Prologo

15 2 0
                                    

Filipinas 1896

Si Clara Diwa ay isang dalagang indio na nababalot ng ganda, kabaitan at pagmamahal para sa Inang Bayan. Sa edad na bente ay naging kasapi siya ng isang kilusan na Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Siya ay isa sa mga babaeng kasapi na tagatago ng mga pribadong dokumento ng organisasyon.

Gabi ng ika-30 ng Hunyo 1896 noon nang bumisita ang isang matipuno, makisig at matapang na binata sa bahay ng tiyuin ni Clara na si Ladislao Diwa. Ang matipunong binatang ito ay walang iba kun'di si Diego de Lucas. Kababata pala ni Diego si Lorenzo Diwa at ang kapatid nitong si Clara. Natuwa si Clara nang malamang magiging kasapi na rin si Diego ng Katipunan.

Si Diego pala ay may kasintahan ngunit siya ay nabigo. Sa pagkaulila ni Diego sa nobya, si Clara lamang ang naging kakampi niya.

Isang gabi, habang nagtatangis si Diego dahil sa nobya niya ay nagpakalasing siya sa gubat. Hinanap naman siya ni Clara at agad na natagpuan. Sa pagkakataong ito ay inagtapat ni Clara ang nararamdaman niya para kay Diego. Dahil sa pagbugso ng damdamin at dala na rin ng kalasingan ay nangyari ang hindi inaasahan.

Lumipas ang mga araw at nahuli ng mga Espanyol si Diego kasama ang ilan pang mga kasapi ng Katipunan; hindi nagtagal ay ipinapatay na si Diego.

Lingid sa kaalaman nila na si Clara ay nagdadalantao na at si Diego ang ama ng bata sa sinapupunan. Agad namang nalaman ito ni Renata Esperanza, isa ring Katipunera at matalik na kaibigan ni Clara.

Binalita nila ang lahat sa kapatid ni Clara na si Lorenzo. Inutusan ni Lorenzo ang isa pa niyang katapid na lalaki na si Emilio Diwa na dalhin si Clara at Renata sa Barrio Baron.

Tumungo sila sa isang mapayapa at maliit na barrio sa Kabite at duon nagsimula ng bagong buhay. Nag-isang-dibdib na rin sina Emilio at Renata at bumoo ng isang pamilya.

Ika-16 noon ng Abril 1897 nang isilang ni Clara ang isang sanggol na babae at pinangalanan niya itong Milagros.

Hindi nagtagal at nakahanap din ng nobyo si Clara. Isang mestizo na si Matias Carlo de Santa. Sa una ay ayaw pumayag ng mga magulang ni Matias na ipakasal ang unico hijo nila sa isang babaeng may anak na. Ngunit dahil sa labis na pagmamahal ni Matias para kay Clara ay ikinasal sila ng lihim.

Nadagdagan ang supling ni Clara dahil nabiyayaan sila ni Matias ng anak na lalaki na pinangalanang Camilo.

Nadagdagan pa iyon at ipinanganak pa ang isa pang lalaki na tinawag nilang Joaquin. Nagkaroon din ng isa pang batang babae na pinangalanang Dolores.

Sa pagluwal ni Clara sa panlimang anak nila na si Santino ay nawalan siya ng buhay. Dahil dito ay naging malupit si Matias sa kaniyang mga anak, naging lasenggo at nahilig sa bisyo. Bilang panganay ay nagtrabaho si Milagros sa maagang edad.

A/N: Salamat sa pagbasa ng Prologo! Don't worry, I will take you all the way back to circa 1916, kung kailan sakop pa ng Estados Unidos ang Pilipinas.

The book cover - Courtesy of Justiniano Asuncion's Tipos del Pais
The Chapter Display Photo - Mother and Children by Fernando Amorsolo (1941)

Mga Bulaklak Para Kay MilagrosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon