Kabanata VI

5 0 0
                                    

"Jaque mate, pinsan," saad ni Pacifico, "Wala nang ibang tatahaking landas ang hari kundi ang matalo."

"Pangal'wang pasada na 'to, Pacifico! Aba't ang galing mo pala sa larong ito!" pagpuri sakaniya ni Ildefonso habang naglalaro ng ajedrez (chess) sa kanilang azotea.

Alas tres na ng hapon at tumutugtog sa kanilang disco de gramofono ang isang tresillo habang panay ang biruan at laro ng mag-pinsan.

"Sa susunod, pagbibigyan na kita, Ponsing."

"Bueno, inaasahan ko iyan," sabi ni Ildefonso. Sinimulan na ni Pacifico ang pagligpit ng nilaruang juego de ajedrez (chess set). Natanaw ni Ildefonso ang pahayagan na nakapatong sa mesa at kinuha ito.

Ang nakatalang petsa sa pahayagan ay Agosto 30, 1916, noong nakaraang Miyerkules. Pambungad sa unang pahina nito ay ang isang artikulong nakalimbag sa wikang Ingles na nagsasabing idineklara na ng Estados Unidos ang soberaniya sa Pilipinas.

"Pakinggan mo, Pacifico! It is, as it has always been, the purpose of the people of the United States to withdraw their sovereignty over the Philippine Islands and to recognize their independence as soon as a stable government can be established therein.* Ibig-sabihin ba niyan ay malaya na talaga tayo?" usisa ni Ildefonso.

"Ayon naman sa binasa mo ay maaaring tama ka. Ang kondisyon lamang diyan ay basta't mayroon nang matatag na pamahalaan ay ibibigay na saatin ang kasarinlan," pagsang-ayon ni Pacifico.

"Mabuti naman. Sabi pa rito ay heto: The law places executive power in the Governor General of the Philippines, appointed by the President of the United States. Although, this establishes a bicameral Philippine Legislature to replace the elected Philippine Assembly (lower house) and appointive Philippine Commission (upper house) previously in place."

"Hmm, gobernador heneral nga pala ulit? Parang noon lang. At saka ang mga senador, purong Pilipino dapat at ihahalal hindi ba?"

Binasa ulit ni Ildefonso ang pahayagan at tumango, "The Filipino House of Representatives will be purely elected, while the new Philippine Senate will have the majority of its members elected by senatorial district with senators representing non-Christian areas appointed by the Governor-General."

"Ah, oo mabuti."

"Siya nga pala, marami nang pag-aalsa laban sa Estados Unidos ang aking nababalitaan. Siguro ay dapat maulit ang ginawa ng mga dakila noon."

"Ano ba ang ibig mong sabihin?"

"Ang rebolusyon, Pacifico," ang sabi ni Ildefonso at saka tumayo mula sa pagkakaupo.

"Ah, oo, tulad ng ginawa ni Rizal, tahimik ngunit epektibo. Lubos akong sumasang-ayon," sagot naman ni Pacifico.

"Rizal? Pinsan, ang aking tinutukoy ay ang himagsik ni Bonifacio," ani Ildefonso habang tinatanaw ang kalangitan.

"Aba't mas nanaisin mo bang idaan sa karahasan ang kabayanihan sa halip na pukawin muna ang diwang makabayan?" pagkuwestiyon naman ni Pacifico.

"Pacifico, makinig ka, matagal nang napukaw ang damdaming makabayan ng mga Pilipino. Ang kailangan natin ngayon ay kumilos. Tapos na ang panahon para sa paglimbag ng mga nobela. Sa ngayon, mas pipiliin ko ang rebolber kaysa pluma."

"Dahas, kung gayon. Ngunit, kakampi natin ang Estados Unidos. At gaya nga ng ating nabasa kanina lamang, binibigay na saatin ang kalayaan," napailing-iling si Pacifico sabay tinabihan ang kaniyang pinsan.

"Patikim lang iyon, pinsan. Hindi ako magtitiwala sa mga manlulupig na iyan."

"Mawalang-galang na ngunit hindi mo ba naintindihan ang pahayagan? May sarili na tayong gobyerno."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Bulaklak Para Kay MilagrosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon