GAH - 5
" Advice "
-----
"I know it's funny, pero kahit ako natatawa ako sa sarili ko. Hindi ko dapat maramdaman dahil nasaktan na ako kaso, wala eh. Parang bumalik lahat." pahayag ni Eros.
Patuloy lamang akong nakikinig sa kanya habang kumakain ako ng fries at spaghetti na inorder niya para sa akin. Katabi ko siya kaya hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Pero base sa kanyang mga sinasabi, malungkot siya at pakiramdam ko ay talagang may nararamdaman pa rin siya para kay Dane.
"Gano'n pala 'yon. Parang mas madali pa ang pagmoved on ko sa ex-girlfriends ko kaysa sa kanya. Iba pala ang impact. Noon pa sana ay hindi ko na dapat itinuloy pa. Ginusto ko, oo pero yung handa naman na ako para kalimutan siya, siya namang pagbalik niya. Yung konting porsyento na naipon ko para makaget-over nawala eh."
Sa isip ko ay hayaan ko muna siyang magsabi ng kung anong nararamdaman niya. Ayokong pangunahan siya o magbigay konklusyon agad.
"Ikaw, ano gagawin mo kung sabihin sa'yo na narealize niya yung pagkakamali niya at ngayon ay gusto niyang itama ang lahat? May pag-asa pa ba talaga o pipilitin lang ang lahat? He wants to give what I deserve but I can't give him answers. Mixed emotions and doubts." napatingin ako sa kanya.
Napatungo siya at napatitig sa kanyang inumin. Ilang saglit lang ay uminom siya at pagtapos ay napabuntong-hininga.
"I really don't know, Aljan. Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko naman sinasabing hindi ko nakikita ko ang sincerity ni Dane. It's just the fear of it might happen again. Di naman niya ko siguro masisisi di ba? At first, he gave me false hopes and there's a possibility that he can do it again. Ngayon lang ako nagkaganito sa isang tao."
Mayroon akong kaunting sakit na naramdaman kanyang sinabi. Sakit na nakakarelate ako sa kanya. Kahit hindi ko pa masabing kaibigan niya talaga ako, ay nararamdaman ko siya. I've never seen someone that is too vulnerable when it comes in love. I heard some stories and tell how much they suffered in pain pero iba pala kapag nakikita mo at personal mong naririnig. Parang gusto mo na lang na isalin sa'yo yung sakit para mawala lang ang bigat sa kanilang damdamin.
Gustuhin ko mang magbigay komento at bigyan siya ng mga maari niyang gawin ay hindi ko magawa. Bagama't naiintindihan ko ang kanyang sinasabi at nararamdaman, hindi pa rin sapat iyon para mawala ang kanyang sakit na nararamdaman.
Sa aking palagay, hindi naman natin talaga kailangan ng mga advices. Gusto mo lang marinig yung mga bagay na gusto mong gawin pero alam mong hindi mo kaya at gugustuhin mo na lang marinig sa iba para malinawagan ka. In the end, nasa sa 'yo pa rin ang desisyon. You don't to do the advices mula sa mga taong nagbigay ng option kung anong dapat gawin mo. Whatever the decision you make, it's your responsibility and you can't blame others about it. After all, it's your decision and whatever happens it is what it is.
"Timbangin mo muna ang sarili mo. Kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya o magbibigay ka pa ba ng another chance." payo ko sa kanya
"What if, maulit lang lahat?" tanong naman niya.
"What if, hindi?"
"Natatakot ako."
"Lahat naman tayo takot masaktan. It's about taking risk. Ang mangyayari, bukas, sa makalawa o sa hinaharap ay hindi natin hawak. Paano mo malalaman kung hindi mo ulit susubukan, 'di ba? I know it takes courage to place a bet again. But what if this time maging masaya ka na? Magiging okay ulit ang lahat? What if it's worth it? It's now or never, Eros. Maaari kang sumaya, maaaring hindi. Pero atleast, lumaban ka. Sinunod mo yung kung anong gusto mo. That's what really matters." pahayag ko sa kanya sabay higop ng pineapple juice.
BINABASA MO ANG
Gay At Home
Teen FictionDahil sa renovation na ginagawa sa apartment na tinutuluyan nila Alison, nakiusap ang kanyang Mama sa kaibigang matalik na si Jenny na kung pupwede ay doon muna tumira ang kanyang anak upang makatipid sa gastusin hanggang sa matapos ang apartment. P...