CHAPTER 1: Meet Mr. Arrogant [Edited]

3.2K 81 20
                                    

This chapter has been edited and proofread by the Author. Any similarities to other works are purely incidental. 

* * * 

"Aria!" Ito na naman ang napakalakas na boses ni Ynna. 

"Opo! Opo! Nandyan na po!" sigaw kong pabalik sa kanya habang tumakbong palabas ng kwarto. Wah! Kahit kailan talaga ang babaeng ito! Palagi na lang siyang excited tuwing may 1st day of klasses eh. 

"'Tong babaeng 'toh! Kailangan talagang sisigawan kita tsaka ka magmamadali?!" sinara na namin ang pintuan ng bahay at naglakad papuntang waiting shed na kung saan may jeep na nakaparada doon kaya eksaktong-eksakto na sumakay na kami sa jeep. 

"Eh, sorry naman po. Syempre, nag-ayos ako ng maigi. Di tulad ng iba dyan na maliligo na nga lang yung ligong pato pa," haha. Oo naman eh! Kada umagang maliligo 'yang si Ynna, ligong pato talaga siya. Alam niyo 'yun? Yung buhok lang ang babasahin niya at wag na yung katawan total nagmumukha ka namang bagong ligo tuwing basa ang buhok di ba?

'POK'

"Aray!" napahawak naman ako sa ulo kong parte na binatukan bigla ni Ynna. Masakit 'yun eh. 

"Buti nga sayo," kumarap naman siya sa'kin. Hahaha. Ang cute niya tuwing ganyan ang hitsura niya. Yung naasar siya sa'kin? Magpapakilala pa pala ako, dba? O wag na? 

 Okay. Sisimulan ko kay Ynna. May maikli siyang buhok, yung C-Cut hair mayroon siya at may dye siyang dark brown which is bagay na bagay sa kanya kasi maputi siya, kaya nagmumukha siyang amerikano. Going further, may lahi naman talagang amerikano si Ynna. Yung kulay ng mata niya? Expected din na kulay brown siya, light brown kaya kitang-kita o halatang-halata. Hehehe. May height siyang about 5'6 na parang pang-model. Slim at sexy siya kaya sikat na sikat ang bruhang 'yan noong high school pa kami. Single siya! Masungit kasi siya sa mga lalake.

To be honest, may pagkasunget at palaging menopause siya pero mabait talaga siya. Uber Bait sa'kin niyan. Siya si Ynna Mae Scarlott.

Okay. Ako naman. Hahaha, kumpara kay Ynna, malayong mas maganda siya. Pinsan niya ako sa Mother's side kaya magkaiba kami ng apelyedo. Kung C-Cut ang hair niya, long hair naman ako. Kung may dark brown dye yung hair niya, ako pure black lang siya. Hanggang shoulder ang buhok ko. Slight brown eyes din ako pero mapapasin mo lang na brown siya kung masisinagan ng araw 'tong mata ko. Hehe. Tapos, maliit ako. Di naman yung masyadong maliit, 5'2 lang ako. At least, 5 siya kaysa naman sa 4, dba? Hahaha. Pero I think hanggang kili-kili lang ako ni Ynna? Or balikat ata? Hehe. Chubby daw ang face ko pero wag kayo, slim at sexy din ako kaya maganda ako! Single din ako eh kasi walang kahit niisang suitor ako, nung high school pa lang. Pangalan ko is Aria Gwen Garcia, a 1st year student of UP Dilemman. Hahaha. May utak ata 'toh eh!

"Hoy, baba na oh! An dito na tayo," hinila na ako ni Ynna pababa sa may jeep. Total, nasa malapit din naman kami sa babaan ng jeep kaya di na kami nahirapang bumaba sa jeep. Wow! Ang laki talaga ng school namin. May mga gwapo kaya dito? Ah-Wait, wala din naman pala silang pakialam sa'kin.

Buti pa si Ynna oh, talagang nakuha na niya yung mga atensyon ng mga lalakeng nasa paligid namin. Pati ata yung mga lalake sa gym eh, tumitingin na? Gosh. Ang lakas ng apog mo, Ynna. Penge naman oh?

"Ynna, yang legs mo oh, pinagtitinginan talaga?" bulong ko kay Ynna. Naka-mini skirt kasi siya ngayon which is balandrang-balandra yung mapuputing mahahabang legs niya na pinaglalawayan na ng mga kalalakihan ngayon. 

"Edi hayaan mong pagnasahan nila," ay malandi. 

"Sige, sige. Talagang malandi ka na ngayon, ah?" sarkastikong ani sa kanya kaya naman napatingin siya sa'kin, yung famous but not famous deathly glare niya. Oo, pinapatay na niya ako sa kanyang imagination, 'tong babaeng 'toh! 

"Sige na nga, alis na po ako," mas mabuti pang makaalis na bago pa may magawang masama ang babaeng 'yan. Nakapatay na siya eh, sa imahinasyon niya lang. Hahaha. By the way, where the hell is my room? Di naman kasi nasobrahan ng laki at lawak ng school na 'toh eh? Hahaha. Oh sige na nga, sige na. Magtatanong na lang ako kaysa sa paikot-ikot ako sa school na 'toh. Uber ng laki eh. Di na lang nila shinare para sa mga walang bahay dyan.

"Excuse me, kuya, saan po ang room na 'toh?" tanong ko sa lalakeng nakita ko na nakasuot ng Varsity. Astig nung disenyo niya! Yung disenyo ng damit ng team nina Kuroko sa Kuroko no basuke. Ganoon siya, kung napapanood niyo yung anime na 'yun! Bagay na bagay sa kanya eh! Ang gwapo niya.

"Ah, what's your course?" eh halatang may lahing amerikano naman siya eh noh? Englishin ko nga rin siya, total english din naman yung course ko edi ma-english ko nga rin siya. Pero, kyah! Ang gwapo niya! Tulo laway yung hitsura niya ngayon na kahit pinagpapawisan eh ang hot niya! 

"Bachelor of arts major in english," sagot ko sa kanya. Then, sa pawis na pawis niyang mukha talaga ako napatitig. I was examining his features. Oo, aminadong-aminado talaga na gwapo siya. 

"Ah, that's next to our building," kinuha niya yung towel sa kanyang bag na Jansport tapos pinunasan ang kanyang pawis, "I'll take you there? What time is your class ?" 

"Hmm," tinignan ko naman ang wrist watch ko sa left hand ko, 7:15 pa lang, 45 minutes ang natitirang oras bago magsisimula ang first class ko, "I've got 45 minutes left before my first class starts."

"Okay. Can you wait for me? I'll just take my shower," ngumiti siya sa akin.  Nakakalaglag panty talaga ang mga ngiti niya. Kinikilig na naman ako pero siyempre, medyo pa-humble effect pa rin kaya tumango na lang ako pero pumupula mukha ko. Hinantay ko siya sa labas ng Men's Shower room na medyo malapit lang pala sa gym namin.

Nabaling bigla ang atensyon ko dahil sa biglang sigawan ng mga kababaihan na palapit sa men's shower room. Anong mayroon? Isang lalakeng hot, ang parating ang nakita ko habang pinapalibutan siya ng mga ilang babae. Wow! Artista ba siya? Anong pangalan niya? Bakit dii ko kilala? Ang sikat niya talaga kasi kanina pa kinikilig na tumitili yung mga babae sa paligid niya. Gwapo naman siya at basketball player din kasi nakasuot din siya ng varsity, same doon sa lalake kanina. Pero, base sa expression ng lalake para siyang iritado?  Sino ba naman ang hindi? Ang daming kumakandarapang mga kababaihan sa paligid niya eh. Natatawa ako sa lalake na hanggang nawala na ako sa takbo ng oras at di ko na namalayan na  nasa harapan ko yung lalakeng hot na pinagtitilian kanina. 

"Hey,Baby, I miss you," bigla ba naman niyang sinabi sa akin. Wait... What?

to be continued...

PLAY MY GAME [JaDine Compilations COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon