39 - Narration

17 0 0
                                    

Ong Seongwoo

Bibitawan ko muna sana phone ko para humiga at mag-isip kaso naramdaman kaso biglang nag-ring yung phone ko kaya tinignan ko kung sinong tumatawag.

Nanlaki naman mata ko nung mabass ko yung pangalan nung tumatawag.

My Juliet is calling...

"Bakit kaya siya tumatawag?" Sabi ko sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot.

-


[Seongwoo]
[Doyeon]
-

"Hello?"

"Hi seongwooooo"

"Pfft bakit? Saya mo ata." Kasi nililigawan ka ulit ni Daniel? Napa-iling naman ako sa naisip ko. Masyado akong advance mag-isip.

"Ha? Di naman. Ano kasi, may itatanong lang sana ako sayo."

"Sige. Ano yun?"

"Ano kasi...uhm..."

"Anoooooo?" Natatawa ko namang tanong sakanya.

"Ano...gusto ko lang sana malaman kung ano..."

"Kung? Kung anong kulay ng brief ko ngayon? Teka...silipin ko."

"HOY! Kadiri ka talagang nilalang ka! Hindi ako interesado sa kulay ng brief mo!"

"Okay. Chill. Wag mo akong sigawan, ang sakit sa tenga."

"Ay! Sorry, sorry."

"Ano ulit gusto mong itanong?"

"Ay! Yun, ano kasi, gus...gusto..."

"Gusto? Ng ano?"

"Gusto mo ba....ak- NG ICECREAM?"

"Ha? Teka, ang biglaan naman ata. 10 pm na eh."

"Ay ahaha ayaw mo ba? Sige. Babyeee-"

"Hindi! Sige. Kain tayong icecream. Sunduin kita diyan sainyo."

"Sige sige. Magbibihis lang ako. Ingat! Byeee~"

"Salamat! Byeee~"

*toot* *toot* *toot*

Pagbaba ko ng phone ko napangiti naman ako. Ito na yung right time para tanungin ko siya. Huminga naman ako ng malalim. Kaya ko 'to.

Nagpalit lang ako ng tshirt at kumuha ng jacket. Kinuha ko na yung susi at binulsa ko na yung phone ko. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Jisung hyung.

"Oh? Saan ka pupunta? Anong oras na ah?" Sunod-sunod na tanong niya sa'kin.

Nginitian ko lang siya. "Kay Juliet. Sige na hyung, aalis na ako." Sabi ko at tinap yung balikat niya.

I'm Rome-Ong! | 옹성우 [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon