GAH - 7
" Panyo "
Hapon na ng makauwi ako. First day ko sa aking work. May bitbit akong ilang pagkain para sa akin like snacks, chocolates at iba pa para rin kung minsan magutom ako ay may sarili akong pagkain.
Pagpasok ko sa gate ay nakasalubong ko si Eros. Nangamusta siya saglit at gano'n din ako. Mukhang nagmamadali siyang lumabas o may lakad siya. Hindi ko na rin naman tinanong. Dumiretso ako sa aking kwarto, nagpalit at bumaba upang tulungan si Manang Lira sa pagluluto ng hapunan.
Habang abala kami sa pagluluto ay agad namang sumulpot si Enzo.
"Aljan!" pagtawag niya sa akin.
Palingon naman ako at nagtanong kung bakit.
"May nasira kasi ako sa motor ko, pwede mo ba akong tulungan? Saglit lang ito, di ko kasi ito nagagawa ng mag-isa."
Sumunod naman ako.
"Ayan. Taas mo ng konti pa. Ilalagay ko lang 'tong turnilyo at tapos na."
Halos bente minutos kong tinulungan si Enzo.
"Ayan. Salamat! At sa wakas natapos rin!"
"Okay na ba yan?" tanong ko.
"Oo. Tapos na. Salamat ha. Naabala tuloy kita."
"Hindi naman. Okay lang 'yon. Sige tulungan ko na sa pagluluto si Manang Lira."
"Okay. Salamat ulit. Alis muna ko at kung hanapin ako ni Mommy, pakisabi saglit lang ako. Pauwi na rin kasi 'yon."
"Walang problema. Ingat ka."
Bumalik ako sa kusina at tinulungan na si Mamng Lira. Hindi naman nagtagal ay natapos rin kami. Inihanda na rin namin ang mesa ng hapagkainan upang pagdating ni Tita Jenny at Tito ay okay na ito. Habang naghahanda ay sumulpot si Dane at Eros.
"Oh nandyan na pala kayo. Magbihis na kayo at bumaba. Parating na rin ang Mommy mo Eros para tayo ay sabay sabay ng makakakain."
"Sige po." sagot naman ni Eros.
"Oo nga pala. Para sa'yo to Aljan." at inabot sa akin ang isang paper bag na may brand na Penshoppe. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at nagtatakang harapin siya.
"Para sa akin? Bakit naman? Nakakahiya... Di mo ko kailangan bigyan nan."
"No. This is really for you. For helping us. I mean, ako at si Eros. Nakwento sa akin ni Eros ang pagsasabi niya sa'yo at mga advice mo. Malaki ang naging impact no'n. Kaya bilang pasasalamat at nagkaayos na kami, naisip kong bilihan ka ng regalo. Pero pasensya ka na d'yan. Di ko alam yung type na damit na gusto mo at kulay pero for sure you'll like it naman." paliwanag niya.
Napangiti ako ng bahagya at kinuha ang paper bag.
"Nag-abala ka pa. Hindi mo naman kailangan gawin ito e. Okay na ko sa pasasalamat lang. At saka maliit na bagay lang 'yon. Pero salamat dito." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Salamat, Aljan. Basta salamat sa pakikinig mo sa akin. At kung may problema ka, huwag kang mahiyang magsabi. Handa kami tumulong sa'yo ni Dane." si Eros ang nagsalita.
Tumungo naman ako at nagpasalamat.
"Oh siya, magpapalit lang kami para makakain na rin."
At umakya na nga sila sa kwarto.
Sabay naman pagdating ni Tita Jenny at asawa nito. Nagtanong sila kung nandyan na ang mga anak nila at ang sinabi ko ang bilin ni Enzo.
"Okay. Sana makauwi na agad siya para sabay-sabay na tayo."
BINABASA MO ANG
Gay At Home
Teen FictionDahil sa renovation na ginagawa sa apartment na tinutuluyan nila Alison, nakiusap ang kanyang Mama sa kaibigang matalik na si Jenny na kung pupwede ay doon muna tumira ang kanyang anak upang makatipid sa gastusin hanggang sa matapos ang apartment. P...