CHAPTER 3: Be His Date [Edited]

1.7K 64 20
                                    

This chapter has been edited and proofread by the Author. Any similiraties to other works are purely incidental.

*  *  *

"H-Hoy!" niyugyog ako ni Ynna dahil obviously, nan dito si Mr. Demon kaya di ko siya pinapansin pero patuloy pa rin ang pagyuyugyog ni Ynna sa akin. Nahihiya kasi siya kay Demon na hindi ko siya pinapansin. Hmmpft! Buti nga sa kanya!

"If we fall in love," pag-aawit ko na lang sa kanta ni Yeng na ang title ay If we fall in love para halatang di ko sila pinapansin.

 "If we fall in love, we can write a better song than this..." patuloy kong pagkakanta nang biglang makarinig ako ng tawa, tawa ng lalake. 

O-kay? So, tinatawanan na pala ako ni Demon ngayon? Ang kapal! Di naman out of tune yung boses ko aah! Napamulat tuloy ako ng mata nang biglang may kumurot sa magkabilang pisnge ko!

"Ano ba!" napasigaw tuloy ako ng wala sa oras nang makita ko kung sino 'yung kumukurot sa pisnge ko and unexpected na isang lalakeng ang cute ng dimples niya. I can't help it. Sa dimples niya talaga ako napatingin agad. O-kay? Who the hell are you? Tinanggal ko agad ang ear phones ko sa magkabilang tainga ko.

"Uso na pala ngayon ang umaawit na nakapikit, Aria?" nanlolokong sinabi ni Trevor. Wag na wag mo akong tawagin sa pangalan ko kasi nakakadiri kung ikaw ang tumatawag! Namula tuloy ang mukha ko dahil sa galit, buti na lang mala-anghel 'tong kasama niya.

"Ang cute mo!" sabay kurot na naman sa pisnge ko. Bakla ba siya? 

"Kevin, tama na 'yan. Laylay na yung pisnge niya oh," pagsasaway ni Ynna sa lalakeng may dimples na kumukurot sa magkabilang pisnge ko ngayon.  Hindi naman siya masakit kasi nagiging garterized na 'tong pisnge ko. 

"So, Kevin po pala ang pangalan niyo?" natanong ko sa lalakeng ang cute ng dimples.

"Yeah, Kevin Jay Kingston pala, klasmate at kaibigan ni Trevor," inabot niya sa'kin yung kamay niya! Mukhang siya yung tipo ng lalakeng easy-go-lucky lang eh kasi, halata mo sa mga ngiti niya ngayon.

"Oh, tama na sa kachachansing, Aria," saway naman ni Trevor. Di ko na kasi namalayan na nakahawak pa ako sa kamay niya habang nakatitig ngayon sa kanya. Panira naman ang demonyong 'toh eh. Tinutunaw ko nga si Kevin. Ano ba. 

"Bakit nga pala nan dito kayo?" malamig kong tanong kay Trevor.

"So, masama na pala ngayon ang kumain kasama ang gf mo?" nakatutok si Trevor sa kinakain niyang palabok habang sinsagot ako. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng lalakeng ito! Hindi ako basta-basta sinosyota. 

"Kapal mo talagang mangagamit ka! Sa pinagseselos mong syota ka pumunta!" sagot ko sakanya at inirapan siya. Hmpft! Serves you right, manggagamit!

"That was 2 years ago, Aria. Pwedeng kalimutan na 'yun?" aba aba aba! Papayag kayo? Napaka-impossible naman ng lalakeng ito. Palibhasa, hindi pa nararanasan ang naramdaman ko. 

"Matagal ko na siyang nakalimutan, Trevor! Pero tuwing nakikita kita, you're just reminding me of your dirtyness," mataray kong sagot sa kanya. Hmpft! Di na siya nakonsensya sa ginawa niya. I was 2nd year back then, 14 yrs. old ako nun tapos siya, 16 yrs. old! 

"Okay-Okay, I came here to ask you," ngayon ay napatigil siya sa pagkakain ng palabok niya kaya napaseryoso na din ang tingin niya sa'kin, "My Father's coming back tonight. I want you to be my date," halos mabulunan na ako sa sinabi niya.

"Asa ka!" mataray kong sagot sa kanya at tatayo na sana nang muli siyang nagsalita.

"Please? Just for tonight. I don't have any choice," napatigil ako sa paglalakad. Naiinis na talaga ako sa kanya eh. Masyado niyang tinatapakan ang pride ko. 

"Ang kapal mo talangang huminge ng ganyang pabor sa akin, Trevor! Akala mo siguro, hanggang ngayon patay na patay ako sayo para lahat ng pinagsasabi mo, susundin ko!" napasigaw tuloy ako sa kanya habang pinipigilan ko ang galit ko. Sumosobra na kasi eh. Akala niya ba laruan ako? Na pwede niyang balikan pagkatapos niyang pagsawaan at itapon? 

"Aria, she's coming for tonight's party," Ah ganoon?! So gusto mo na naman akong gamitin na pangpaselos sa kanya? 

"So, ibig mong sabihin, gusto mo na naman akong gamitin para paselosin siya?!" naiinis na talaga ako sa kanya eh! Sobran naiinis na talaga! "Sige ba, Trevor. I'll let you use me," nasabi ko sa kanya. Konsensya na niya kung maaawa siya sa'kin. 

"Aria?! Ano bang pinagsasabi mo?!" magsasalita pa sana si Ynna pero agad ko siyang hinatak palabas sa cafeteria. Kaya kitang paibigin, Trevor. Kayang-kaya ko siyang palitan sayo. Tignan na lang natin. 

"Ynna, I want revenge!" nasabi ko kay Ynna habang hatak-hatak ko siya. 

*  *   *

KEVIN'S POV

Nasa cafeteria pa lang kaming dalawa ni Trevor. Sa spot na kung saan kami iniwan nina Aria at Ynna. Actually, type ko si Aria kaso mas type kong yung masungit type na parang si Ynna. Nakaka-challenge kasi 'yung mga ganoong klase ng mga babae kaya mahilig ako sa kanila. Plus, dagdag points mo na yung mala-model na hitsura at katawan ni Ynna. 

Ah, oo nga pala. Kevin Jay Kingston. Kung tatanungin niyo kung sino ako, ako ang pinsan ni Trevor. Haha, di naman siguro halatang mas gwapo ako kaysa sa kanya anoh? . About kanina pala, ang pamilya kasi namin, kilalang-kilala sa business world. Expected na si Trevor ang magmamana sa kompanya nila balang araw kaya he's studying Business management. At balak ata ni Tito na pag-aralin siya sa Amerika when the time comes. Ang pamilya ko naman, na sa akin din nakasalalay ang company namin, ay partners with Trevor's business. Tinatawag na ZEUS WELFARE COMPANY ang business nina Trevor. Kung ibabase talaga sa Business worlds, their company holds the financial stock of the entire world. Meaning world wide yung companya nila. Ibig sabihin, yung kinakain natin ay sa kanila nakasalalay kasi kung banckrupt sila, ibig sabihin wala tayong makakain at ang pamilya ko ay isa sa mga tumutulong sa kanila. Gets niyo na ba? Kung hindi, okay lang. Naalala ko tuloy yung usapan nina Trevor at Aria. I've got nothing to do with them pero gusto niyo malaman ang katotohanan between Trevor and Aria's life? Gusto niyo malaman kung bakit init na init ng ulo ni Aria kay Trevor?

to be continued...

PLAY MY GAME [JaDine Compilations COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon