"bakit parang nakakita ka ng multo?" bigla akong natauhan nang magsalita si Chris.
Hindi multo ang nakita ko kundi yung dahilan ng sakit ng kalooban ko ang nakita ko. Ang dahilan kung bakit naging kumplikado ang mundo ko.
"si Rhea yun di ba?" turo naman ni Aki sa direksyon niya. Oo, tama kayo. Si Rhea nga ang tinutukoy ko. Siya lang naman ang naging dahilan kung bakit nagkakagulo eh.
Masakit. Masakit makita yung taong dahilan ng lahat. Parang isinampal sa mukha ko yung nangyari noong gabing iyon.
"EZ bakit nakatingin ka doon sa babeng yon? Shit. Don't tell me gusto mo siya! Tibo ka ba?" napalingon naman ako kay Chris kaagad. Wtf? Tibo? Di kami talo.
"ayos ka lang ba Chris? May lagnat ka yata. Bes di kami talo okay?" bigla naman siyang natawa sa sinabi ko samantalang si Aki ay pumunta na sa counter para umorder.
"oh atleast nawala sa kanya yung atensyon mo. Dapat yung atensyon mo nasa gwapong ako lang" nakalimutan kong mahangin pala tong lalaking to. Anyway, si Chris? Nagkagusto sa akin yan noong childhood days namin. Hahaha remembering those days made my day.
Sa sobrang sayang kasama ni Chris nakalimutan kong may dinaramdam ako kanina. Si Aki naman busy lang sa cellphone niya kaya ako lang tumatawa sa mga corny jokes ni Chris. Siguro katext na naman ni Aki si Ash.
And speaking of Ash...
"By! Dito!" nakita ko naman ang saya sa mata ni Aki. Tumayo bigla si Aki at sinalubong ng yakap si Ash. Biglang hinila ni Ash si Aki at may ibinulong.
Kung ano man yung ibinulong niya ay di ko alam. Itinuon ko na lang ang pansin ko kay Chris.
Tutal, nasa lamesa naman yung phone niya kaya bigla bigla ko itong kinuha. Para tuloy akong snatcher.
"Vy! Akin na yang phone ko" inabot abot naman ni Chris yung phone niya mula sa akin pero di niya pa rin ito makuha.
"Niel naman eh" he whined. Di naman na siya nakapagprotesta dahil binuksan ko na ito agad. Wala namang password kaya walang problema.
Binuksan ko kaagad yung gallery niya. Nagulat ako nang pindutin ko yung isang video at ungol bigla ang narinig ko.
"what the?! Brix Chris! Porn talaga?" bigla naman akong natawa. Pagkabukas na pagkabukas ko porn kaagad eh. Psh. Kadiri talaga tong lalaking to.
"akin na nga yan. Yan kasi nakikialam ka ng cellphone ng mag cellphone." hinablot naman niya yung cellphone niya sa kamay ko.
Di naman niya tinago yung phone niya kundi lumapit siya sa akin at itinaas ang phone niya na nagpapahiwatig na gusto niyang magselfie kami.
Nagready naman na siyang ngumiti at ako naman ay umakbay sa kanya. Pose doon at pose dito kaming dalawa hanggang sa sabihin niyang last na.
Nakaisip naman ako ng magandang idea. Sinabihan ko siyang itimer niy nga tatlong segundo.
Umoo naman siya at sinet na nga yung timer. Humanda naman siya. Nakita ko namang pumikit siya at nakangiti. Yung parang pacute na bata.
3
2
1
Click.
Nagulat naman siya sa ginawa ko. Ano nga bang ginawa ko? Habang nagbibilang ang timer, inihanda ko ang sarili ko sa paghalik sa kanya sa pisngi.
"what was that for?" He asked. I smiled at him and when I'm about to answer his question, Aki clears her throat. I looked at her direction and I was surprised when I saw someone stared directly at my eyes so I stared to that someone's eyes to.
Cold eyes.
Cold stare.
But the eyes of that someone... The eyes I missed for how many months.
I missed how he laugh,
I missed how he smile,
I missed how he delivers his corny jokes,
I missed the old time with him,
I missed everything about him,
I missed HIM.
I missed the one and only Daile Kairo Clayton.
Nakikipagtitigan pa rin ako sa kanya ngunit di ko namalayan na malapit na pala ang mukha ni Chris sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
Nagulat naman ako at ganoon din si Kairo. Di ko pa rin inialis ang tingin ko sa kanya ngunit siya na ang unang umiwas.
"what was that for?" gaya ko sa tanong ni Chris kanina. He just smiled too.
"to be fair. Now we're even" then he winks at me. I just shook my head and chuckle a little. But... I looked at Aki's direction again.
"Aki can we talk?" pagkuha ko ng atensyon ni Aki. Nginitian ko naman si Chris at silang dalawa ni Ash. Pinaupo rin ni Aki ang kanyang kasintahan at ang kaibigan nito.
"uh, Tien. I'm sorry about this. Di ko naman kasi alam na kasama pala ni Ash si Kairo eh. Akala ko kasi siya lang tapos nagpumilit raw si Kairo na sumama kaya wala na siyang nagawa" I sighed. Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na eh. Alangan namang paalisin ko pa di ba?
Pagtapos naming mag usap saglit ni Aki, niyaya ko na siya pabalik sa table namin.
Pag upo naming dalawa, na ramdaman ko kaagad ang napaka awkward ng atmosphere ng tatlong lalaking nakaupo dito.
"Boyfriend mo?" tanong ni Ash. Imbes na ako ang sumagot, si Chris ang sumagot para sa akin.
"Yep. Brix Chris Keene. EZ's boyfriend and Aki's bestfriend and you?" balik tanong niya kay Ash. Uh oh. Di magandang pagkikita yata to. Di rin magandang araw to. Kanina si Rhea ngayon si Kairo, tapos ano? Magkakaroon pa yata ng away. Hays.
"Ashton Miller, Aki's boyfriend" nagshake hands naman silang dalawa. Tumingin naman kaming lahat kay Kairo at naghintay sa pagsasalita niya.
"Daile Kairo" tinanguan naman niya si Chris. Tumango rin naman si Chris pabalik sa kanya.
Nakita kong kinalikot ni Chris yung phone niya at biglang nagsalita.
"oh my gosh EZ. Look oh." tinignan ko naman ang phone niya at nakita kong kaming dalawa iyon. Iyon yung picture kanina. Ang cute lang.
"ang cute" sabi ko ng may ngiti. Totoong ngiti. Biglang nagsalita si Ash.
"hey guys. Weekend na bukas what about, mag bakasyon tayo ng two nights and one day?" ano kayang plano ni Ash. Hmm. I smell trouble.
"I'm in By" ngumiti naman si Aki kay Ash at hinalikan ni Ash si Aki sa labi sa harap namin mismo.
PDA tae. Psh. Di naman nila kailangang ipakita sa amin yung mga ganyan eh. Papansin masyado. Hays.
"oooh, we're in! Right Vy?" tinaas taasan naman ako ni Chris na pumayag ako.
Dahil wala naman akong pupuntahan bukas at di rin naman ako busy plus di rin naman ako makahindi kay Chris kasi ngayon na lang ulit namin siya makakabonding for how many years kaya pumayag na rin ako.
"oh ikaw? Sasama ka di ba?" Si Ash naman ngayon ang nagtatanong kay
Kairo. Actually, di naman tanong yun eh. Parang mas namimilit pa siya kaya wala na ring nagawa si Kairo kundi pumayag."so saan tayo?" Yats asked. Nakita ko naman na nagtinginan si Ash at Kairo. Tumango naman si Kairo sa kanya at Ash answer him.
"sa resort nila Daile" maikling sagot ni Ash. Bakit parang ayaw nila kay Chris. And what? May resort sila? Ngayon ko lang alam.
Teka, dapat wala na akong pake pero bakit ganito? Argh. Damn this life. I hate this.
"it's settled then" ngumiti naman si Chris sa kanila at ganoon din ang ginawa nila.
Pagtapos noong usapang iyon ay nagpatuloy na kami sa kanya kanya naming ginagawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/152319892-288-k852232.jpg)