GAH - 15
" Polaroids "
-----
Nasa sala kami ni Enzo at nakaupo sa sofa. Natapos na namin lahat ng gawain at gano'n din sila Eros at Dane. Kami ya kumakain ngayong dalawa ng inihanda ni Dane na merienda para sa amin. Sila kasi ay may date ngayon ni Eros kaya naman para kami lamang ang kumakain.
"Napagod ka ba?" tanong ni Enzo.
"Hindi naman masyado pero nabigla ata katawan ko e. Hindi na rin kasi ako nakapaglaba ng mga ilang linggo pero okay lang." nakangiti kong sabi.
"You can have siesta after."
"Siguro pero mamaya na." inilapag ko plato dahil naubos na ang carbonara, garlic bread at uminom ng juice.
"Hay! Ang sarap pala magluto ni Dane! Nabusog ako!"
Tumawa ng tipid si Enzo. Napasandal ako sa sofa at hinimas-himas ang tiyan kong medyo lumobo dahil sa kinain ko. Naparami rin kasi. Napatingin ako kay Enzo na ngayon ay kumakain sa tabi ko. Napangiti ako sa aking isipan. Ewan ko ba at masaya ang nararamdaman ko. Lalo na ngayong malapit siya sa akin.
Sa totoo lang inaantok ako. Sa pagod siguro. Tahimik naman si Enzo na kumakain. Gusto ko siyang kausapin pero nakaramdam ako ng antok. Gusto ko pa sana na magsalita pero nawalan ako ng gana. Pero ang huli ko na lamang natandaan ay tinititigan ko siya hanggang makatulog ako.
-----
[ ENZO's POV ]
Second year ako. I was on the rooftop and it was Valentines day. I am using my new DSLR and testing it to capture photos para maging okay mamaya. Naatasan ako ng isang organizer na kaklase ko rin at journalist na kumuha ng mga photos para sa munting event na ginawa ng school mamayang hapon.
I was busy setting up the focus ng mayroon akong napansin kung saan nakatutok ang aking camera. It was him. Binaba ko saglit ang aking camera para tignan siya at akin ulit itong binalik at nagfocus sa kanya. Moreno siya. Naka dark gray na shirt at nakablue jeans at white shoes. He's kinda cute I guess. Hindi naman ako kalayuan sa kanya.
Maya maya ay may nilapitan siya. Nakatutok pa rin ang focus ng camera ko sa kanya. Nang makita ko ang nilapitan niya ay isang lalaki. May hitsura nag lalaking iyon at masasabi kong matitipuan din ng babae. May inabot siyang regalo sa lalaki. Nagfocus ulit ako sa kanya at nagsasalita siya. Hindi ko masyadong magets dahil na rin sa maingay ang tao rito.
Nakikita ko sa kanyang mukha lungkot, pagkatulala at disappointment pero pilit siyang nagsasalita. Pero dumating pa ang isang tao na opposite ng kanyang kulay. Makinis, maputi at head turner. At nang humawak ito sa braso ng lalaki ay nakita ko sa kanyang mukha ang inggit. Nakipagkamay ito at kinausap pa siya ng lalaki. Pero imbis na ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa lalaki ay mukhang nagpaalam ito at umalis bigla.
Naibaba ko ang aking camera at kusang gumalaw ang aking paa at sinundan siya. Hindi ko rin alam kung bakit pero pakiramdam ko ay kailangan kong gawin iyon.
Sinundan ko siya hanggang sa likod ng eskwelahan kung saan wala katao-tao ngayon, pero hindi ako nagpakita sa kanya. May ilang distansya rin ang layo ko sa kanya at tahimik na sinundan siya. At maya maya ng makalapit siya sa unang puno ay isinubsob niya ang kanyang ulo na kadantay sa kanyang braso. Lumapit ako sa kanya ng maingat at pumunta sa likod ng puno kung nasan siya, kumbaga at magkatalikuran kami. Narinig ko ang mga hikbi niya.
I don't know why I am doing this. It's just my heart wants to do it.
"Sabi ko na sa 'yo Aljan e. Dapat di ka na nagbalak! Kulit mo naman eh." pagkausap niya ata sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Gay At Home
Teen FictionDahil sa renovation na ginagawa sa apartment na tinutuluyan nila Alison, nakiusap ang kanyang Mama sa kaibigang matalik na si Jenny na kung pupwede ay doon muna tumira ang kanyang anak upang makatipid sa gastusin hanggang sa matapos ang apartment. P...