"Uy ayos ka lang? Para lang nakakita ng multo" sabi niya sa akin. Nasa counter na ako at kinukuha na niya ang order ko at ako naman tong si baliw nakatitig lang sa kanya.
Tumango ako sa kanya. Natauhan lang ako noong narinig kong tumawa siya. Close kami sa chat at feeling ko magiging close rin kami ngayon sa personal.
"isang wintermelon please" umorder na ako kasi sabi ni Aki mauna na raw akong umorder dahil may dinaanan pa raw siya sa may 7/11 sa kanila.
Naalala kong nabanggit pala niya sa akin na nagput up ang parents niya ng business. At di ko naman inaakala na milktea pala.
Mayaman sila yun nga lang di niya raw alam kung bakit pa nagpatayo ng milktea shop ang parents niya. Trip daw siguro nila.
"Uy sorry ah. Natulugan na kita kagabi" tumango at ngumiti lang siya sa akin at binigay na niya sa akin yung order ko.
Umalis na rin ako sa counter dahil hindi lang pala ako yung nakapila. Humanap na ako ng upuan at napili ko yung tabi ng bintana.
Ilang minuto na ang nakalipas wala pa rin si Aki. Naghintay pa ako nang nakita ko sa peripheral vision ko na may nakatayo sa gilid ko.
"Pwede bang maki-upo?" tanong nung taong nasa tapat ko na ngayon.
Tumango lang ako sa kanya at umupo na rin siya sa harap ko.
"sabi ko nga sayo kagabi na nagchat na naman siya" pag-uumpisa niya sa tahimik na atmosphere naming dalawa.
"ansabe niya?" ibinaba ko na rin ang cellphone ko at inihanda ang sarili ko sa mga sasabihin niya.
"ayun gusto niyang makipagbalikan" halata sa boses niya na miss na miss na niya yung ex niya.
"sino bang unang bumitaw sa inyo? Siya di ba? Bakit kailangan pa niyang bumalik kung iniwan ka na niya?" tanong ko sa kanya. Ako yung nasasaktan para sa kanya eh.
Oo, masokista yata ako eh. Hilig ko na yata ang saktan ang sarili ko.
"Tien alam mo ba na nasa gitna na ako ng pagmo-move on at pananatili. Ang hirap. Gusto ko siyang balikan kasi aaminin ko na mahal ko pa rin siya pero gusto ko ng magmove on at wag ng ipilit ang sarili sa kanya dahil alam kong pagsisisihan ko rin kapag pinili ko ulit siya" naaawa ako sa kanya dahil alam kong di niya deserve ang iwan siya na parang basura lang.
"hindi ka ba naniniwala sa kasabihang kung kayo, kayo talaga kahit anong mangyari? Tsaka wag kang mag alala dahil mas marami pang better kaysa sa kanya" medyo nag cheer up naman siya. Saktong pag alis ni Kai sa upuan niya ay dumating na si Aki.
"bes sino yun ha?" pang aasar niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin pang aasar niya dahil wala namang papatunguhan kung papatulan ko.
"bakit tayo nandito? Anong ganap?" yung pang asar na mukha niya ay napalitan ng kilig. Psh ano na naman kayang baon ng babaeng to?
Umupo siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.
"bes thank you ah" panimula niya.
"thank you kasi chinat mo si Ash. Bes alam mo bang nililigawan na niya ako" kilig na kilig na sabi niya sa akin. Ah so ako yung tulay sa buhay pag ibig niya ngayon.
"masaya ako para sayo. Sana di ka niya saktan kung hindi ako talaga mananakit sa kanya. Tandaan mo na wag ka kaagad o-oo sa kanya ha?" tumango naman siya at ngumiti ng matamis.
Naglakad siya papuntang counter at nag order ng inumin niya. Walang ilang minuto ay nakabalik na siya at hinila na ako patayo.
Nasa driver seat naman ako ngayon at di ko namalayan na tinatahak na pala namin ang daan papuntang mall.
"so ayun nga bes. Sino yung lalaki sa shop kanina?" tanong niya sa akin. Kanina pa to tanong ng tanong kung sino yun. Di ko kasi siya sinasagot. Psh. Ang kulit lang. Ang sakit niya sa tenga.
"boypren ko" napatakip naman ako sa isa kong tenga dahil bigla siyang napasigaw. Buti na lang at di ko natapakan yung preno dahil kung hindi baka tumalsik na tong katabi ko.
"for real beshu? Waaaah I'm so happy for you" ang O. A ng best friend ko.
"oo na lang bes" saktong nakahanap na kami ng parking slot at dumiretso na kami sa elevator.
Salita lang siya ng salita na ang sweet daw ni Ash. Ang gwapo raw ng nanliligaw sa kanya at kung ano ano pa. Pinabayaan ko na lang para di na mas humaba pa ang usapan dahil alam kong titigil rin siya maya maya.
Nandito kami ngayon sa National Bookstore para bumili ng notebooks at ballpens dahil malapit na ang pasukan at last year na naming dalawa sa college.
Bumili ako ng tatlong notebooks at isang dosenang ballpen dahil burara akong tao pagdating sa ballpen.
Pagtapos sa National Bookstore ay dumiretso kami sa department store para bumili ng bag.
"bes si kuya Kien yun di ba?" napalingon ako sa direksyon na tinitignan ni Aki.
Si Kien nga yun at may kasamang babae? Teka lang, bakit di niya sinabi sa akin to? Wait... Familiar sa akin yung babae. May kamukha siya eh.
Nagtago lang kami ni Aki dahil ayaw kong makita ako ni Kien. Gusto kong siya mismo magsabi sa akin kung sino ba yung babaeng yun.
Wala namang problema sa akin kung sakaling magkagirlfriend yang kuya kong yan eh. Wait... Did I just call him kuya? Hahaha parang ang baduy lang talaga. Mas matanda lang naman siya sa akin ng 2 years eh.
"bes bakit ba kasi tayo nagtatago? Wala ka namang kasalanan kay Kien kaya dapat confident tayong rumarampa dito hindi yung nagtatago tayo" reklamo ni Aki. Argh! Ang arte grabe. Sabagay para kaming ewan na nagtatago. Nagmumukha kaming bata na nagtatago sa mga kalaro.
Oo nga naman. Bakit nga ba kami magtatago? Di ko naman siya ico-confront eh kaya bakit ko kailangang magtago di ba? Kung makita niya ako edi makita niya lang.
Naglakad lakad na kami ni Aki dito sa department store hanggang sa narating na namin ang bag section.
Nakaalis na kami sa part ng mall na nandoon si Kien.
Bumili ako ng isang bag. Hindi na back pack na pang high school ang binili ko kundi yung pang college na talaga. Yung parang pang alis lang ganun.
Bumili na rin si Aki ng mga gamit niya at ng kung ano ano pa.
"bes sino nga kasi yung lalaki kanina?" tanong ulit ni Aki. Akala ko pa naman makakalimutan niya na. Ibang klase talaga tong kaibigan ko.
"crush ko okay? Masaya ka na?" umiling lang siya at sumimangot. Sinabi niya rin sa akin na sana di ko na lang sinagot tanong niya kasi akala niya talaga magkakaboyfriend na ako tapos wala pa pala.
Bakit ba kasi atat na atat silang magkaboyfriend ako?
______________________________________
Vote
![](https://img.wattpad.com/cover/152319892-288-k852232.jpg)