Ika-21 ng Abril 2020
Mga minamahal kong mambabasa,
Lubos akong nagpapasalamat dahil umabot tayo hanggang dito. Sa loob ng Isang taon at pitong buwan na sinusulat ko ang nobelang ito, nandyan kayong sumusuporta sa kwento at sa akin din. Naging mahirap sa akin na isulat ang kwentong ito. Nand'yan na kulang ako sa ideya, walang inspirasyon at may pagkakataong down ako sa aking sarili. Salamat sa mga positibong mensahe mula sa inyo.
Ngayon ay masaya ako na natapos ko rin ang nobelang ito. Hindi ito isang liham ng pamamaalam kina Victoria at Alejandro dahil kahit tapos na ang istorya nila, hinding-hindi ko sila makakalimutan, katulad din nina Keira at Gabriel, at sina Celestine at Simoun.
Hindi ito ang huling Historical Fiction-Romance na isusulat ko dahil may mga isusulat pa ako. Marahil ay masabi ko ang mga pangalan nila sa mga story na ito. Hindi natin alam. Sana'y basahin ninyo rin ang mga ito. Pati na rin ang ibang genre na sinusulat ko :)
Muli'y maraming salamat. God bless you all!
Nagmamahal,
Azul
BINABASA MO ANG
La Señora desde el Espejo
Historical FictionIsang babae ang naging dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi nagkaroon ng nobya si Alejandro. Nakita niya ang dalaga sa isang litrato at sa repleksyon ng salamin noong may sinagawa silang ritwal ng kanyang pinsan. Ang masakit lang ay matagal nang...