"OH MY GOSH BES! GUMISING KAAAA! ANO BA! VYNIEL EZTIEN CLAYDEN! KYAAAAAAH" bakit ba nandito tong babaeng to? Anong oras na ba? Iminulat ko ang mata ko at nakita ang alarm clock sa gilid ko at alas siyete na ng umaga.
Teka bakit gising na to? Ang aga yata. Omogosh 7 na at kailangan ko ng magmadali dahil 7:30 ang pasok ko.
"Tunguna bes nagcha-chat na kami at feeling ko crush niya rin ako" tila kilig na kilig na sabi niya sa akin. Psh.
"Wag kang masyadong umasa kasi baka feeling mo lang yan. Baka nag-a-assume ka lang at sa huli ikaw lang rin yung masasaktan" bitter na bitter na sabi ko sa kanya. Shocks mali-late na ako.
Nagmadali na akong kumain at naligo. Iniwan ko na si Aki doon sa kwarto ko dahil alam naman na niya kung saan hahanapin ang kailangan niya kasi parang bahay na niya to.
"Aki alis na ako ah" paalam ko kay Aki. Iniwan ko na ang lahat sa bahay at umalis na. Pumunta na ako sa studio.
"good morning ma'am" I greeted. Binati rin ako ni ma'am. Nakita kong medyo bata pa ang mga kasama o sabihin na nating mga kaklase ko.
Pinag-aralan namin ang sofa syllables and such. Yung pagbasa ng nota at yeah. Mabilis kong natutunan ang mga tinuro nila dahil sa tingin ko masyado na akong matanda para dito.
Graduating na rin kasi ako next school year. At dahil summer vacay ngayon iti-take ko to as an opportunity para makapag-summer lesson or should I say music lesson.
Na-enjoy ko rin tong pasok ko. Mabilis na dumaan ang ilang araw hanggang sa dumating ang araw na nameet ko ang anak na pangalawa ni Ma'am.
"Uy Avril anak ni ma'am yun?" tanong ko kay Avril. Ang galing kasi niya mag-gitara. Fingerstyle pa mahgash. Siya yung nagtuturo kina Avril sa gitara.
Sinagot niya ako ng oo at tinawag na ako ni kuya Mark. Si kuya Mark ang panganay na anak ni ma'am at siya rin ang isa sa nagtuturo sa amin sa piano.
Dumaan ulit ang kalahating buwan at naging close ko na si kuya Justine. Siya yung nagtuturo ng gitara.
"Grabe Mojo! Bakit ang tigas ng buhok mo? Nakatayo kahit na walang gel hahahaha" I burst into laughter. Nakakatawa kasi. Di naman niya nilalagyan ng gel buhok niya kaso tumatayo talaga.
Pinagtawanan ko lang siya at pinicturan siya ni Adrian. Si Adrian ang bassist sa banda nila. Medyo crush ko siya kasi ang galing niya. Hindi kasi hitsura tinitignan ko sa lalaki pero minsan mas gusto ko ang gwapo lalo na kapag di ko alam ugali hihihi.
Natapos ang oras ng klase namin at sinundo ako ni Kien dahil di ko dala yung sasakyan ko.
"How's your day baby?" argh! Bakit ayaw niya akong tigilan sa baby na yan? Tae naman.
"C'mon Kien. How many times do I have to tell you? Am not a baby anymore. Tss" di ko sinagot tanong niya. Nakakainis kasi siya eh.
"Okay okay. Sorry Tien. By the way, umuwi na si papa galing Dubai" umuwi na si papa? That's great. Palagi na lang siyang wala sa bahay. Busy kasi siya masyado para sa business na yan.
Naka-uwi na kami at sinalubong ako ni papa ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi.
Niyakap ko na rin si papa at humalik sa pisngi niya. Kumain kami ng dinner at nagkwento lang siya ng kung ano ano na connected sa business.
"Anak balita ko nag-enroll ka kina Lia." ay oo nga pala di ko nasabi kay papa na nag-enroll ako. Magkakilala pala si ma'am Lia at papa.
"yes papa nag-enroll po ako. Sorry po di ko na nasabi sa inyo. Nawala na rin po kasi sa isip ko eh" sinabi ni papa na proud daw siya sa akin dahil daw nung bata ako sobrang hirap daw na pilitin akong pumasok sa music lesson.
Nagbonding lang kami. Nanood ng movie at kung ano ano hanggang sa natanong ni papa kung may boyfriend na raw ako.
"papa? Ayos ka lang? Wala namang nagkakagusto sa akin eh" nakasimangot na sagot ko kay papa. Papa being nosy is new hahaha.
"Anak ang ganda mo kaya. Papayat ka lang ng konti tapos ayos na yun" papa winked at me. Playful papa. I missed papa.
"papa akyat na ako sa taas ha? Medyo inaantok na kasi ako eh" sa totoo lang kasi ayoko ng pag-usapan yang love life love life na yan eh.
Ewan ko ba. Napakabitter ko kapag yan na ang usapan. Paano ba naman kasi, noong fourth year high school mayroon akong naka M. U at tandang tanda ko pa na October noong nalaman kong the feeling is mutual.
Natakot ako na baka iwan or di na niya ako pansinin pero sinabi niya na hindi, hindi raw niya ako iiwan.
Pero anong nangyari? Ayun, nalaman kong di pa pala siya nakamove on sa ex niya. Natapos ang graduation, ganun din ang aming communication.
First year college. Na-inlove ako doon sa isang varsity na kabatch ko lang din. Guess what? Di kami naging M. U kasi one-sided lang kami at ang masakit, ako lang yung may feelings para sa kanya.
At dahil nga alam niya na gusto ko siya, ayun tinake advantage niya. Eh dahil nga sa gusto ko siya, nagpakatanga lang naman ako sa kanya na kahit anong gusto niya ibibigay ko. Nag-end ang first year college ko na tinake for granted ako.
Second year college. Dito naman sa year na ito hindi ako yung iniwan. Ako naman ngayon ang nang-iwan dahil yung taong gusto ko, gusto rin pala ng isa sa kaibigan ko. Pero di ko close yung kaibigan kong yun. At dahil nga sa medyo clingy rin yung crush kong iyon eh di pinaubaya ko na rin. And medyo nahirapan rin ako sa pag-mo-move on.
Di naging kami pero di naman masamang magmove on di ba?
Third year college. Iba rin tong taon na to eh. Nagkagusto ako sa isa kong kaklase na babae. Mahgash babae siya. Ang saklap lang dahil di pa rin siya nakakamove on sa ex M. U niya. Sabihin na nating nakamove on na siya, yun nga lang mayroon rin siyang gusto. Take note na babae rin yung gusto niya. Kaya medyo natagalan ako sa pagmo-move on sa kanya. Wala naman kasi siyang masamang alaala na pinabaon sa akin eh, actually puro good memories kaya nahirapan ako.
Shocks ang sasaklap ng mga karanasan ko sa pag-ibig na yan. Sana naman ngayong darating fourth year college mahanap ko na yung the one kaso lang...
WALANG POREBER.
______________________________________
Vote