GAH - 3

3.6K 187 28
                                    

GAH - 3

" Dane "

-----

"Honestly, I don't hate gays. But because of Dane, the gay I fell inlove with, parang nabago ang paningin ko. Noong una, hindi ko matanggap pero siya ang nagturo sa aking walang mali na maramdaman ko na 'yon. Iyong pakiramdam ba na you're only gay to that special person. I confess to him, sabi niya gusto niya rin ako. I believed him and trusted him. Pero ginamit niya lang ako." kwento ni Eros.

Nakaupo kami sa sofa ng dining table nila. Kumakain ako at siya naman ay may iniinom na tanduay ice. Katabi ko lang siya pero ang side view niya kita ko. Hindi na namin binuksan ang ilaw dahil may lampshade naman dito. Yes. Marami silang lampshade. Sapat na 'yon para makapagkwentuhan kami.

"Ginamit? Paanong ginamit?" tanong ko.

Lumagok siya ng kanyang iniinom bago sumagot.

"Ginamit niya 'ko para makalapit kay Kuya Enzo."

Napahalukipkip ako sa kanyang sinabi. Really?

"Totoo? Pero anong naging reaction ng kuya mo?" agad kong tanong at dahil sa excitement ko, parang naging chismosa ang datingan ko.

"Hindi naman siya umamin. Tinulungan ko pa siya para makalapit kay kuya. But when I asked kuya what if mahulog sa kanya ay isang bakla, he just shrugged and said 'Wala akong intensyon at di ko rin susubukan.' That's the time Dane stop chasing a chance para kay Kuya. Kasabay rin no'n ang paglayo niya sa akin."

Nakatitig lamang ako sa kanya habang siya ay seryosong nagkukwento. Ang swerte ni Dane kung si Eros talaga ang nagustuhan niya at pinili niya. Bukod sa maipagmamalaki niya ito, nakikita ko na kaya siyang mahalin ni Eros katulad ng hinahangad ng maraming bakla. Sayang at pinakawalan pa niya ang tulad ng lalaking nasa harapan ko.

Uminom ulit ito at naging kalahati na ng bote ang laman ng kanyang iniinom.

"Lumayo siya. Pinilit ko pa rin ang sarili ko pero wala pa rin ako napala. Hanggang sa narealize kong wala naman din naman akong makukuha, kaya tinigil ko na lang. Naiinis ako hindi lamang sa kanya, pati na rin sa sarili ko. Wala na akong choice eh. Kaya isinuko ko na lang. Sa pagdaan ng araw kapag nakakakita ako ng bakla, naiirita na ako. Hindi ko rin malaman sa sarili ko kaya, I'm sorry dahil sa nangyari kanina. 'Di ko intensyong takutin ka o pagbuntungan ka. Parang tanga nga eh. Kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig ko. Pasensya ka na." mahabang pahayag niya kasabay ng pagtapos niya ay ang pag-ubos niya ng kanyang alak isang lagukan.

Gusto ko siyang bigyan ng payo pero hindi ko kilala si Dane minahal niya. Kung papanigan ko siya ay hindi magiging patas at kung bigyan ko ng suporta ang taong mahal niya ay baka makita ko na naman ang kanyang galit. Panigurado akong may dahilan naman si Dane. Mukhang hindi ito nalinaw o nasabi ang punto para maipaliwanag at maintindihan ni Eros.

Makikita sa kanyang mukha ang lungkot at pagsisisi. Lungkot dahil hindi siya minahal ni Dane pabalik at pagsisisi siguro dahil sa napili niyang ibigin.

"Gusto ko sanang bigyan ka ng payo. Para gumaan ang loob mo pero hindi ko kasi alam kung saan ko sisimulan. Bukod doon, hindi ko kilala si Dane." panimula ko at napatingin siya. Nag-iwas ako ng tingin. Nako-concious kasi ako kapag may tumiyingin sa akin. Lalo na at ganito pa. Itinuon ko na lamang ang mata ko sa pagkaing kinakain ko.

"Kasi, alam mo kaming mga bakla... hindi naman kami mapili. What I mean is, kapag gusto namin ang isang lalaki gusto talaga namin. Puso rin naman ang gumagana sa amin. Minsan hindi naman din kami tumitingin sa pisikal na katangian. When we feel na mahal talaga kami, we are starting to fall in love. Eto lang ang konklusyon ko base sa kwento mo. Maybe, Dane has a great crush to your brother Enzo even before he told you that he liked you. Ang mali niya doon ay 'yong sabihin niyang gusto ka niya kahit hindi naman just to make a move para kay Enzo. Hindi niya naisip na masasaktan ka, na talagang gusto mo siya at seryoso ang intensyon mo sa kanya. I understand your side. Nasaktan ka at umasa ka. At sa kagustuhan mong mapasaya siya nagawa mo pang ilapit siya kay Enzo na kuya mo. May dahilan siguro rin s'ya kaya lumayo at pinili munang hindi makita ka o lalong lumapit sa inyong dalawa. Nasasaktan din naman kaming mga bakla. At 'yon minsan ang hindi nakikita ng iba."

Gay At HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon