GAH - 13

1.6K 88 10
                                    

GAH - 13

" Pictures "

-----

Kasalukuyan akong nagmemerienda sa may terrace. Kakauwi ko lamang galing sa school at may inaayos akong powerpoint presentation sa laptop para sa isang subject. Kahit naman weekend na kinabukasan ay gusto kong matapos agad ang dapat gawin. Balak ko maglinis ng kwarto at maglaba sa susunod na araw at may balak din ako na itreat si Eros at Dane para na rin magpasalamat.

Aa aking pagpupusige na matapos agad ay di ko namalayan ang oras at mag aalas singko na pala. Tama lamang na tantya ko na natapos ang ginagawa ko. Palowbat na rin ang laptop kaya nagpasya na akong i-save at isara ang laptop.

"Hay... natapos din!" sabay unat ko.

"Mukhang dami mong ginawa, ah?" sabi ng boses sa may kaliwa ko. Medyo nagulat ako at akin siyang nilingon. Sa isip ko ay matagal na nung huli ko siyang makausap.

"Eros. Ikaw pala! Oo e. Kailangan matapos na agad."

"Weekends naman bukas ah." naglakad siya palapit at umupo sa aking harapan.

"May mga balak kasi akong gawin kaya naman tinapos ko na."

"I see."

"Teka, nasa'n si Dane?"

"He's taking a quick shower. Good thing maaga siyang nakaalis sa trabaho. Ako kasi inutusan ni Mommy na maggrocery. You want to join us?"

"Ay nako. Tutulungan ko mag prepare ng hapunan si Manang Lira kaya naman kahit gusto ko ay nakapanako na ko kanina sa kanya."

"No problem. And by the way, Aljan... maybe this is my opportunity now to say thank you."

"Para saan naman?"

"You know, for helping me and Dane. Especially the time na hindi ko maintindihan ang sarili ko at confuse sa nararamdaman ko kay Dane ng bumalik s'ya dito." sinsero niyang sabi. Nararamdaman ko iyon sa kanyang boses.

"Naku, ano ba kayo. Dane already thanked me tapos ikaw din. Wala 'yon. Ang mahalaga okay na kayo at masaya. And I'm wishing you a good relationship."

"You help us a lot. Kasi lately, hindi ko matiyempuhan na kausapin ka. Baka kasi may magalit. Seloso pa naman 'yon.."

"Huh? Si Dane?"

Napatawa s'ya.

"Nope. You'll get to know soon. So, thank you. Kahit konti pa lang alam ko sa 'yo, may nakukwento naman sa akin si Dane kapag nagkakausap kayo. Well, we are willing to help you in case you need something. Feel free to call us. You're such a good friend."

"I will. Thank you rin making me your friend. Also Dane  who insisted ro be my bestfriend. Thank you for the both of you."

Nakaramdam ako ng saya. Atleast I know na pwede at mayroon na akong taong pwedeng makausap. From being introvert and isolating myself, medyo nagiging okay na iyong social life ko. Hindi naman sa wala talagang kumakausap sa akin or mga kaibigan. I mean, kinulong ko ang sarili ko dati sa pagiging introvert and refuse to deal with some people because I down myself by being not so good looking and having no self-confident that some people might not like me. I am not saying that I am now an extrovert, maybe I've just learned that there are people na pwede pa lang maging lalit sa 'yo ng hindi mo inaasahan.

"Well, now I understand why he adores you." mahina niyang sabi at nakangiti. Pero hindi sapat para marinig ko ang sinabi niya.

"Huh?" tanong ko.

Gay At HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon