Capitulo Veinte-Sais
Nilibot ko ang paningin ko. Nasa park kami ng subdivision kung saan kami nakatira ni Alejandro. Ngayon lang niya ako nadala dito. Marami-rami ring tao na kung hindi naglalakad-lakad, tumatakbo o naglalaro. Nasa paligid lang din namin ang mga bodyguard na nagbabantay sa amin. Niyaya ako ni Alejandro na ma, pupunta siya sa iba't ibang panig ng Pilipinas upang mangampanya. Gusto kong sumama sa kanya kapag nangampanya na siya pero alam kong hindi niya ako papayagan dahil ako'y nagdadalang tao.
Pinaupo niya ako sa bench at hinawi ang buhok ko. "Hey, huwag kang malungkot. Sandali lang naman 'yon. Mga ilang araw then tapos na. Kaya huwag ka na malungkot. Okay?"
Pilit akong ngumiti bago tumango. Wala naman akong magagawa. Kailangang mangampanya ni Alejandro para dumami ang sumusuporta sa kanya. Kagabi nalaman ko na pati rin ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas, nasa kanya ang suporta nito. Unti-unting naaabot ni Alejandro ang kanyang pangarap at sana, matupad ito.
Tumabi siya sa akin at pareho naming tinitingnan ang mga dumadaan. Sinundan ko ng tingin ang isang pamilya na napadaan sa amin. Ang saya nila tingnan. Napahawak ako sa aking tiyan. Sana maging masaya kami katulad nila sa oras na mabuo ang aming pamilya. Nakakatuwa sigurong tingnan na ako at si Alejandro na hawak-hawak namin ang kamay ng aming supling habang naglalakad dito sa park.
"Excited na akong makita ang anak natin kaso matagal pa siyang lalabas." Nilingon ko si Alejandro.
Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang tiyan ko. "Sigurado akong excited rin ang baby natin na makita tayo."
Humilig ako sa balikat ni Alejandro. Naging mas masaya ang asawa ko nang malaman niyang nagdadalang tao ako. Nawala na ang lungkot niya dahil sa pagpanaw ni Celestine.
"Sa labas na lang tayo kumain para sa dinner natin. Ang tagal na rin noong huling kumain tayong dalawa sa labas."
Tumango ako. "Alejandro, nasaan na ang abuela mo? Nais ko sanang ipaalam sa kanya na magkakaapo na siya sa tuhod."
"Bumalik na si Lola Caridad sa Cebu."
"Ganoon? Sayang naman."
"Hindi nga nagpaalam na aalis na siya." Hinawakan niya ang kamay ko. "Kumusta na ang sinusulat mo?"
"Malapit ko na matapos." Napangiti ako. "Nalaman ko na may mga website para sa mga manunulat. Nagpatulong ako kay Mira na gumawa ng account sa napili kong online writing website. Tinuruan din niya ako kung paano mag-post doon. Nakakatuwa nga dahil marami akong mamabasang nobela sa website na iyon."
"Nakapag-post ka naman doon ng kwento?"
Tumango ako. "Ang kwento nating dalawa ang tanging maipo-post ko doon. Si Mira rin ang gumawa ng book cover kaya ang laki ng pasasalamat ko sa kanya. Kahit papaano'y may nagbabasa naman ng aking sinulat."
"That was good. May iba ka nang pagkakaabalahan pero huwag masyadong gumamit ng internet."
"Opo."
"Maglakad-lakad na ulit tayo."
Nasa baywang ko ang braso ni Alejandro habang kami'y naglalakad. Napapansin ko na kinukuhaan kami ng litrato. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa kaming kuhaan ng litrato. Bigla akong napakapit kay Alejandro. Umiikot ang aking paningin.
"Ayos ka lang ba, Victoria?" nag-aalalang tanong sa akin ni Alejandro.
"Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang."
BINABASA MO ANG
La Señora desde el Espejo
Fiksi SejarahIsang babae ang naging dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi nagkaroon ng nobya si Alejandro. Nakita niya ang dalaga sa isang litrato at sa repleksyon ng salamin noong may sinagawa silang ritwal ng kanyang pinsan. Ang masakit lang ay matagal nang...