ULTIMO ALBULARYO

947 31 3
                                    



PROLOGUE

sa isang malawak na kapatagan ay may nagaganap na pagpupulong ng mga nilalang na nakasuot ng balabal (cloak) at may nakataklob sa kanilang ulo at ndi mo makikita ang kanilang mukha, sa sobrang dami nila, aakalain mong nakatingin ka sa dilim dahil sa itim ang kasuotan nila at damit lamang nila ang iyong makikita.

Sa unahan ng mga nilalang na ito ay may naka-upong isang nilalang at ito ang kanilang pinuno, sa likod ng pinunong ito ay may labing-tatlong nilalang naman na nakatayo na tila ba mga rebulto dahil wala silang kagalaw-galaw, at sa harap naman ng mga ito ay may limang nilalang na nakaluhod.

"Panginoon, nakahanda na po ang ating mga mandirigma at mga kapanalig upang simulan ang pag-aaklas laban sa pamunuan, naghihintay na lamang po sila ng inyong utos upang lusubin ang mga ito" pag-uulat ng isang nilalang na nakaluhod "ang mga mangkukulam, aswang, at mga engkanto umanib na ba sila atin?" tanong naman ng pinuno "marami pa din po ang hindi nakiki-isa sa ating ipinaglalaban at naniniwala pa din sila sa alituntunin ng pamunuan hinggil sa karapatan ng mga mortal na tao, ngunit kung susumahin kalahati ng populasyon ng mangkukulam, aswang at ibang engkanto ay nahikayat na natin at nasa ating panig na" sagot naman ng nilalang.

"hmmm mabuti kung ganon, sa bilang natin ngayo'y nasisiguro ko na ang ating tagumpay, ipatawag lahat ng ating mga kapanalig nang sa gayon ay mailahad ko na sa kanila ating magiging hakbang sa nalalapit na digmaan!, panahon na upang wakasan ang buhay ng mga mortal at ng pamunuan! ahahaha nalalasap ko na tagumpay! ahaha! umalis na kayo" wika ng pinuno.

Sabay sabay naman sila yumuko upang magbigay galang sa kanilang pinuno "masusunod panginoon" sabay sabay din nilang tugon sa pinuno at bigla na lng sila nawala maliban sa pinuno at labin-tatlong nilalang sa likod nito. Pinalapit nito ang isa sa mga nilalang at nag-utos "Ulupong, pagpa-hingahin mo na sila maliban kay agila at lawin may paguusapan tayo" masusunod po pinuno sagot ni ulupong sa kanya. "maiwan kayo lawin at agila may sasabihin ang pinuno, at kayo magpahinga na kayo"utos naman ni ulupong sa mga kasama na agad din namang naglaho maliban sa dalawa.

At dumating na ang gabi ng salo-salo ng mga kapanalig ng pinuno masayang nag-iinuman at kumakain ang lahat, katatapos lamang ipulong ng pinuno ang kanyang mga kapanalig, mapapansing nasa likod parin ng pinuno ang kanyang mga alagad maliban sa isa. "narito sa likod ko ngayon ang aking mga magigiting na heneral at mapagkakatiwalaang alagad! At isa sa kanila ang maalamat na si agila!, magpakilala ka sa lahat agila!"masayang pagpapakilala ng pinuno sa kanyanga mga alagad sa mga kapanalig nito at nagpalakpakan naman ang mga ito.

Makalipas ang ilang sandali sa timog na bahagi ng pinagdadausan ng salo-salo may isang nilalang na tumatakbo ng sobrang bilis na may hawak na tila kutsilyong maliit sa magkabilang kamay at sinugod nito ang mga mandirigma ng pinagsamang tauhan ng pinuno at ng mga kapanalig nito. Lahat ng madaan nito ay puro laslas ang leeg at katawan nito at sa pagtigil nito makikita ang daan daang mandirigmang nakahandusay at wala ng buhay habang ang nilalang naman ay naliligo na sa dugo ng kanyang mga napatay.

Biglang nagbago ang mga tagpo, makikitang tumatakbo ang nilalang sa mga kalaban na nainis siyang patayin. Isang sigaw ang ginawa nya "mahal ko bilisan mo iligtas mo ang sarili mo at ang anak natin ingatan mo ang libro!!" at bigla na lang my tumaga sa likod at dibdib nito na syang pagbulwak ng dugo ng nilalang.

Doon na ako bigla nagigising anak ng puto bumbong!! Yun ulit ang panaginip ko! Paulit-ulit na lang buset!! Ano kayang meron dun sa hayop na panaginip na yon!! Parang totoo!! Hinahapo pa ako pagising ko! Naknamputsa!! Anong oras nb!? Shiiiit!! 7:30 n pala ng umaga late na naman ako sa klase nito!! Deym!!

Oo nga pala! ako nga pla si Achiles Grayson Macareza Tawagin nyo na lang akong "AEGON" yun din ang tawag ng magulang at mga kaibigan ko sakin eh ahaha ALRIGHT!!! 

Ultimo AlbularyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon