Lapit na matapooooos minamadali ko na talaga bago pa ko maging busy ulit hikhok
___
After 5 months...
"HOY, ONG SEONGWOO!"
"Yes, Juliet ko?"
"Kinain mo yung ice cream koooo?" Naka-pout na sabi ni Doyeon kay Seongwoo, pero nakakunot pa din ang noo niya kaya hindi mo alam kung iiyak ba siya o naiinis.
"Nope. Hindi ako~" Sabi niya at hinila si Jihoon at Woojin. "Itong dalawang 'to ang salarin." Umiwas naman ng tingin yung dalawa.
Ngumiti naman ako. "Ay, kayo ba? Okay lang. Akala ko si Ong eh." Nanlaki naman mata ni Ong sa sinabi ni Doyeon sabay binitawan si Jihoon at Woojin, inasar nila pareho si Ong at tumakbo na palayo. Sumama naman tingin ni Doyeon kay Ong. "Ba't hindi mo sila pinigilan?!"
"Ang hinhin-hinhin mo dun sa dalawa tapos sa'kin galit na galit ka nanaman. Labo mo din eh." Sabi ni Ong kay Doyeon. "Siguro..." umakto namang nagulat si Ong at tinakpan ng kamay niya yung bibig niya. Napa-kunot naman yung noo ni Doyeon. "Siguro buntis ka kaya highblood ka sa'kin 'no? So, tatay na ako?"
Napairap naman si Doyeon. "Hindi pa nga tayo eh, wala ding nangyayari sa'tin kaya 'wag ka ngang mag-imagine ng mga ganyan. Nakakakilabot ka." Nag-walk out si Doyeon at patagong ngumiti. Kinikilig talaga siya, yun ang totoo.
"May "pa", so may balak ka pa din talaga akong sagutin, diba? So, in the future, magkaka-anak pa din tayo!" Sigaw ni Ong kay Doyeon. Hinarap naman siya ni Doyeon at sinenyasan na 'wag siyang maingay at naglakad ulit palayo. Natawa naman si Ong.
___
Kim Doyeon
Nagsi-datingan na yung ibang inbitado, specifically, yung tropang "Wanna one". Birthday kasi ni Ong kaya naisipan naming mag-dinner ng sama-sama, ayaw niya daw ng bonggang party, basta daw kumpleto yung Wanna One at kasama ako, masaya na daw siya. Ang corny, diba? Pero ang sweet hihi
Nagsama-sama na kami sa hapag-kainan ang nagsimula nang kumain na may halong kwentuhan, asaran at tawanan. "Tapos naalala niyo ba nung umutot si Jaehwan nung nasiraan tayo ng kotse? Walang aircon, ang init-init, kulob tapos biglang umutot 'tong lalaking 'to. Napaka-baboy talaga." Kwento ni Sungwoon, binatukan naman siya ni Jaehwan dahilan para magsitawanan kami.
Madami pa silang kwentong magpapasakit talaga sa tiyan mo. Inexpose nila ng inexpose yung isa't isa.
"Noona." Tawag sa'kin ni Guanlin. Napatingin naman sakanya yung lahat, hindi lang ako. Sabi ko na nga ba bet di maging noona netong mga 'to eh AHAHAHAHA charot! "Kailan mo ba balak sagutin si hyung?"
Natawa naman ako ng mahina. "Oo nga. Kailan nga ba?" Pahabol na tanong ni Daehwi.
"May balak ka bang sagutin si hyung?" Tanong ni Jinyoung dahilan para batuhin siya ng tissue ni Ong.
Ngumiti lang ako. "Hindi ko naman siya sasagutin." Natahimik ang lahat sa sagot ko. Nakatingin lang sila sa'kin at halata mong nagulat sila sa sinabi ko. Tumingin naman ako kay Ong na ang lungkot ng mukha. "Kasi kami na." Sabi ko habang nakatingin pa din kay Ong. Napansin ko kung paano nag-iba yung emosyon niya kaya natawa ako dahil sa kacute-an niya.
"Ha?!" Sabay-sabay nilang sabi.
"Kailan pa? Bakit hindi namin alam?" Tanong ni Daniel. Nag-"oo nga" naman yung ibang members.
Nagkibit-balikat lang ako. "Ubusin niyo na pagkain niyo. Puro kayo chismis eh." Umakto namang kinikilig ang lahat, maliban kay Ong Seongwoo na parang naparalyze na ewan. Masyadong shookt.
Pagtapos naming kumain ay pinaglaro ko muna yung iba sa labas. Gusto daw nila mag-laro eh. Parang mga kinder. Tapos ako, inayos yung table na pinagkainan namin.
"Doyeon." Napalingon naman ako sa kanan ko. "A-ano yung ano...yung kanina?" Nauutal niyang tanong.
Umakto naman akong hindi ko gets yung tanong niya. "Anong kanina? Anong "ano"?"
"Ang ibig kong sabihin ano, anong ano, anong ibig sabihin nung ano..."
"Oo. Malalaman ko talaga kung anong ibig mong sabihin." Sabi ko.
"Anong ibig sabihin nung kanina? T-tayo na? Tayo na ba? P-paano?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Oo. Bakit? Ayaw mo ba? Sige pwede namang bawi-" Pinutol niya naman yung sinasabi ko gamit ang napaka-powerful niyang bear hug.
"Hindi, hindi. Ayoko. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Ang unique naman kasi ng way ng pag-sagot mo sa manliligaw mo." Sabi niya habang nakayakap pa din sa'kin.
Humiwalay naman siya sa yakap pero nakahawak pa din siya sa balikat ko. "Syempre. Ako pa ba? Hindi naman pwedeng um-oo lang ako out of no where 'no? Tsaka, napatunayan mo na ng ilang beses yung sarili mo sa'kin, mutual naman yung feelings natin. Mahal kita, mahal mo ako. Pabebe lang talaga ako kaya umabot ka ng ilang buwan sa panliligaw." Natawa naman kami pareho sa sinabi ko.
Nang tumigil kami sa pagtawa ay nagkatitigan kami. Nilipat niya yung hawak niya sa may hips ko at hinila ako palapit dahilan para magdikit ang labi naming dalawa.
Ngumiti naman ako at humawak sa magkabila niyang pisngi.
"Noona, may water b- Oh sh- sorry!" Si Guanlin yun for sure. Kawawa naman. Humiwalay na kami sa pareho kasi alam kong we're both out of air.
"Nakita ata tayo ni Guanlin." Sabi ko kay Ong.
"Hayaan mo na. Malaki na yun." Sabi niya at natawa naman kami pareho. "You're now officially Rome-Ong's Juliet." Sabi niya sa'kin ng nakangiti.
"And you're now officially Juliet's Rome-Ong." Nakangiti ko ding sabi.
"I love you, My Juliet."
"I love you, My Rome-Ong."
____
The end
CHAROOOT AHAHAHAHAHAHA may pahabol pang slight na kaekekan nila so ayun joke time muna AHAHAHA
BINABASA MO ANG
I'm Rome-Ong! | 옹성우 [✔]
Fanfic[Ong Seongwoo sent you a friend request] --- [Ong Seongwoo added you on Messenger] ☆ epistolary ☆ seongwoo x doyeon/you ☆ completed [✔] ••• Date started: 06/14/18 Date ended: 10/01/18