet my fiancè, Rodlyn Galorio. The woman I want to be with forever."

At ganoon na lamang ang gulat nilang dalawa nang humiyaw ng malakas si Elshiah na kinagulat naman ng kanyang ina at bagong ama.

"Welcome to the family!" sigaw ni Elshiah sabay yakap kay Rodlyn.

Nagagalak naman ang kanyang puso nang yakapin ng kanyang ina si Rodlyn at i-welcome sa kanilang pamilya ang kanyang mapapangasawa.

"You are the best son, brother and a partner," ani Mr. Morales sa kanya, his second father, when his mother and Els pulled Rodlyn towards the dining area.

"Thank you."

Isang mahigpit na yakap ang pinagsaluhan nilang bagong mag-ama. At isang ngiti ang binigay niya kay Rodlyn nang magtama ang mga mata nila.

He even mouthed her 'thank you.'

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon