Capitulo Quince

3.2K 148 11
                                    


Capitulo Quince



Hatinggabi na ngunit hindi ko magawang matulog. Hindi ako mapalagay sa sinabi ni Celestine. Hindi ko mawari kung bakit magkakagulo ang lahat kapag hindi ko sinunod ang nais ni Glenda. Ano bang mayroon sa kanya? Huminga ako ng malalim bago tumayo. Paglabas ko ng aking silid ay katahimikan ang bumungad sa akin. Dahan-dahan akong bumaba upang hindi makagawa ng ingay.

Halos mapatalon ako sa gulat nang madatnan kong nakaupo sa harap ng pyano si Alejandro. "B-Bakit gising ka pa?"

Napalingon siya sa akin. "Hindi ako makatulog. Nakita ko sa labas kanina na bukas pa ang ilaw sa kwarto mo. Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Hindi rin ako makatulog." umupo ako sa tabi niya.

"Can you play piano for me, Victoria? Ang tagal na rin noong huli kitang narinig na tumugtog ng piano."

"Pero tulog na ang mga kasama natin dito sa bahay."

"Hayaan mo na. Magugustuhan rin naman nila na marinig kang tumugtog. Sige na, Victoria."

Ngumiti ako bago tumango. Hindi ko magawang tumanggi kay Alejandro. Nag-umpisa na akong tumugtog ng pyano. Moonlight Sonata ang napili kong tugtugin. Mayamaya ay naramdaman kong nakahilig sa balikat ko si Alejandro. Hinayaan ko lang siya at nagpatuloy akong tumugtog hanggang sa matapos ako.

Inabot niya ang kamay ko at magaan niyang hinalikan iyon. "Victoria."

"Hmn?" nag-umpisa na ulit akong tumipa sa pyano.

"May pag-asa ba ako sa puso mo?"

Napahinto ako sa pagtugtog. "Alejandro..."

Umayos siya ng upo. "Gusto ko lang malaman na may pag-asa ba ako sa puso mo."

Bumaba ang tingin ko. "Bakit mo tinatanong sa akin iyan? Hindi mo naman na ako kailangang ligawan pa dahil nand'yan na si Celestine. Maaari mo na siyang pakasalan dahil iyon naman talaga ang nais mo noong wala pa ako dito."

"Victoria, kaya ko lang naman nasabi iyon noon para hindi mahinto si Celestine sa pangarap niya. Hindi ko naman pinipilit na magpakasal kami. Suggestion ko lang din naman iyon sa kanila pero alam ko namang hindi pwede dahil legal ko siyang pinsan." hinawakan niya ang aking mukha. "Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang din ang nais kong pakasalan. Wala nang iba pa, Victoria."

Parang lumobo ang aking puso sa mga narinig ko kay Alejandro. Ngunit ayokong maniwala dahil alam kong masasaktan lamang ako. Bakit ngayon ko lang napagtanto na umiibig na ako sa binatang nasa harapan ko? Inalis ko ang kamay niya. "Tama na, Alejandro. Alam kong hindi naman talaga iyon ang nararamdaman mo sa akin. Hayaan mo, bukas ay aayusin ko na ang mga gamit ko upang makaalis na dito." tumayo ako at mapait na ngumiti. "Maraming salamat sa lahat, Alejandro."

Halos mapatili ako nang bigla niya akong hinila kaya napaupo ako sa kandungan niya. Hinawakan niya ako sa batok at siniil ako ng halik sa labi. Pinipilit kong lumayo sa kanya ngunit mas pinalalim niya ang kanyang jalik hanggang sa nagpatangay na ako at gumanti sa kanya. Naramdaman ko na labis nga niya akong minamahal. Naniniwala na akong totoo ang kanyang mga sinasabi.

Halos habol-habol ko ang aking paghinga nang pinutol niya ang aming halikan. "A-Alejandro..."

"Maniwala ka na sana sa akin na mahal na mahal kita, Victoria." hinaplos ni Alejandro ang aking pisngi. Kitang-kita ko sa mata niya kung gaano siya kasinseridad sa kanyang sinasabi at puno rin iyon ng pagmamahal. "Mahal na mahal kita."

Hinaplos ko rin ang kanyang mukha. "Mahal na mahal rin kita, Alejandro."

Nanlaki ang mata niya at muli'y hinalikan niya ako sa labi. "Totoo ba ang sinabi mo?"

La Señora desde el EspejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon