Nasa kwarto kami ni Kien ngayon. Sa kwarto ko mismo. At ayun, daldal siya ng daldal. After niyang ihatid si Rhea dumiretso siya kaagad sa kwarto ko.
"siya ba yung Kairo?" tanong niya. Mukha siyang galit na di ko maintidihan. Parang baliw eh.
"ano na naman bang pakialam mo Kien? Di naman kita pinakialamanan kay Rhea ah" at umirap ako sa kanya. Napakalalaking tao kasi tapos chismoso siya. Hays. Bakla ka na ba Kien?
Paano kung malaman ni Kien na boyfriend din pala ni Rhea si Kairo?
Bigla akong napaisip nang magflash yan sa utak ko. Oo nga naman. Ano kayang magiging reaction ni Kien kapag nalaman niyang boyfriend ni Rhea yung taong mahal ko?
Anong feeling nang mahalikan ka sa labi ng taong mahal mo?
Teka, ibang usapan na yan. Pero ang saya sa feeling. Yung sana ganun na lang palagi. Yung sana akin talaga siya. Yung sana walang problemang nasa gitna naming dalawa. Pero lahat yun SANA lang.
"sorry"
Biglang gumuhit ang kirot sa puso ko nang maalala ko ang isang kataga na iyan na sa tingin ko ay punong puno ng sakit. Ang sakit dahil feeling ko panakip butas lang ako. Ang hirap palang magmahal ng taong may ibang mahal.
Naramdaman kong may mainit na likido ang dumausdos sa pisngi ko na nanggaling sa mga mata ko.
Biglang lumapit sa akin si Kien. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Minsan niya lang kasi akong makitang umiyak kaya ganyan siya ka OA.
"anong problema Tien? May nasabi ba akong mali?" tanong ni Kien. Tumango ako, senyales na mayroon nga talaga akong problema. At hindi siya ang may kasalanan.
"Kien. Feeling ko kasi mahal ko na si Kairo eh. Kaso lang may mahal siyang iba" di ko na napigilan ang pag crack ng boses ko at di ko na rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Tien, alam mo... Di mo kailangang umiyak nang dahil lang sa lalaki. Kung di ka niya mahal at lumayo siya sayo, edi pabayaan mo siyang umalis sa buhay mo. Di naman ikaw yung mawawalan kapag ganun eh" tinap niya ang likod ko isang bagay na gusto ko sa kanya kasi feeling ko napakasafe ko sa ginagawa niya.
"Paano kung may isang bagay na makakasira sa pagtitiwala mo para sa kanya? Tatanggapin mo pa rin ba siya dahil mahal ko siya?" tumango tango naman siya na tila naiintindihan niya yung pinupunto ko.
"syempre tatanggapin ko siya para sayo okay? Mahal kasi kita eh" mas naiyak naman ako sa sinabi ni Kien. Parang nakokonsensya tuloy ako na nagsisinungaling ako sa kapatid ko.
"paano kapag may sikreto ako na nabunyag at nalaman mo ito sa ibang tao, anong gagawin mo? Magagalit ka ba? " umupo siya sa harap ko para siguro makita ako. Inipit ni Kien ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga ko.
"kung sakali mang mangyari yun, magagalit ako kasi pinagtaguan mo ako ng isang sikreto pero naniniwala ako na dapat respetuhin ang gusto ng isang tao sa ayaw man o sa gusto natin. Anong gagawin ko? Simple lang. Maghihintay lang ako. Maghihintay ako na sabihin mo sa akin yung dahilan kung bakit naitago mo iyon sa akin dahil naniniwala rin ako na lahat ng bagay ay may rason" nalungkot naman ako sa sagot niya. Sana talaga di siya magalit sa akin dahil di ko kakayanin. Mawala na sa akin ang love life na yan wag lang si Kien.
Pinatahan na lang ako ni Kien at umalis na rin siya sa kwarto ko.
Nagring bigla yung cellphone ko at si Aki yung tumatawag. Sinagot ko naman ito kaagad.
"bes! Balita ko hinalikan ka ni Kairo!" sigaw niya sa kabilang linya. Umirap naman ako na akala mo kung nakikita niya yung ginawa ko.
"saan mo naman yan nasagap?" sinabi niyang kay Kien niya nalaman yun. Chismosa talaga. May bigla akong naisip kaya nagsalita kaagad ako.
"bes Aki may problema ako. Punta ka dito bilis" sumagot naman siya kaagad na pupunta siya dito. Habang naghihintay sa padating niya ay bumaba muna ako.
Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng isang gallon ng ice cream. Paglabas ko sa kusina ay kasabay nun ang pagtunog ng doorbell sa front door. Bakit ang bilis naman yata niya.
Binuksan ko ang front door at nabigla ako nang hindi si Aki ang taong nasa harap ko ngayon kundi si Kairo!
"Kairo, anong ginagawa mo rito?" tumingin naman siya sa akin, diretso sa mata ko. Lumapit naman siya sa akin at bigla akong niyakap.
Pinabayaan ko siyang nakayakap sa akin hanggang sa marinig ko siyang kumanta ng isa sa tinugtog ko noong recital. Ang Can't help falling in love with you ni Elvis Presley.
Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with youBiglang bumilis yung tibok ng puso ko. Parang alam niyo yung nakipaghabulan ako sa isang kabayo ang bilis.
Shall I stay
Would it be a sin
But I can't help falling in love with youTuloy pa rin siya sa pagkanta at nakayakap pa rin siya sa akin. Masasabi kong napakaganda ng boses niya. Bumitaw ako sa yakap at nakitang namumula siya.
"lasing ka ba Kairo?" nag chuckle naman siya at umiling. Patuloy pa rin siya sa pagkanta niya hanggang sa marating na niya ang huling linya ng kanta.
For I can't help falling in love with you...
Nabigla ako ng makita kong nagtama ang tingin namin. Napakaseryoso ng atmosphere namin at bigla siyang napatawa.
"kamukha mo yung mahal ko" sambit niya. Nasaktan ako sa sinabi niya. Pati ba naman sa mukha ko makikita niya pa rin ang mukha ni Rhea.
"Kairo lasing ka lang. Atsaka hindi ako si Rhea. Si Eztien to" paliwanag ko sa kanya. Tama naman na yung kaninang sakit sa dibdib. Wag mo ng dagdagan pa please.
"kapangalan mo rin siya" bigla na naman siyang natawa. Ano raw? Kapangalan? Kailan pa naging Rhea ang Eztien?
"ano ba yang pinagsasasabi mo Kairo?" tanong ko kahit na di ko naman alam kung sasagutin niya ng maayos yang tanong ko. Siguro maraming nainom tong lalaking to.
Ipinasok ko naman na siya sa sala dahil baka lamukin siya sa labas ng bahay namin at magkadengue pa edi cargo ko pa siya.
"sinasabi ko? Gusto ko lang naman kasing sabihin na, Tien..." bigla siyang tumigil at tumingin diretso sa mata ko sabay hawak sa pisngi ko.
"mahal kita" nagulat ako ng biglang maglapat ang aming mga labi at bigla ko na lang naramdaman ang buong bigat niya sa akin.
Nakita kong nakatulog na siya na nakadantay sa akin. Sakto namang nasa tapat na kami ng sofa at pinahiga siya roon. Kumuha ako ng extra kumot at unan at inayos siya roon.
Iniwan ko na siya sa sofa at umakyat na papuntang kwarto. Chineck ko saglit ang cellphone ko at nakitang nagmessage si Aki at sinabi niyang di siya makakapunta. Di ko na siya nireplyan at humiga na sa kama.
Nakatingin ako sa kisame hanggang sa bumalik sa akin ang dalawang salita na akala kong di ko maririnig sa kanya.
Mahal kita...
______________________________________
Vote