Ami's POV
pagkatapos ko madapa dapa, nakarating din kami sa jollibee... =_=
pero etong kasama ko natatawa pa rin. psh
"kasiii~~~" sabi klo sabay pout.
natawa naman siya tapos bigla na lang nagtanong na...
"sino nga ba crush mo, Ami?"
muntik ko na siya mabugahan... nabilaukan pa ako sa iniinom ko.
"h-huy! ayos ka lang?" sabi niya tapos lumapit sakin tsaka hinimas-himas yung likod ko.
"*cough* *cough* o-oo okay lang ako..." sabi ko tapos uminom.
"anyare sayo?" sabi niya.
"ikaw kasi... bakit ka naman nagtanong ng ganun out of the blue?" sabi ko..
"wala lang... ngayon ko lang napansin kasi na hindi mo pa sinasabi sakin kung sino crush mo... actually... now that i think about it... you never told me anything..." sabi niya.
patay! pano na? hindi ko naman pwedeng sabihin na ' kasi ikaw lang ang lalaking nasa puso ko.' no way... pero anong gagawin ko?!
"so... sino? sino crush mo?"
"change topic." sabi ko.
"no. answer me first." sabi niya.
"ayoko." sabi ko.
"tell me."
"no."
"tell me."
"ayoko nga."
"eeehhh. tell me."
"antigas ng ulo mo. sab ng no eh." sabi ko.
"psh.. si Tristan ba?" sabi niya. and again nabilaukan na naman ako.
"oh! nabilaukan ka nanaman? puro ka disgrasya ngayon ah?" sabi nia habang hinihimas ang likod ko.
"*cough* bakit *cough* mo naman nasabi na si Tristan ang crush ko?" sabi ko. parang namula naman siya. hala? bakit?
"erm.. ahem.. w-wala naman.. naisip ko lang..." sabi niya tapos tumungo. anyayare dito? nagseselos kaya siya?.... one word... ASA.
"bakit mo nga naisip na si Tristan ang crush ko?" eh ikaw lang naman ang crush ko. di nga lang crush eh.. mahal.
"w-wala naman... tara na! baka magbell na eh." sabi niya tapos tumayo na. tumayo na din ako tapos nagsimula na kami maglakad papuntang room.
"uhm... ami... may sasabihin ako sayo..." sabi niya.
"hm? anu yon?" sabi ko.
Christian's POV
"uhm... ami... may sasabihin ako sayo..."
sasabihin ko na sa kanya na nanliligaw na ako kay Andy.
"hm? anu yon?" sabi niya tapos tumingin sakin.
"ah... kasi..." sabi ko. ba't parang di ko masabi? tumitig siya sakin. nagkatitigan kami.
dugdug. dugdug. dugdug.
ah? bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
umiwas muna ako ng tingin tapos tumingin ulit ako. pero di parin nawawala ang bilis ng tibok ng puso ko. tch. pabayae na nga. sasabihin ko na kay Ami.
"Ami.. kasi--"
"hi Ami." naputol ako nang may biglang sumulpot na lalaki kaya napatingin kami sa kanya.
"oh. Mioh. bakit?" sabi niya habang nakangiti. tch! makangiti ka ah!
"uhm... para sayo." sabi niya tapos binigyan si Ami ng Boquet.
"ha? thank you... uhm.. para san to?" nakangiti niya pa ring sambit. helo? andito pa ako? tss.. dumating lang yang miohnggoloid na yan eh. di hamak naman na mas gwapo ako kesa sa kanya.
"uhm... kasi... pwede ba akong manligaw...?" sabi niya tapos namula. nagulat naman si Ami. kapal naman ng mukha nitong miohnggoloid na to. tss..
teka. bakit ba ako naiinsecure sa miohnggoloid na toh?! tss. nababaliw na ata ako eh...
"uhm... mioh... kasi--" hindi natapos ni Ami ang sinasabi niya... dahil bago pa siya matapos at bago ko pa namalayan... nagsalita na ako.
"hindi pwede. Ami, Halika na. may gagawin pa tayo." tapos hinawakan ko ang kamay ni ami... parang nakuryente ako... bakit ganto ang pakiramdam ko? pati rin nung tinulungan ko siya tumayo... para akong nakuryente... hinila ko siya papunta sa room.. at iniwan doon si miohnggoloid na nakatayo lang habang sinusundan kami ng tingin...
pagkarating naman namin sa room..
"uy guys. makinig kayo.." sabi ng Class president namin.
"magkakaroon daw ng play sa last day ng foundation day." oh? haha. nice. sino kaya ang magiging bida? 1 week ang foundation day namin eh.
"ang story is... Romeo and juliette."
"woaaahh... haha. nice." sabi ko. haha.
"si Romeo ay si... Tristan... while si Juliette ay si... Ami."
"what?!" sabay naming sigaw ni Ami
BINABASA MO ANG
my best friend, my boyfriend
Teen FictionSi Ami ay ang Best friend ni Christian. magkababata sila at magkaklase simula gr.2. mahal na mahal ni Ami si Christian pero hindi pa ito alam ni Christian. dahil bukod sa manhid ito, may iba itong napupusuan.. ngayong 2nd year college na sila mas lu...