Capitulo Treinta y Sais

2.2K 111 8
                                    



Capitulo Treinta y Sais



Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa opisina ni Alejandro. Dala-dala ko ang isang tray na may lamang pagkain niya para sa tanghalian. Ako ang nagluto ng ulam niya kaya tiyak akong matutuwa siya nito.

"First Lady, ako na lang po kaya ang magdadala ng tray. Baka nahihirapan na kayo—"

"Lyca, kaya ko naman. Hayaan mong ako ang magdala ng pagkain ng asawa ko."

"Pero baka nahihirapan na po kayo."

"Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako nahihirapan." Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang sekretarya ni Alejandro. Medyo naiinis ako sa kanya dahil sa hindi nito pagsabi kay Alejandro tungkol sa pagtawag ko.

"Good morning, Ma'am Victoria!"

Tiningnan ko ang wallclock. "Good afternoon, Mira. Baka pwede na akong makipag-usap sa asawa sa mga oras na ito?"

"I'm sorry, Ma'am, about what happened these past few days. Masyado lang po kasi akong natotorete sa mga trabaho ko ngayon kaya nakakalimutan ko na pong sabihin kay Mr. President ang tungkol sa pagtawag ninyo po. I'm so sorry po."

Matipid lang akong ngumiti. "Its okay."

"Ma'am, pumasok na po kayo sa loob." Si Mira pa mismo ang nagbukas ng pintuan para sa akin at naiwan naman sa labas si Lyca.

"Magandang hapon sa iyo, Mister."

Biglang umangat ang tingin ng napaka-busy kong asawa. Napangiti siya. "Victoria!" Tumayo si Alejandro at lumapit sa akin. Kinuha niya sa akin ang hawak kong tray. "Bakit ka napunta dito?" Magaan niya akong hinalikan sa pisngi.

"Masama bang dalawin ang aking asawa?"

Ngumiti siya sa akin bago umiling. "I'm planning to eat lunch with you, Mi Amor. Naunahan mo lang ako sa planong iyon." Pinaupo niya ako sa upuan. Inalis niya ang papeles sa kanyang mesa.

"Ang akala ko nga'y hindi ako papapasukin ng iyong sekretarya dahil daw ikaw ay sobrang busy." May halong inis sa boses ko.

"Victoria, hayaan mo na 'yong tao. Patawarin mo na. Hindi na niya ulit iyon uulitin."

Huminga na lang ako ng malalim. "Alejandro, sa susunod na buwan ba'y aalis ka ng bansa?" Pagbabago ko sa usapan namin.

"Parang oo. Titingnan ko pa ang schedule ko. Bakit?"

"W-Wala naman." Pilit akong ngumiti. Sa susunod na buwan na ang kabuwanan ko. Mukhang hindi matutupad ni Alejandro ang pangako niya sa akin noon na nasa tabi ko siya habang ako'y nanganganak.

"Kanina bago ako pumunta dito sa office, tiningnan ko ang nursery room ng baby natin. Ang ganda ng pagkaka-disenyo mo doon."

"Salamat."

"Pero dapat nag-hire ka na lang ng magde-design ng room para hindi ka napagod." Si Alejandro na ang nag-ayos ng kakainan namin.

"Mas gusto kong ako ang nagdisenyo ng magiging silid ng unica hija natin. Tinulungan naman ako ng mga criada dito kaya ayos lang."

"Ayoko lang naman na napapagod ka."

Ngumiti na lang ako at nag-usal na ako ng dasal. Naging masaya ang tanghalian ko ngayon. Nagkukwentuhan kaming dalawa habang kumakain. Parang katulad lang dati.

"Hayaan mo na dito ang pinagkainan natin. Ipapakuha ko na lang ito."

Tumango ako at magaan siyang hinalikan sa pisngi. "Ako'y aalis na para maipagpatuloy mo na ang iyong trabaho." Dahan-dahan akong tumayo. Napahawak ako sa likod. Ang hirap talagang kumilos. Naglakad na ako papalabas ng opisina niya at kinamalas-malas ay nahulog ang hawak kong panyo. Nahihirapan pa naman akong mag-abot ng gamit sa sahig.

La Señora desde el EspejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon