GAH 2 - Part 1

1K 73 61
                                    

GAH 2 - Part 1

A Shattered Beginning

-----

4 years.

Yes. Enzo and I are in a relationship for 4 years exactly today. January 23. Masaya kami. May ilang tampuhan at mga di pagkakaunawaan na naayos naman agad naming dalawa. We promised to each other that any miscommunication or problems that we encounter, we will not let a day passed without fixing the issue.

Nakatira na kami ngayon sa isang condo na binigay ni Tito Ismael sa kanya. Exactly after 1 year ng aming graduation no'n, iyon ang naging regalo niya bilang sa pagtatapos ni Enzo. So now, we were almost 4 years living under the same roof.

Magkahiwalay kami ng trabaho ni Enzo. He pursue being a photographer at maging editor sa isang model industry. At ngayon ay malapit na ring mabuo nag kanyang ipinatatayong sariling business para sa pinapangarap niyang Click and Post Photography. Dahil iyon naman talaga ang forte niya ay naging supportado rin ako sa kanya. Ako naman ay tumaas position sa isang company. Isa na akong Editor in Chief sa isang broadcasting company. Hindi ko rin akalain na makukuha ko iyon kahit napakabata ko pa. Kaya naman naging madali sa akin matulungan si Mama at pinangako ko rin na matulungan si Enzo sa mga balak niya at plano naming dalawa.

Hindi naman pumalag si Mama na sumama ako kay Enzo. 3 years ko na rin namang tinulungan si Mama para sa bahay makabili ng lupa at makapagpatayo ng bahay. Medyo malaki ang ipapatayo niya pero nagbago at naging mura dahil sa pagdedesisyon kong sumama kay Enzo. Pero tama lamang iyon kung sakaling bumalik ako sa kanya. Nag-invest din ako para sa aking sarili. Mga gamit at sariling mga latest gadgets at kotse. Kahapon nga ay tapos na ako sa car driving lessons ko at nakuha ko na rin ang lisensya ko. I can drive on my own. He's still driving a motorcycle pero naisip ko na dapat may four wheels din kami.

Masasabi kong okay ang lahat sa amin. Sa mga buwan at taon na lumilipas ay lalo kong nakikilala si Enzo. Walamg secrets sa aming dalawa na hindi namin alam. 'Yung pakiramdam ba na parang kilala niyo na ang isa't-isa at handa na talaga kayo para magsama.

Noong unang lipat namin ni Enzo sa kanyang condo ay malaking adjustment ang aking ginawa. Kahit nagagawa ko ang mga gawaing bahay ay natataranta pa rin ako dahil hindi na si Mama ang kasama ko kung hindi si Enzo na. Parang buhay mag-asawa na rin ang nararanasan naming dalawa.

Mula sa pagluluto, hanggang paglalaba, pag-aadjust ng oras sa trabaho at gawing bahay, weekend schedule for date or kaya naman mamili ng groceries sa bahay... pakiramdam ko para na kaming mag-asawa na. Kung sabagay, nakatira na rin naman kami sa isang bahay. Parang gano'n na rin iyon 'di ba? Nakakilig isipin at lalong naging sweet sa kain si Enzo. Walang palya ang pagpaparamdam niya sa akin ng pagmamahal niya at palaging nagpapaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal. At bilang ganti, sinuklian ko lahat ng iyon. Sobra-sobra ang pagmamahal ko sa kanya at kahit apat na taon na kami parang kahapon lamang ng tanggapin ko sa sarili kong mahal ko siya.

Sa mga taon na nagdaan, mas naging komportable kami sa isa't-isa. Hindi na kami nagkakahiyaan pa kagaya ng nagsisimula pa lang kaming dalawa. Walang sikreto na hindi namin sinasabi sa isa't-isa. Natutunan din namin mag-adjust sa isa't-isa at ng aming mga ugali sa mga sitwasyong di namin inaasahan.

Kahit ako ay nabigla sa mga pangyayari. Mabilis na panahon ang lumipas. Apat na taon at marami na rin kaming natutunan. Mas lalo naming nakilala ang isa't-isa at lalong lumalim ang aming pag-iibigan. Hinihiling ko na panghabambuhay na itong nararanasan namin. I almost invested half of my life being with him and loving the person I really spent my life for the rest of my life. Laging kong sinaaabi sa kanya ang mga bagay na iyan at pinapangako rin niya na magiging ganon rin siya sa akin.

Gay At HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon