62 - Narration

18 1 0
                                    

Kim Doyeon

7:50 palang pero nandito na kami ni Eunwoo sa park. Ayokong ako yung ma-late. Ako 'tong may pa-8 sharp, 8 sharp tapos ako yung male-late. Nakakahiya naman yun.

"Sigurado ka bang kailangan pati ako kasama? Pwede namang dun nalang ako sa likod ng puno, makikinig. 'Di naman ako kailangan sa usapan niyo eh." Sabi sa'kin ni Eunwoo. Natawa naman ako ng mahina.

"Kailangan ko ng kasama." Sabi ko nalang sakanya. Nag-pout naman si baliw.

"Doyeon!" Napalingon ako sa kanan ko nang marinig ko yung boses ni Daniel. Pagkakita ko sakanya ay ngumiti ako at nakita kong kasama niya din si Ong.

Nginitian ko sila ng slight lang, 'cold' kuno. Tumayo ako at tumayo din 'tong si Eunwoo na nagtatago sa likod ko. Takot eh.

Paglapit nilang dalawa ay niyakap agad ako ni Daniel, niyakap ko din siya pabalik. Pagbitaw namin sa yakap ay napatingin ako kay Ong. Awkward. Ngumiti nalang ako, at ganun din ang ginawa niya. Ang awkward talaga.

Parang napansin naman ni Daniel na ang awkward namin kaya umubo siya "kuno" para lang mawala yung "awkward atmosphere". "So, uhm...ano ba yung gusto mong sabihin sa'min?" Tanong ni Daniel sa'kin.

"Pwede dun tayo sa convenience store na pinupuntahan natin dati? Parang mas okay na doon tayo mag-usap kasi medyo malamok dito eh." Nag-agree naman si Daniel at Ong sa request ko.

"Sige, kayo nalang ah? Mauna na k-" Naputol yung sinasabi ni Eunwoo dahil hinila ko siya papunta sa tabi ko.

___

Nang maka-upo kami ay biglang tumahimil yung paligid. Nagkatitigan kami ni Eunwoo, sinisensyasan niya ako na magsalita na. Napabuntong hininga naman ako, dahilan para mapatingin sa'kin si Daniel at Ong. Tinignan ko sila pareho. "Sorry. Sorry kung umiwas ako, sorry kasi hindi ko kayo kinausap agad, kasi hindi man lang ako nag-hanap ng way para magkaron tayo ng maayos na usap. Sorry kung nag-tagal pa yung hindi pagpapansinan. Sorry..." napatigil naman ako at tinigna ko si Ong. "Lalo na sa'yo, Ong. Sorry."

"Okay lang yun. Ako nga dapat mag-sorry sa'yo kasi ako naman talaga dapat yung unang lumapit or pumunta sa'yo para kausapin ka kasi ako naman yung may kasalanan, pero wala akong ginawa dahil lang sa takot ako. Sorry." Sabi ni Ong. Nakatitig lang ako sakanya at ganun din siya sa'kin.

"Umubo" naman ulit si Daniel dahilan para maputol yung kalandian namin ni Ong. Ay! Wait- anong kalandian? Walang kalandian doon. Nagkatitigan lang dahil sa seryosong usapan, yun lang yun. Nadala lang sa atmosphere. Anong kalandian pinagsasasabi ko?

"Sorry din, Doyeon. Ako naman talaga may kasalanan kung ba't nagalit ka kay hyung eh. Dapat kasi hindi ko na binabanggit pa yung matagal ng nangyari. So-" Pinutol ko yung sinasabi ni Daniel.

"Matagal ng nangyari? So, you mean, matagal niya ng sinasabi yun? Hindi ngayong month? Year? Ganurn?" Sunod-sunod kong tanong sakanya.

"Yeap. Hindi ngayong month, year or what. Matagal na. Tsaka hindi niya naman talaga gustong sabihin yun. Nasa in-denial stage pa kasi siya sa nararamdaman niya para sa'yo nung mga panahong yun kaya niya nasabi yun, pero hindi niya talaga mean na sabihin yun." Pagpapaliwanag ni Daniel. "Nasabi ko lang ulit yun dahil siguro sa galit o sa inis ko. Kaya sorry sa inyong dalawa." Dagdag niya.

"Okay lang yun, Dan- Wait. Teka nga, teka. Kung matagal niya ng sinabi yun..." Napatingin naman ako kay Ong. "...ibig sabihin matagal mo na akong kilala?"

"At gusto!" Singit ni Daniel. Siniko naman siya ni Ong.

"P-paanong..."

"Nakikita kasi kita lagi sa campus namin. Nung una parang wala lang, pero nung nakita kong binigyan mo ng pagkain yung mga bata tas yung matanda sa kalsada, biglang nalang akong napangiti nun tapos ayun, madami akong nalang din sa'yo kasi kilala ka pala ni Daehwi. Gusto ko sanang lapitan ka noon kaso nahihiya ako, tsaka magkaiba tayo ng school tapos hindi din tugma sched natin, baka pag niligawan kita, hindi din kita mabigyan ng sapat na oras kaya naghintay ako. May mga bagay na nangyari kaya hindi ko matuloy-tuloy yung panliligaw ko pero ngayon, eto na 'ko. Kaso..." Tinignan niya naman ako ng mata sa mata. "...pinatigil mo na ako sa panliligaw eh."

I'm Rome-Ong! | 옹성우 [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon