GAH - 20

1.3K 88 12
                                    

GAH - 20 [ Final Chapter ]

Afterglow

-----

Lumipas ang araw at ngayon ay Friday na. Wala akong ibang inisip nitong mga nakaraan kung hindi si Enzo. Miss ko na siya. Gustong-gusto ko na ulit siya makita. Gusto ko na siyang makausap sa lahat ng bagay. Maraming katanungan sa aking isipan pero kailangan kong maghintay. Bukas makikita ko na siya. Bukas ko malalaman ang mga balak niya. Bukas ko rin aaminjn sa kanya ang nararamdaman ko.

Nasa kwarto ko ngayon at pinagmamasdan ang dalawang litratong nakuha ko isang linggo na ang nakalipas. If I'm not mistaken, I was a third year college here. Nakaupo ako sa isang bench at kakatapos lamang ng activity namin sa subject na Humanity. Nakatingin ako sa kung saan at masasabi kong maganda ang kuha niya dito. At ang isa naman ay nasa Music room ako. Fourth year na ako nito. After lunchh break kasi, I choose to sleep dahil mahaba ang bakante ko nung first semester. Napili ko ang Music room dahil tahimik dito at minsan lang may pumasok na mga estudyante.

Alam kong si Enzo ang may kuha nito. Nagtanong ako kay Eros kung dati bang naging kwarto ito ni Enzo. Tama ako. Kakalipat lang pala ng kwarto ni Enzo the day before na lumipat ako dito.

Pinakita ko kay Eros ang picture na nakumpirma ko na ganon din ang papel sa instax ni Enzo. Nagulat siya ng makita niya ako ang nasa litrato. Ikinuwento ko sa kanilang dalawa ni Dane ang sinabi sa akin ni Leo.

Masaya sila para sa akin hindi na rin sila makapaghintay para sa pagkikita namin ni Enzo bukas. Miski naman ako ay hindi na rin mapakali at gusto ko na ring makita at makausap si Enzo. Gusto ko na ring masabi ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Oh, baka mamaya hindi ka makatulog na'n madaling araw ka na makatulog. 11pm na oh." biglang sabi ni Dane pagkalabas ng banyo.

"Naeexcite kasi ako. Hindi ko alam kung tama ang kutob kong magkoconfess din siya. Alam mo 'yon. Mixed emotions. May pangamba pa rin ako." sambit ko naman sa kanya. Umupo siya sa tabi ko.

"Alam mo, magconfess man siya o hindi, sabihin mo pa rin nag nararamdaman mo. Eh di ba nga sabi ni Leo, second year pa lang matagal ka na niyang ini-stalk. At isa pa nakikitang kong loyal sa 'yo si Enzo. Biruin mo, 2 years ka na niyang palihim na ginugusto." pagpapakalma niya sa akin.

"At alam ko na kinakabahan ka kasi si Enzo pa lamang ang taong makakagawa sa 'yo nan at kung nagkataon ay ang unang taong magiging boyfriend mo." dagdag niya habng kinikilig sa kanyang sambit sa dulo.

"Dane naman e. Lalo mo lang akong pinakakaba." lumapit siya lalo at hinawakan ang dalawa kong balikat.

"Don't worry so much okay? Tomorrow is gonna be the best day of your life. There's nothing to overthink that much. Love will always win. Kay kung ako sa 'yo matutulog na ako dahil kailangan fresh ka bukas. Haharap ka ba mg malaki ang eyebag kay Enzo tomorrow?" pangongonsensya n'ya sa akin.

"Sige na nga. Oo na. Bahala na bukas." sinara ko ang box at inalagay ito sa mesa.

"Good. So let sleep na." sabi niya habang papunta ng kanyang kama.

"Goodnight." sabi pa niya ng makahiga siya.

Nag-ayos na rin ako at humiga.

"Thank you. Goodnight."

-----

Alas nuebe na ng umaga ako nagising. Wala na rin sa kama si Dane. Nagpasya akong maghilamos at magtoothbrush bago bumaba.

Nang makababa ako ay dumiretso ako sa kusina. Nakita ko namang naghahanda si Eros at Dane ng makakain.

"Good morning!" bati ko sa kanila.

Gay At HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon