Capitulo Treinta y Dos
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Una'y malabo ang aking paningin hanggang sa luminaw na ito at nakita ko na ang mukha ni Alejandro. Malalim akong bumuntong hininga. Isa lamang palang panaginip iyon. Akala ko'y bumalik ako sa pinanggalingan kong panahon.
Pero parang totoong naroon ako.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Alejandro sa akin.
Nilibot ko ang aking paningin. Nasa loob pala ako ng kotse. Muli akong napabuntong hininga. Limang araaw na ang nakalipas nang mabaril si Alejandro habang nasa kalagitnaan kami ng pangangampanya nila sa Batangas. Agad naman siyang nakalabas sa ospital. Nais ko ngang doon muna siya magpagaling ngunit pinilit niyang dito na lang sa bahay magpagaling.
Ngayong ang araw ng eleksyon at sinama ako ni Alejandro papunta sa napili nilang lugar para sa paghihintay sa update ng bilang ng boto. Simula nang umuwi kami naging sobrang dami na ang nagbabantay sa amin. Labis-labis ang pag-aalala ng aming mga magulang dahil sa nangyari. Mas lalonh naging mahigpit ngayon si Alejandro. Nauunawaan ko naman kung bakit siya ganito. Para naman ito sa kaligtasan ko at ng magiging anak namin.
"Victoria?"
Nilingon ko si Alejandro at sunod-sunod na tumango. "Malayo pa ba tayo?" Sandali akong sumilip sa labas.
"Malapit na tayo."
Tumango na lamang ako at muling tumingin sa labas. Muling bumalik sa aking isipan ang tungkol sa aking panaginip. Para talagang nadoon ako habang nagtatalo si Mama at si Manuel. Ngayon lang muli ako nanaginip tungkol sa kanila. "Alejandro..."
"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?"
Napangiti ako at kaagad ding umiling. "Hindi ako nagugutom at hindi rin masama ang aking pakiramdam." Matamnam akong pinagmasdan ni Alejandro. Huminga ako ng malalim. "N-Napanaginipan ko ang aking mama at si Manuel." Napalitan ng labis na takot ang mukha niya at biglang hinawakan ang aking kamay. "Huwag kang mag-aalala. H-Hindi naman ako maglalaho. Gusto ko lang malaman mo kung ano ang nasa panaginip ko."
Bumuntong hininga siya bago tumango. Simbolo na ikwento ko na ang tungkol sa aking panaginip.
"Nagising ako na nasa loob ako ng aking silid. Laking gulat ko dahil nadoon ako kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas ko, bumungad sa akin sina Mama at Manuel na nagtatalo tungkol sa binibining nais nila ipakasal sa kapatid ko."
"Ano ang sumunod na nangyari?"
"Sinabi ni Manuel na ayaw niyang makasal sa babaeng hindi naman niya mahal at..."
"At?"
"At hindi na raw siya nagtataka kung bakit ko sila iniwan. Sigurado raw siya na masaya na ako ngayon."
Humigpit ang pagkakahawak ni Alejandro sa aking kamay. "Siguro naramdaman niya na masaya ka na ngayon kaya nasabi niya iyon. Pinaglalaban niya rin ang alam niyang magpapasaya sa kanya."
"Pero..."
"Pero? Huwag ka na mag-isip ng kung anu-ano, Victoria. Hindi iyan makakabuti sa inyo ng anak natin."
"Pero, Alejandro, pakiramdam ko nandoon din ako ng mga oras na iyon."
"Iniisip mo lang iyon. Hindi ba nandito ka ngayon sa tabi ko? Kaya hindi totoo iyon." Ngumiti siya sa akin kaya gumanti na rin ako ng ngiti. Magaan niya akong hinalikan sa pisngi.
"Senator, Ma'am, nandito na po tayo."
"Huwag mo na lang isipin ang tungkol sa panaginip mo. Mag-focus ka na lang sa health mo at ng magiging baby natin."
Muli akong ngumiti bago tumango. Naunang lumabas ng kotse si Alejandro at binagbuksan niya ako ng pintuan. Mga reporter ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng kotse. Marami silang tanong na hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Mabuti na lang at naharangan sila ng mga bodyguard namin. Tuloy-tuloy kaming pumasok sa isang stadium. Mukhang magiging matrabaho ang gagawin ng mga tauhan ni Alejandro. Maski siya mismo.
BINABASA MO ANG
La Señora desde el Espejo
Historical FictionIsang babae ang naging dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi nagkaroon ng nobya si Alejandro. Nakita niya ang dalaga sa isang litrato at sa repleksyon ng salamin noong may sinagawa silang ritwal ng kanyang pinsan. Ang masakit lang ay matagal nang...