CHAPTER 5: Play the Game [Edited]

1.5K 68 11
                                    

This chapter has been edited and proofread by the Author. Any similarities to other works are purely incidental

TREVOR'S POV

"Aria," mahinang pagtawag ko sa kanya pero enough na para marinig niya. Lumingon siya sa akin. Mukhang kararating niya lang ngayon dito sa school kasi hawak-hawak niya pa yung bag at extra book niya. 

"Ano?" galit siyang lumingon sa'kin. 

Sigh!

 Palaging ganyan ang dating niya sa'kin eh pero di ko naman siya masisisi. I'm not regretting of what happened and what I did to her in the past. It's my game. I created it and the game master never regret what he did. 

"Be my girlfriend," walang bakas ng emosyon ang boses ko ngayon. Simpleng cold lang siya na gamit-gamit ko araw-araw sa pakikipagsalita. Ayan na naman siya, halatang sasabog na naman siyang bulkang mayon. 

"Hindi ako utus-utusan Trevor. Sana man lang tanungin mo o yayain mo ako ng tama. Hindi ganyan na inuutusan mo ako!" galit niyang sigaw sa akin. Wow? So kailangan bang ibroadcast sa buong pinas na niyaya ko siya bilang girlfriend ko? 

"Aria, I need you to make her come back to me, please?" pero kunwari lang yung please na 'yan ah. I only sees Aria as my toy, an art of a toy. Effective kasi 'yung naging date ko siya kagabi eh. Affective din pala si Angela doon. 

[FLASHBACKS]

"Hey, where are you taking me?" tanong ko kay Angela na biglang humatak sa akin out of nowhere while I'm entertaining some of our business partners in Business. Lumabas kami ng hotel at dumiretso siya sa MB ko na naka-parada sa parking lot. WTF ?!

"I have something to say to you," binitawan na niya ang kamay ko at pumasok sa may Front seat samantala pumasok naman ako sa driver's seat na walang kaide-ideya kung bakit kami nagpunta ngayon dito. Are we going somewhere?

"Are we going somewhere?" tanong ko sa kanya nang makapasok ako at inaayos ko na ang aking seat belt.

"We're going to talk," ramdam kong malamig ang boses niya ngayon. Hindi 'yung dating may mala-anghel at mala-dyosang boses niya. Isa lang ibig sabihin nito, jealousy, "The girl you're with at the venue, is she the one you courted before?" tama nga ang hinila ko. So, si Aria lang pala ang makakapag-paselos sa'yo?

"Yeah, why?" tanong ko naman, making it sure na hindi halata sa boses kong medyo masaya dahil kahit papano, she cared for my feelings and this is just a living proof na may nararamdaman para siya sa akin. 

"Are you going out with her?" Hmmm? How do I supposed to answer her? Yes? pero hindi ko naman dina-date si Aria ngayon, kasi mortal enemy niya daw ako? Haha. 

"Yes, why?" bahala na, I'm just gonna ask her tomorrow, "Do you even care, Angel? When in fact you left me broken?"

"Trevor," napatingin siya sa akin, "It's not that I want to-" pero before she could finish her speech, I grabbed her close to me and kissed her torridly. God, how I miss this. How I miss this flavor, her softness, her kisses and her scent. After a second of kissing, I let her go.

 "You're no more worth of me," I coldly said, making her into tears. 

Don't get me wrong, I'm just saying that cause I want her to realize my worth for her. I want her to beg for me, to stay with her. And in order to do that, I need Aria for it. Wait-Wait! What is she doing in front of my MB?! And how dare she flirt with that guy. I clearly told her not to flirt with anyone! 

[FLASHBACK ENDS]

"AND I DON'T CARE ABOUT YOU, TREVOR! ANG BUSINESS MO AY WALANG KINALAMAN SA AKIN! I WANT TO PRETEND THAT I DON'T KNOW YOU, THAT I NEVER MET YOU, TREVOR! I WANT TO LIVE IN A WORLD WITHOUT YOU!" her words brought me back to reality. I know her words hurt me cause I can feel my hands sweating a lot like I wanted to remove that feeling of her, the feeling that she wanted me not to be in her life.

 "Trevor naman eh! Hindi ako laruan! Hindi ako nabuhay dito sa mundong ito para magamit-gamit mo sa gusto mong paraan kasi Trevor, may damdamin din ako!" 

Nakatayo lang ako sa harapan niya habang tinitignan siyang umiiyak na ngayon. 

"Kung gusto mong paselosin si Angel, huwag mo akong idamay dyan kasi lahat ng ginagawa mo sa buhay, wala akong pakialam. May sarili akong buhay kaya pwede ba, naiinis na ako sayo eh. Gusto kong mawala ka, gusto kong---" my hands swiftly moved on its own. 

I didn't realize what am I doing but the moment I realized it, I was gently kissing her lips. I am angry inside, angry because of what she said. I don't want her to live without me. And I'm kissing her to ease the pain she's feeling inside. Kung may gusto man siyang hilingin, sana yung hindi mabuhay na wala ako. I'm bad, right? Pero, I just can't let her go. I want Angela for myself and I need Aria for myself. Which is which? Should I choose the one I want to someone I need? I can't decide.

ARIA'S POV

Wala eh. Kahit anong sabihin ko sa aking sarili na huwag na huwag ng magpagamit sa lalakeng 'yan kasi napaka-demonyo niya, napaka-sarili niya, napaka-arogante niya, napaka-yabang niya. At sa lahat, napaka-confident niya. Hindi ito ang kauna-unahang paghahalik namin, pero feeling ko pa rin, ito yung first kiss kong kinuha niya noon sa'kin. I was supposed to push him away from me pero, I just can't seem find the perfect timing to broke his kiss.

"Hoy, baklang nakatulala sa ere!" nagising ako nang biglang tapikin ako ni Ynna dahil sa pag-iisip ko, nawala tuloy ako sa mundong earth, "Hello? Earth to Aria! Kanina ka pa dyan ah!"

"Ano ba, Ynna! Nag-iisip ako!" sagot ko na lang sa kanya.

"Wooh? Si Kuya Trevor na ba 'yang iniisip mo, Aria?!" may gana pa siyang magbiro sa ganitong lagay ko ah?! Ynna talaga, "Duh! Aria, kalat na kaya dito sa buong school ang Hot Kissing Scene niyo ni Kuya Trevor! Paano ba naman kasi eh maghahalikan na nga kayo sa harapan pa kasi ng field! Eh bongga kayong dalawa ni Kuya Trevor!" 

"Ynna, iyan na nga ang pinoproblema ko, Ano ba! Kailangan ko ng paraan para mawala sa isipan nilang boyfriend ko siya!" sigaw ko sa kanya dito sa cafeteria. Napatingin tuloy mga istudyante sa akin. 

"Hay naku, Aria! Kahit anong gawin mo, tatak na sayo ang pagiging girlfriend ni Kuya Trevor. Pati sa internet, sa FB, sa YouTube, sa Twitter kalat na kalat ang kissing scene niyo ni Trevor. Sikat siya, Aria! Hindi lang dito sa school, kundi pati sa Business World, kaya baka mamaya, andyan na ang media," Wow! Ynna, sinabi kong tulungan mo akong makapag-isip ng paraan, hindi iyong mas lalo mong pinapaala kung gaano kadaling naikalat ang potang inang kissing scene na 'yan!

"Salamat ah Ynna, Salamat! Nakatulong kang masyado sa akin!" pagkasabi ko nun agad akong tumayo para lalabas na sana sa Cafeteria ngunit natigilan ako nung makita ko sina Trevor at Angela na magkasamang pumasok sa Cafeteria. O-kay? Talikod at magtago para di ka na nila mapapansin. 

"ARIA!" ay potang ina kung sinong tumawag sa akin! Napalingon tuloy ako at nakita ko si Barro na tumatakbong papalapit sa akin. Ayun tuloy, nagkatinginan kami ni Trevor sa mata.

to be continued...

PLAY MY GAME [JaDine Compilations COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon