Disclaimer:
Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented, including xerography, photocopying and recording, or in any information storage or retrieval system is forbidden without the permission from the author.
All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author and all the incidents are merely invention.
Prólogo:
October 28, 2005
"Kuya Alejandro, pagbigyan mo na ako!"
Mariin akong umiling bilang sagot. Hindi ko pagbibigyan ang trip ng pinsan kong si Celestine. Gusto kasi niyang gawin ang isang paniniwala na pagsapit ng alas doce ng gabi ay humarap sa isang salamin habang may hawak na kandila. Sa pamamagitan daw kasi nun ay makikita ang taong magiging kabiyak habangbuhay. Bakit ba niya naisip 'yan?
Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa ng Philippine Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Nag-a-advance reading ako para alam ko na ang mga pag-aaralan namin dahil ayokong maliitin ako ng mga kaklase ko. Sa edad na quince ay nasa third year college na ako. Ilang beses kasi akong na-accelerate. Bachelor in Public Administation ang kursong kinukuha ko at pagka-graduate ay maglu-law naman ako. I want to be the president of the Philippines in the future. At bilang future administrator, dapat ay hindi ako nagpapaniwala sa mga ganoong klaseng superticious beliefs.
"Kuya!"
"Please, Celestine Navarozza Eustaquio, shut up. Can't you see? I'm busy right now."
"Pwede mo namang ipagpatuloy 'yan mamaya. Sandali lang naman ito. Look, malapit na mag-twelve ng gabi." sa way ng pakikipag-usap niya sa akin, aakalain ng kung sinuman na kasing edad ko lang si Celestine kahit eight years old pa lang siya. Minsan naniniwala na ako na mabilis talaga mag-accelerate ang isip naming mga Navarroza.
Hindi ko siya pinansin. Ginuhitan ko ang isang unfamiliar word para sa akin. Mamaya ay isi-search ko iyon sa internet.
"Kuya Alejandro, bihira na nga lang tayo magkita tapos ayaw mo pa akong pagbigyan."
"Nagkataon kasing busy ako sa pag-aaral kaya hindi kita mapagbigyan. Matulog ka na tapos bukas ay sasamahan kitang mangabayo." alam ko na gustong-gusto ng pinsan ko na mangabayo kaya iyon ang magandang offer kay Celestine para manahimik ito at hindi na ako guluhin. Bihira lang kasi siyang bumisita sa hacienda kaya lahat ng gusto niya ay pinagbibigyan ko. Sadyang busy lang talaga ako ngayon kaya hindi ko siya mapagbigyan.
"Sasabihin ko kay Papsi na ang gift ko sa'yo sa Christmas ay Philippine Civil Law book basta pagbigyan mo lang ako."
Napatigil ako sa pagbabasa. Tama ba ang narinig ko? Reregaluhan ako ni Celestine ng Philippine Civil Law book basta pagbigyan ko lang ang gusto niyang gawin ngayon? Nilingon ko si Celestine. "Seryoso ka?"
BINABASA MO ANG
La Señora desde el Espejo
Historical FictionIsang babae ang naging dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi nagkaroon ng nobya si Alejandro. Nakita niya ang dalaga sa isang litrato at sa repleksyon ng salamin noong may sinagawa silang ritwal ng kanyang pinsan. Ang masakit lang ay matagal nang...