Chapter 10

6.8K 134 8
                                    

ELISE POV 

Pagmulat ko ng aking mga mata. Wala na naman yung katabi ko. Dumiretso na lang ako ng banyo upang gawin ang aking mga ritwal. Mag iisang linggo na simula nung tumira kami dito sa condo niya. Ayaw ko nung una pero mapilit siya at nakakatakot pa naman yun pag nagalit kaya wala na akong nagawa kundi sumunod. 

Pagkababa ko naamoy ko kaagad ang mabangong amoy ng sinangag at ulam. 

Kain na sabi niya at todo ngiti pa. Hindi niya ba alam na tuwing nakikita ko mukha niya nawawalan ako ng gana?! Kaya instead na kumain ako nilaro- laro ko na lang ang pagkain na nilagay niya sa plato ko.

Ako naglalaro ng pagkain habang siya naman nagbabasa ng dyaryo. Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sa'kin . Ba't dika pa kumakain ? Ayaw mo ba? buong paglambing na tanong niya sa'kin tinaasan ko lang siya ng kilay . Elise! kumain kana ayan ang kinaiinisan ko sa kanya .. kinokontrol na naman niya ako . 

Paki mo ba pabalang kong sagot sa kanya habang nakatutok ang mata ko sa pagkaing nilalaro ko. 

Nagulat na lang ako ng hinampas niya ang mesa at pumunta sa kwarto namin. Pabalibag niya ring sinara ang pinto. 

Napabuntong hininga na lang ako . Laging ganito ang nangyayari sa amin . Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa tuwing pinipilit kong makipag ayos sa kanya. Makita ko lang mukha niya bumabalik sa'king mga alaala ang pinaggagawa niya sa'kin. 

Pagbaba niya nakaayos na siya ng pang opisina. Magkasalubong pa rin ang kanyang mga kilay nakakatakot talaga ang mukha niya. 

Darren tawag ko sa kanya bago si makalabas ng unit.

Ano ?! Lumapit ako sa kanya at inayos ang kanyang medyo magulong neck tie.

Dahil sa mejo matangkad siya tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi na siya namang kinagulat niya .. 

Yumuko na lang ako at sinabi ang mga katagang mas lalong ikakagulat niya . 

I'm sorry Darren .. Ingat ka .

Sabing Akin Ka Lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon