Part 21

732 17 1
                                    

ISANG malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Xaniel pagkabukas niya ng pinto ng kanyang opisina. Isang nagmamadlaing katok ang narinig niya at hindi niya inaasahan ang aksyon na iyon ni Mhike. Agad siyang bumagsak sa sahig at hindi na niya nakita ang pagsara ng pinto ni Lyndon.

He even cursed upon looking back to Mhike with furious eyes. "Para saan iyon!" bulyaw niya sa kaibigang parang walang ginawang masama sa kanya na tumuloy sa loob ng opisina niya at naupo sa kanyang sofa. Kasunod nito si Lyndon na parang hindi nakasaksi ng isang bakbakan.

"Nakapag-usap na kayo ni Rodlyn?" maya-maya'y tanong ni Lyndon.

Bumalik siya sa kanyang swivel chair at naghanap ng maipangpupunas sa labi niyang duguan. Ginalaw-galaw niya ang pangang nagmanhid dahil sa lakas ng suntok na natanggap niya mula sa matalik na kaibigan.

"Yes," sagot niya sa tanong ni Lyndon. "And don't tell me that you came here just to remind me about it?"

Nagkibit-balikat lamang si Mhike. Sinundan naman niya ito ng tingin nang tumayo ito hanggang sa makalapit sa personal fridge niya. "May balita kasi kanina si Lyndon, e, akala ko naman emergency." Tiningnan siya ni Mhike habang pinaglalaruan sa kamay ang isang mansanas na kinuha mula sa kanyang fridge. "Akala ko kasi may bugbugan."

Tiningnan niya ng masama si Mhike at kung nakakamatay lang ang tingin ay pinaglalamayan na nila ito sa mga oras na iyon.

"Hindi ko sinabing masama ang awra mo kanina pero sinabi kong masama ang timpla ng mukha mo so parang ganoon na rin," paikot-ikot na dahilan ni Lyndon.

"Lumayas na kayong dalawa," pagtataboy niya sa mga kaibigan.

"Huwag mo kong pinapalayas sa sarili kong kumpanya," ani Lyndon.

"Magkaibigan kami so it means huwag mo kong mapalayas-layas sa sariling kumpanya ng kaibigan ko," sapaw ni Mhike nang maupo ulit sa tabi ni Lyndon.

Napailing-iling na lamang siya. Minsan, hindi niya kinakaya ang saltik sa utak ng mga kaibigan niya. Napasalamat na lamang siya at ang dalawa ay sa Pilipinas nakabase kundi sasabog na ang utak niya kung sakaling araw-araw niya ring makakasama sina Gerrard at Francis.

Pinagtuunan na lamang niya ang ginagawang layout sa laptop nang isnag sampal ang dumapo sa pisngi niya na mas lalong kinainit ng ulo niya. Nang tingnan niya kung sinong walanghiyang sumampal sa kanya ay pigil niya ang sariling bugbugin si Lyndon na nakabungisngis pa nang magtama ang mga mata nila.

"Can you just get out of my office?!" bulyaw niya sa dalawang istorbo sa trabaho niya.

"Malungkot ang mga mata ng kasintahan mo nang iwan mo siya sa lobby. Tinatawag ka niya pero hindi mo siya pinapansin."

Bigla naman siyang napatigagal sa sinabing iyon ni Lyndon. Muntik na niyang makalimutan ang sinabi sa kanya ni Rodlyn kanina. Pilit niyang tinutuon ang isip sa screen ng laptop ngunit hindi mawala sa kanyang balintataw ang malungkot na mga mata ng kasintahan nang makita niya ito kanina.

Pabalang na binaba niya ang screen ng laptop at napasabunot sa sariling buhok. Bakig ba hindi niya makontrol ang sarili kapag iyon na ang pinag-uusapan? This is all his sister's fault! Damn!

"Sabi na kase sayo," agaw ni Mhike. "Sabihin mo na hanggat maaga pa kesa malaman pa niya sa iba iyan. Lalong-lalo na sa asawa ni Lyndon na super daldal plus isa pang Crystal. Naku, baka maunahan ka."

Parang talunang napahilamos na lamang siya ng palad sa mukha at nang tingnan niya si Lyndon ay nagkibit-balikat lamang ito.

"Kung wa-warning-an ko si Katrina, magtataka iyon." Mukhang nabasa ni Lyndon ang tumatakbo sa isip niya.

"Delikado pa 'yang kapatid mo," putol ni Mhike. "Isa pa iyang madaldal at hulaan ko, sinubukan ka niyang papuntahin sa inyo, no? Timing pa talaga na kasama mo si Rodlyn."

"We can be blind and deaf about your issue with me," ani Lyndon. "Puwede naming palagpasin ni Mhike iyon pero paano kung magtanong siya sa iba. Worst kay Katrina? Well, konti lang naman ang alam ni Crystal. Hindi makakapagkuwento iyon ng buo sa pinsan niya."

Nabalot ng takot ang puso niya sa mga paalala sa kanya ng mga kaibigan niya. Bigla siyang napaisip kung paano tatanggapin o matatanggap ba ni Rodlyn kung sakaling magsabi siya dito?

How things would work out if he already tell her everything? Matatanggap kaya siya ng sarili niyang kasintahan?

Well, hindi niya malalaman kung hindi siya aamin.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon