Ong Seongwoo: Daniel
Ong Seongwoo: Nililigawan mo nanaman si doyeon?
Kang Daniel: nanaman? Ngayon ko palang naman siya liligawan ah
Kang Daniel: tsaka hyung pano mo nalaman na nililigawan siya?
Ong Seongwoo: alam kong niligawan mo siya dati.
Ong Seongwoo: kang daniel pwede bang pagbigyan mo naman ako? Hinayaan na kita nung una eh. Tapos ngayong pwede ko na siyang maligawan, eeksena ka ulit.
Ong Seongwoo: hindi mo naman din makikilala si doyeon kung hindi ko siya tinuro sayo noon eh.
Ong Seongwoo: Alam ko na, dati pa, na nililigawan mo na siya. Sinusundan kita kasi lagi ka nalang late umuwi ng bahay. Lagi ka nalang wala, nagaalala na sila jisung hyung kaya ayun.
Ong Seongwoo: tapos nakita ko nga na magkasama kayo ni doyeon. Akala ko nga kayo na eh pero sabi naman sakin ni yoojung hindi daw nililigawan mo palang daw. Bat wala ka man lang nabanggit samin? Sakin?
Ong Seongwoo: akala ko nga sasabihin mo samin pag tumagal-tagal eh, kaso binasted ka nalang niya't lahat-lahat wala ka pa ding sinasabi samin.
Ong Seongwoo: May gusto din ako kay doyeon noon, alam mo yun diba? Hindi ko lang siya mapormahan noon kasi magkaiba kami ng school, magkaiba din kami ng schedule, baka magkulang lang ako ng oras para sakanya.
Ong Seongwoo: kaya naghintay ako na makagraduate ako. Tapos malalaman ko na nililigawan mo na pala siya?
Ong Seongwoo: Tapos nung hindi ka niya sinagot, naghintay ako ng tamang oras para kausapin siya, nung nag-mall tayo, nakita ko si doyeon kasama yung tatlo niya pang kaibigan. Lalapit sana ako kaso wala eh, nakita mo din sila kaya sinundan mo. Sabi mo pa samin nun may bibilhin ka lang.
Ong Seongwoo: Edi naghintay ulit ako hanggang sa in-add ko na siya. Matagal ko ng alam fb niya, ayoko lang siya iadd ng hindi pa ako handa na makipag-usap.
Ong Seongwoo: So ayun, kinausap ko siya. Tapos mga ilaw araw nagyaya si daehwi lumabas, sumama ako kasi kasama siya. Hindi mo alam na kasama siya kaya hindi ka sumama diba? sasabihin sana nila woojin at jihoon buti nalang natakpan ko agad bunganga nung dalawang yun, gusto ko lang siya makasama ng malapitan ng wala ka sa paligid.
Ong Seongwoo: kaso nung kaharap ko na siya di ko na alam sasabihin ko. Buti nalang naisipan nila daehwi na iwan kami kung hindi nila ginawa yun edi hindi pa din kami close hanggang ngayon.
Ong Seongwoo: Lagi na kaming magkausap. Komportable na siya sakin, ganun din ako sakanya. Binigay niya na number niya sakin. Okay na nga lahat eh. Kaso, yan ka nanaman. Sumingit ka nanaman.
Ong Seongwoo: hindi ko alam kung dapat bang ipaglaban ko yung nararamdaman ko o magparaya nalang ng tuluyan kasi kaibigan kita?
Kang Daniel: Sorry hyung...
Kang Daniel: Hindi ko naman alam eh.
Kang Daniel: pero sorry din kasi seryoso ako sa panliligaw ko kay doyeon, at hindi ako susuko kahit anong mangyare.
✔SeenKang Daniel logged out
BINABASA MO ANG
I'm Rome-Ong! | 옹성우 [✔]
Fanfic[Ong Seongwoo sent you a friend request] --- [Ong Seongwoo added you on Messenger] ☆ epistolary ☆ seongwoo x doyeon/you ☆ completed [✔] ••• Date started: 06/14/18 Date ended: 10/01/18