Capitulo Treinta y Cinco

2.1K 97 6
                                    



Capitulo Treinta y Cinco



Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "Señor Gabriel, masaya akong makita ka sa selebrasyon na ito."

Lumapit sa akin sa Señor Gabriel. "Natutuwa ako dahil may nakita na akong isang tulad ko na galing sa panahon ng nakaraan."

"Maski rin naman ako, Señor. Kumusta ka na?"

"Ito, masaya na sa buhay na mayroon ako lalo na ngayon na kasama ko na ang aking mag-ina."

"Mabuti naman kung ganoon. Nasaan pala si Keira? Kasama mo ba siyang pumunta rito?"

"Hindi ko siya kasama ngayon. Gusto niyang sumama ngunit sinabihan siya ng kanyang doktor na huwag munang lumabas ng bahay."

Tumango na lang ako. "Malapit na ang kabuwanan niya. Alam na ninyo ba kung ano ang kasarian ng inyong magiging supling?"

"Isang lalaki ang pinagbubuntis ni Keira. Labis ang aming saya ng malaman namin na lalaki ang kasarian ng sanggol. Kung ikaw ay payag, nais sana namin ni Keira na maging ninang ka ng aming unico hijo. Nahihiya kasi si Keira na ipaalam sa iyo ang tungkol dito. Maiintindihan ko na—"

Napakunot noo ako. "Bakit siya nahihiya na itanong sa akin kung nais ko bang maging ninang ng inyong anak?"

Tumikhim at huminga muna ng malalim si Señor Gabriel bago sagutin ang aking katanungan. "Dahil kay Señor Matias."

"Ano namang kinalaman ni Kuya Matias doon?"

"Dahil sa insidenteng nangyari noon."

Naintindihan ko ang ibig sabihin ni Señor Gabriel. Ngumiti ako. "Nais ko talaga maging ninang ng inyong supling dahil isang matalik na kaibigan ang tingin ko kay Keira."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Tiyak na matutuwa si Keira sa oras na malaman niya ito. Bueno, maiwan na kita dito, Señorita Victoria." Naglakad na ito papalayo sa akin.

"Señor Gabriel!" Nilingon niya ako. "Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ni Kuya Matias sa pamilya mo lalo na sa ginawa niya kay Luciana."

"Napatawad ko na siya, Victoria." Tinanguhan niya ako bago tuluyang umalis.

"Sino 'yon?"

Napalingon ako sa nagsalita. "Si Señor Gabriel Realonzo."

"Aaah! 'Yung asawa ni Keira."

Tinanguhan ko si Alejandro at bumalik ang tingin ko sa dinaanan ni Señor Gabriel. "Napatawad na niya si Kuya Matias. Sana'y mapatawad din ni Luciana ang kapatid ko."

"Alam kong mabuting tao ang kaibigan mong 'yon. I'm sure she already forgive him."

"Sana nga."


----


"Good morning, Mi Amor!" masiglang bati sa akin ni Alejandro at hinalikan niya ako sa pisngi. "Lets eat." Umupo sa katapat kong upuan si Alejandro at nag-umpisa nang kumain.

Pinagmasdan ko ang mga pagkaing hinanda ng mga chef dito sa Malacañang. Tiyak akong masasarap ang mga ito.

"Victoria."

Binaling ko ang tingin ko kay Alejandro. "Bakit?"

"Bakit hindi ka pa kumakain? Hindi mo ba gusto ang hinanda nilang pagkain?"

La Señora desde el EspejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon