This chapter has been edited and proofread by the Author. Any similarities to other works are purely incidental.
***"Anong ginagawa mo dito?" napasigaw bigla ako ng wala sa oras nang makita ko si Trevor na nakaupo sa may sala namin ngayon at tahimik na nanonood ng t.v samantala si Ynna ay kagagaling lang sa kitchen na nakahawak ng tray na may lamang juice pero dalawang baso siya.
Nakakagulat talaga siya! Kahapon parang galit na galit siya na gusto na niya akong kainin tapos ngayon, bastang-basta siya na pumupunta dito sa bahay?!
"Good day, Aria!" huh? Napalingon ako bigla kay Kevin na kagagaling lang ata sa C.R kasi sa daanang papunta sa C.R siya lumabas ngayon. Anyare?
"Kagigising mo lang?" patuloy na tanong ni Kevin nang maupo siys sa sofa at nakitabi kay Trevor. Ay, oo nga pala! Lumabas akong nakadamit ng isang mini-shorts na yung super ikli tapos suot-suot ko yun t-shirt ni Aivan na sobrang laki! Kaya kung titignan mo parang panty ko yung mini-shorts.
"Y-Ynna? Saan ka pupunta?" napansin ko kasing nakasuot panglabas ngayon si Ynna. Anong occation ngayon?
"I'll give you 15 minutes to prepare, Aria. We're going on a date," pero si Trevor yung nagsalita.
15 MINUTES LANG?!
Agad akong tumakbo papuntang kwarto ko pero natigilan ako, Teka-Anong date pinagsasabi mo, Trevor?
"Anong date, Trevor?" napalingon tuloy ako sa kanya nang papasok na sana ako sa may kwarto ko. Ganito kasi style ng bahay namin, bunggalow type siya ng bahay kaya malawak talaga siya. So, kapag papasok ka, makikita mo agad ang malawak naming sala. From sala, tutuloy ka lang doon at ayun, doon na ang mga kwarto namin. Pero sa opposite ng sala ay yung dining at kitchen na namin. Sa north ng sala ay yung bathrooms. Yung sala talaga ang center ng house namin.
"Aria, there's 1O minutes more left," Ah ok. Imbes na sasagutin ako ni Trevor eh pinaalala pa ang oras kaya napatakbo tuloy ako ng di oras sa kwarto ko. Tse. Simpleng date lang naman siguro 'toh?
So I'll wear my usual style. Sinuot ko 'yung t-shirt ko tapos yung maliit na jumper ko na hanggang legs lang siya. Hindi naman siya yung talagang jumper, mini-jumper siya tapos konting inayos ko lang ang buhok kong mahaba at kinuha yung bullcap ni Aivan then sinuot ko yung flat-open sandals ko at lumabas sa kwarto ko. See? Madali lang talaga akong magpalit ng damit. Hahaha. So paglabas ko, from head to toe and toe to head ba naman ang tingin nila saken? Okay? Ayos lang naman 'tong ayos ko ah?
"Aye! Gumaganern ka na pala ngayon ah, Aria!" pabirong ani ni Kevin at magkasabay silang tumayo ni Trevor. Hmpft! Date nga daw 'toh dba? Pero, sinong magdadate nga pala?
"By the way, sinong magdadate?" walang kamalay-malay na tanong ko.
"Kami ni Trevor, mag-dadate kami tapos mag-dadate kayo ni Ynna," pabirong sagot ni Kevin with sarkastik tone. Ayun! Binatukan nga siya ni Ynna.
"Aray ko naman oh! Alangan naman kasi na kami ni Trevor ang mag-dadate, edi common sense na tayong dalawa tapos sila ni Trevor!" ani nito kay Ynna sabay hinahaplos ang parte ng ulo niyang binatukan ni Ynna.
"Tara na nga!" at hinila nito si Ynna palabas ng bahay. Napatingin naman ako kay Trevor na walang imik na lumabas din kasunod nina Ynna at Kevin. Ako rin, sumama na din sa kanila.
"Hoy," kanina ko pa tinatawag si Trevor habang nakasakay kami sa MB niya. Ewan ko ba kung saan kami pupunta. Hindi nga ako kinakausap ng Demonyong 'toh lung anong problema niya!
"Hoy! Hoy! Hoy!" pero wala pa rin siyang pansin eh
"HOY! TREVOR!" ayan! Sumigaw na ako sa may tainga niya pero aba! Ang loko biglang sinalpak yung earphones niya! Nag-ring kasi yung phone niya ibig sabihin may tumatawag sa kanya.
Okay? Edi walang pansinan.
Pagkalaon ay nakarating na din kami sa Philippine's National Theatre. Ay, so manonood kami ng movie? Nubeyen. Ang booring ng date na 'toh ah! Sana sa Arcade o sa Amusement park na lang para makapaglaro pa kami! Naka-linya kaming dalawa ni Trevor habang bumibili naman sina Ynna at Kevin ng makakain daw.
"Metal Heart, huh? Love story kaya 'toh?" tanong ko kay Trevor habang nakahawak sa ticket namin pero nang mapatingin ako sa kanya saka ko na lang naisip na hindi pala ako pinapansin ng demonyong ito!
"Aria!" narinig kong boses ni Ynna at natanaw ko na siyang paparating na kasama sina Kevin at sina Barro? Eh, anong ginagawa nila dito? Stupid, edi manonood din!
"Nakita namin sila na bumubili ng Jumbo popcorn at nalaman lang namin na manonood din pala sila ng Metal heart kaya sinama na namin sila total magkakakilala naman tayo," si Kevin 'yan habang hawak-hawak ang dalawang Jumbo Popcorn tapos si Ynna ay nakahawak sa dalawang inumin.
"Okay lang naman sa'min kung di niyo gusto?" si Barro ang nagsasalita pero sa akin lang siya nakatingin. Kaya napangiti ako sa kanya.
"Hindi Okay lang. The more, the merrier," ani ko sa kanya at nakipila na din sila sa likod namin. Iniwan ba naman ako ni Trevor nang pumasok kami sa Theater kasi bigla siyang napatigil sa paglalakad nang tawagin ni Angela ang pangalan niya kaya eto ako.
Katabi ko tuloy si Barro, magkatabi sina Angela at Trevor, tapos sina Ynna at Kevin so parang ganito siya, Barro, Ako, Angela, Trevor, Kevin at Ynna. Mukhang chaperon ako ditoo ah. Within 2 minutes siguro, nagsimula na din ang movie. Tignan mo si Trevor, salita ng salita pagsi Angela ang kumakausap sa kanya. Tse. Kainis siya. Ako yung girlfriend dito! Kung sabagay, panakip-butas lang naman ako sa kanya.
"Bakit kaya Metal Heart yung title?" natanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa pagkalaki-laking screen sa harapan ko. Most na nanonood eh mga magsyota.
"I think it's because, the main guy has a metal heart?" sagot ni Barro. Ay? Nakikinig pala ang isang 'toh? Hahaha. Kausap ko sarili ko kanina eh. Oo nga pala, siya katabi ko ngayon. Tsk Tsk. Sige, may Angela naman siya edi May Barro naman ako! Wahaha. Gantihan lang 'toh eh.
"Ehm, I think I'm going to buy some ice cream," ani ko kay Barro then napatingin siya sa akin.
"Well, I can get you some. I'm not enjoying the movie," ani niya sa kin ng aakmang tatayo na sana akong aalis kaya natigiglan ako. O-kay? Sige. Hahaha.
"Thanks Barro, you're so sweet!" masayang nasabi ko sa kanya then siya na yung tumayong umalis na bumili. Total siya naman yung nasa gilid, kaya madali lang siyang nakalabas sa row namin.
"Where is he going?" tanong ni Angela sa akin.
"Uh-Going to buy me an ice cream," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa screen na kung saan naipapalabas na kung paano nag-meet sina Metal heart at si main girl. Wow! Gwapo din naman pala si Metal Heart eh, slight kamukha nya si Trevor-? Maya-maya'y dumating na din si Barro tapos may dala-dalang choco flavor ice cream, yung naka-plastic cup pa siya.
"Thank you very much!" masayang nasabi ko nang nakaupo na si Barro.
Ilang minuto din ang nakalipas at ang haba pala ng kwento ng metal heart na 'toh. Gusto kong isandal ang leeg ko kasi pagod na siyang medyo nakatingala eh. Napatingin ako kay Barro na mukhang inaantok. Napatingin din ako kay Angela na mukhang enjoy na enjoy sa pinapanood, tapos kay Trevor na bored din.
Sigh!
Napasandal na lang ako sa banda ni Barro, bahala na kung makakatulog ako sa kanyang balikat mamaya basta ako, yung leeg ko ay makapag-relax. Mga ilang saglit nga lang ay naramdaman ko na ang antok ko pero parang may nagpalitan ng upuan. Di ko pinansin 'yun kasi inaantok na ako then I went completely blank.
to be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/20705796-288-k831140.jpg)
BINABASA MO ANG
PLAY MY GAME [JaDine Compilations COMPLETED]
Roman pour AdolescentsFor Him, Love is just a game. It's not o be taken serious. But when his love interest returned, he needed someone to play his game. That's when he found her. The perfect woman for the title. All Rights Reserved. -DYSTOPIAN Story Line 2015